Gretchen Barretto jokingly asks longtime partner Tonyboy Cojuangco: "Paano pag hindi na ako maganda?"

by Arniel C. Serato
4 days ago
Gretchen Barretto on "big revelation" about longtime partner Tonyboy Cojuangco: "So, imagine that revelation, after 27 and a half years, na-realize ko, ginamit lang ako nitong mamang ‘to."
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto on Instagram

Sa isang casual dinner kasama ang ilang malalapit na kaibigan, may ibinuko si Gretchen Barretto, 51, tungkol sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, 70.

Sa pamamagitan ng Instagram, dalawang magkasunod na videos ang in-upload ng dating aktres at ngayo’y "talpakan" queen na si Gretchen noong October 9.

Sa unang video na may caption na “Big revelation,” maririnig si Tonyboy na nagsasalita tungkol sa pagpili niya kay Gretchen noon.

“Sa dami-dami ng babae rito, sa totoo lang, si Gretchen pa rin ang pinakamaganda,” sabi ng business tycoon.

May tila tanong naman si Gretchen kay Tonyboy kung ilang taon na nitong naramdamang maganda ang dating aktres.

“Noong bata ka pa,” banggit muli ni Tonyboy, na parang ikinagulat kunyari ni Gretchen.

Tanong ng isang kaibigan, ano ang ibig sabihin ni Tonyboy sa kanyang binanggit.

Bawi ni Tonyboy, “Mas maganda siya ngayon.”

Ikinatuwa naman ito ni Gretchen at ng mga kaibigan nila.

Continue reading below ↓

“PAANO PAG HINDI NA AKO MAGANDA?”

Sa isa pang video kung saan nilagyan ito ni Gretchen ng caption na “Weekend vibe,” nagbiro muli ang aktres tungkol sa "panggagamit" lamang sa kanya ng longtime partner sa loob ng dalawampu’t pito at kalahating taon nilang pagsasama.

Sabi ni Gretchen na natatawa, “So, imagine that revelation, after 27 and a half years, na-realize ko, ginamit lang ako nitong mamang ‘to.

“He said, ‘Kaya ko naman sinamahan 'yan kasi ang ganda-ganda niya.’ E, paano pag hindi na ako maganda?”

Kung susumahin, 24 years old si Gretchen nang magkarelasyon sila ni Tonyboy, at 43 naman ang negosyante.

Hindi naman kumibo si Tonyboy sa tanong ni Gretchen kaya sambit niya, “Bingi na siya. Paano nga pag biglang hindi na ako maganda? Paano 'yan, Dada?”

Abala naman sa kanyang telepono si Tonyboy sabay bigkas ng, “Can I finish?”

Saad naman ni Gretchen, “Can I finish, I really need a smart answer. Take your time for as long as it’s the answer I want to hear.”

Continue reading below ↓

Komento ng anak nilang si Dominique Cojuangco, 25, tungkol sa kanyang mga magulang: “I have the cutest parents in the world [heart emoji]”

Nitong nakaraang Pebrero 2021, ipinagdiwang nina Gretchen at Tonyboy ang kanilang 27th anniversary as a couple.

Si Gretchen ay huling napanood sa pelikulang The Trial (2014) at Kapamilya teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala (2013).

Continue reading below ↓

Si Tonyboy ay co-vice chairman ng Okada Manila hotel. Siya rin ang presidente ng
All Seasons Hotel and Resort Corp. at director ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment na pawang resorts developer company.

Chairman din si Tonyboy ng Cinemalaya Foundation at Ballet Philippines.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto on "big revelation" about longtime partner Tonyboy Cojuangco: "So, imagine that revelation, after 27 and a half years, na-realize ko, ginamit lang ako nitong mamang ‘to."
PHOTO/S: Courtesy: @gretchenbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results