Ivana Alawi, Marco Gumabao seen getting cozy in viral video

by Rachelle Siazon
4 days ago
Netizens ask: what is the real score between Marco Gumabao and Ivana Alawi? When was this viral video taken?
PHOTO/S: TikTok (CTTO) / @ivana (inset)

May ugnayan ba sina Ivana Alawi at Marco Gumabao?

Ito ang katanungang nilikha ng viral video kunsaan namataang magkasama ang dalawa na nagbi-videoke.

Makikitang magkatabi sila ng upuan sa isang private karaoke room kasama ng tatlo pang babae na tila mga kaibigan nila.

Masaya silang nagkakantahan—kumanta si Marco ng "Pare Ko" ng Eraserheads at tila kumanta rin si Ivana ng Taylor Swift song.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

Pero kung susuriing mabuti ang video, mahihinuhang malapit si Marco kay Ivana dahil may punto kunsaan masuyong hinaplos ni Marco ang gawing binti at tuhod ni Ivana.


Continue reading below ↓

NETIZENS REACT TO "KAMAY NI MARCO"

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens.

Marami ang nasorpresa na malapit pala ang dalawa at napatanong kung higit sa pagkakaibigan ang ugnayan nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

OLD OR NEW VIDEO?

Hindi naman malinaw kung bago o luma ang viral video na ito nina Ivana at Marco.

Sa ulat ng Cabinet Files noong October 12, nakasaad na luma na at "pre-pandemic pa nangyari" ang KTV bar date nina Marco at Ivana.

Pero may iba pa ring netizens ang nagtatanong kung bago lang ito, lalo pa't kahapon, October 13, pinakita ni Ivana ang vlog niya kung saan siya ay nagpagupit ng buhok.

Sinabi rito ni Ivana na "first time" niya na ganoon kaiksi ang pinagupit niyang buhok.

One-length blunt bob ang new haircut ni Ivana, at sinasabi ng netizens na tugma iyon sa maiksing buhok ng sexy actress sa viral video nila ni Marco.


Continue reading below ↓

May mga nagtanong din kung paano na raw ang celebrity crush ni Ivana na si Joshua Garcia.

Kahapon, October 13, lumabas ang vlog ni Ogie Diaz kunsaan inamin ni Ivana na may komunikasyon sila ni Joshua via Instagram direct message.

Tila nagsimula iyon matapos mabuking si Ivana na celebrity crush niya si Joshua sa vlog ng sexy actress noong August 29.

MARCO ASKED ABOUT IVANA

Sa presscon ng Di Na Muli noong October 12, pasimpleng tinanong si Marco tungkol sa viral video kasama si Ivana.

Hindi binanggit ang pangalan ni Ivana, pero ang tanong kay Marco: "May extra special ba sa pagiging inspired mo ngayon, lalo na't nakita ng netizen kung sino siya?"

Napangiting sagot ni Marco, "Yeah. Yes, I'm inspired."


Continue reading below ↓

Biglang sumingit ang co-star niyang si Julia Barretto at tila iniwas si Marco na mausisa sa isyu.

Muling inusisa si Marco na kahit papaano ay may pahiwatig siya sa estado ng love life niya, "na parang kino-confirm na niya talaga na yung girl na yun ang nagpapatibok ng puso niya."

Sumenyas si Marco na naka-zip ang kanyang bibig sa tanong na iyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens ask: what is the real score between Marco Gumabao and Ivana Alawi? When was this viral video taken?
PHOTO/S: TikTok (CTTO) / @ivana (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results