Angeline Quinto told by BF who cheated on her: "Pag nagkaproblema kami, babalik ako sa iyo."

by Rachelle Siazon
5 days ago
Angeline Quinto on confronting her cheating boyfriend back when she was in high school: "Masakit. Sabi ko, 'Kung gusto mo ng ganyan, sa iyo na lang, sa inyo na lang ng bago mo, huwag na ako.'"
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram

Hinding-hindi makakalimutan ni Angeline Quinto, 31, ang ex-boyfriend niyang niloko na siya ay sinagad pa raw ang kakapalan ng mukha nito.

Ikinuwento ito ng singer-actress sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-promote siya ng 10Q, ang 10th anniversary concert series niya na tatakbo mula October 29, 2021 hanggang February 19, 2022.

Balik-tanaw ni Angeline: "Meron akong hindi makalimutan. Nung nalaman ko na nagloloko siya, parang iniingatan niya pa rin na masaktan ako nung nag-usap kami.

"Ang sabi niya sa akin, huwag daw ako mag-alala kasi kung sakali magkaproblema sila ng bago niyang dyowa, babalik naman daw siya sa akin.

"Gusto ko sapakin!"

Nangyari raw iyon noong siya ay third year high school, at first year college naman ang nobyo niya noon.

Paano niya nahuli na may iba itong babae?

Kuwento pa ni Angeline, "Nung una, may mga nagsasabi na sa akin na may nakikitang ganyan.

"Pareho kami ng school nun, pero siya nasa kabilang building.

Continue reading below ↓

"So ngayon, hindi pareho ang uwi namin. Siyempre pag college ka, mas hawak mo yung oras, depende na lang yung ilang oras klase nila.

"Hindi tulad sa high school na simula umaga hanggang hapon."

Hindi pa raw basta naniwala si Angeline noong una.

"Akala ko kaibigan lang. Tapos one time, parang tumatawag ako. Simula gabi hanggang kinabukasan ng madaling-araw nakapatay yung phone.

"Tapos saka ko pinuntahan sa bahay nila."

THE CONFRONTATION

Kinompronta ni Angeline ang nobyo noon kung totoong may iba itong babae.

"Dun na naganap yun. Umiiyak-iyak na siya, pero wala na siyang masabi.

"So, alam kong totoo na kasi wala na siyang masabi sa mga tanong ko."

May gana pa raw umiyak ang di pinangalanang lalaki bago inihayag ang pasabog nito.

"Hanggang sa sinabi niya, 'Huwag kang mag-alala. Pag nagkaproblema kami, babalik ako sa iyo.'"

Naloka si Angeline sa sinabi sa kanya ng nobyo.

"Parang hayaan ko siya sa bago. So pag nagkaproblema sila, babalik siya sa akin.

Continue reading below ↓

"Pero di ako pumayag siyempre!

"Masakit. Sabi ko, 'Kung gusto mo ng ganyan, sa iyo na lang, sa inyo na lang ng bago mo, huwag na ako.'"

ANGELINE'S EX-BOYFRIEND SENDS HER A DM

Humigit-kumulang 15 taon na ang lumipas mula nang mag-break sila ng teenage boyfriend niya nang muling nagparamdam ang lalaki kay Angeline via Instagram direct message.

Sabi ni Angeline sa awtor na ito: "Alam mo, ngayon nagme-message-message pa sa akin sa Instagram, e.

"Parang di raw maganda buhay niya ngayon.

"Kaya ang pino-post ko sa Instagram, maganda buhay ko para makita niya. Hahaha!"

Minsan ay ni-replyan naman daw ni Angeline ang ex-boyfriend na nagparamdam.

"Una, nagsi-share siya tungkol sa anak niya. E, di siyempre ako, 'Talaga? Kamusta?'

"Masaya naman ako para sa kanya. Pero wala siyang sinasabi ngayon kung meron siyang relationship.

"Hindi ko alam kung broken ba siya ngayon. Basta gusto mangimbansa."

NO RECONCILIATION

Sa mga sumunod na salita ni Angeline, malinaw na hindi siya interesado sa posibilidad na makipagbalikan sa kanya ang ex-boyfriend.

Continue reading below ↓

"Di ko na rin siya nare-replyan masyado kasi, siyempre sa Instagram, minsan kapag madami nagme-message sa 'yo napupunta sa ilalim.

"Kumbaga, di ko priority na tingnan nang tingnan yung mga message niya."

Kuwelang hirit pa ni Angeline sa huli: "Gusto ko nga tanungin, 'So, nagkaproblema na kayo? Babalik ka na sa akin? I'm okay!!!' Ganun!"

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on confronting her cheating boyfriend back when she was in high school: "Masakit. Sabi ko, 'Kung gusto mo ng ganyan, sa iyo na lang, sa inyo na lang ng bago mo, huwag na ako.'"
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results