Noli de Castro withdraws candidacy for senator in the 2022 elections

by Arniel C. Serato
5 days ago
Veteran broadcaster Noli de Castro on his candidacy withdrawal: "Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag."
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph

Umatras na sa kanyang pagkandidato bilang senador ang beteranong broadcaster na si Noli de Castro.

Naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador si Noli noong Biyernes, October 8, sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na Aksyon Demokratiko.

Sa pahayag ni Noli na inilathala ng anak niyang si PTV General Manager Kat de Castro sa Facebook, napag-isip-isip daw nitong mas makapagsilbi siya sa bayan sa pamamagitan ng pamamahayag.

Dalawang programa ang iniwan ni Noli sa ABS-CBN—ang primetime news program na TV Patrol at ang Kabayan sa TeleRadyo, ang dating DZMM.

Pahayag niya sa kanyang statement: “Nitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang desisyong pagbalik bilang isang mambabatas. At kamakailan, naghanda ako sa posibilidad na pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.

"Ang nag-udyok sa akin ay ang hangaring muling bigyan ng boses sa Senado ang ating mga kababayan, lalung-lalo na ang mga ordinaryong Pilipino, na ang tanging hangarin ay mabuhay ng maayos, payapa, at may dignidad sa gitna ng pandemya.

Continue reading below ↓

"Isinumite ko ang aking kandidatura sa COMELEC noong Biyernes. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago ang aking plano.

"Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

"Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.

"Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag."

Nangako rin si Noli na kahit wala siya sa pulitika, bibigyan pa rin niya ng boses ang mga mamamayan sa pamamagitan ng kanyang programa sa radyo at telebisyon.

Saad pa ni de Castro, “Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.

“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.

Continue reading below ↓

“Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po.

“At sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat!

"Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.

“Ituloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan. Salamat po mga kabayan!”

Hindi pa malinaw kung babalik si Noli sa ABS-CBN at sa mga programang iniwan niya.

Continue reading below ↓

Tinanggap naman ng partido ang kanyang naging desisyon.

Gayunpaman, mananatili raw siyang miyembro ng Aksiyon Demokratiko.

Saad ng chairman ng partido na si Ernest Ramel, “We will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos. We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors.”

Noong 2001 elections ay at tumakbo at nanalong senador si Noli; nagsilbi siya hanggang 2004.

Noong 2004 ay nahahal naman siyang bise presidente sa ilalim ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo hanggang 2010.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Noli de Castro on his candidacy withdrawal: "Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag."
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results