Jake Cuenca breaks silence on police car chase incident: "I was fearing for my life."

by Arniel C. Serato
6 days ago
Actor Jake Cuenca explains his side on viral police car chase incident: "When you have civilians flagging down my car, armed civilians, flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, to just get away from trouble.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on YouTube

Nagsalita na sa wakas si Jake Cuenca tungkol sa hindi niya paghinto ng minamanehong SUV (sports utility vehicle) matapos umano nitong mabangga ang sasakyan ng operatiba ng pulisya na nagsagawa ng drug bust sa Mandaluyong City noong Sabado, October 9.

Dahil sa hindi pagpara ng 33-year-old actor, pinaputukan ng mga pulis ang kanyang sasakyan upang huminto ito.

“For me, in that moment, I was thinking, I was fearing for my life,” pahayag ni Jake sa exclusive report ni MJ Felipe sa TV Patrol ngayong Martes ng gabi, October 12.

Ayon sa Kapamilya actor, papunta siya sa bahay noon ng kapwa Kapamilyang si Paulo Avelino nang mangyari ang police car chase.

Dagdag pa niya, hindi nakauniporme ang mga pulis kaya nagdalawang-isip siya kung ano ang tamang gawin.

“When you have civilians flagging down my car, armed civilians, flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, to just get away from trouble,” saad niya.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga ulat, nasagi raw ng sasakyan ni Jake ang sasakyan ng pulis. Pero sabi ng aktor, walang bakas na nakabangga ang kanyang sasakyan.

“Hindi ko talaga naramdaman yung ano, e, yung side-swipe, e, naguguluhan din kami kung sa'n nangyari yung bangga.

“Kasi in my car, there’s no paint from anywhere, there’s no damage in my car, aside from the damage that was caused by the gunshots.”

Naintindihan naman daw ni Jake ang ginawang operasyon ng pulisya sa nasabing lugar.

Nakalma lamang daw siya nang makarinig ng sirena ng pulisya at makakita ng mga unipormadong pulis na pumara sa kanya.

Nagulat pa raw si Jake na siya na pala ang hinuhuli ng mga pulis at hindi ang mga sibilyang nagpaputok sa kanyang sasakyan.

Dagdag pa niya, “I followed due process… Hindi ako nanlaban. Hindi ko sila pinahirapan.”

NOT JAILED

Dahil sa mga kumalat na espekulasyon sa social media, nilinaw ni Jake na hindi siya nakulong.

Continue reading below ↓

Walang nakitang ilegal na bagay sa kanyang sasakyan na dalawang beses umanong hinalughog ng pulisya.

Tutulong daw si Jake sa delivery rider na natamaan ng bala ng mga pulis nang paputukan ang kanyang sasakyan.

Aniya, kahit inako na ng pulis ang responsibilidad, nais pa rin niyang tumulong dito.

“I also want to extend my hand,” pangako pa niya.

Nabawi na raw ni Jake ang kanyang sasakyan, pero matinding trauma ang naidulot ng insidente sa aktor.

Marami kasing tama ng bala ang kanyang sasakyan at ang isa rito ay malapit pa sa tangke ng gasolina.

“It was very traumatizing,” sabi ni Jake.

Reckless imprudence resulting in damage of property at disobedience to persons in authority ang mga reklamong isinampa ng Mandaluyong Police laban sa aktor.

Wala namang balak magsampa ng reklamo si Jake laban sa pulisya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Jake Cuenca explains his side on viral police car chase incident: "When you have civilians flagging down my car, armed civilians, flagging down my car with unmarked vehicles, my instinct talaga was to not stop, to go forward, to just get away from trouble.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results