Jomari Yllana on showbiz break after being elected: “Hindi ko mabitawan yung trabaho kasi sacrifice talaga.”

by Arniel C. Serato
4 days ago
Jomari Yllana shunned showbiz work since getting elected as councilor in Parañaque's first district: “It was really a big sacrifice on my end kasi parang kung bibilangin mo, 25 years kang nagtatrabaho sa harap ng camera, tapos ito, ako, bigla, public service yung trabaho.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Mula nang mahalal siya bilang konsehal sa unang distrito ng Parañaque, hindi na tumanggap ng TV at movie projects ang aktor na si Jomari Yllana, 45.

Ito ay kahit maraming artista at celebrities ang nagpatuloy sa kanilang trabaho sa showbiz pagkatapos mahalal.

May ibang lumalagare sa kanilang responsibilidad bilang public servant at rumaraket din paminsan-minsan sa TV shows at pelikula.

Unang nahalal bilang konsehal si Jomari noong 2016. Na-reelect siya noong 2019.

Bakit pinili ni Jomari na huwag munang tumanggap ng mga proyekto sa showbiz habang nasa naninilbihan bilang konsehal?

Paliwanag niya, “When I was elected in office for the first time, I decided to run my office independently.

“Kumbaga, hindi ako nag-assign ng COS, ng chief of staff. I designed my office na parang hinahati ko siya per department.

“Now, it’s a learning curve, ako yung nagpapatakbo ng office ko at lahat ng legislative agenda ko, at yung social services na agenda, yung serbisyo talaga na ibinibigay sa tao.

Continue reading below ↓

“It was really a big sacrifice on my end. Kasi, parang kung bibilangin mo, twenty-five years kang nagtatrabaho sa harap ng camera, tapos ito, ako, bigla, public service yung trabaho.”

Ayaw rin daw niyang may makalampas sa kanyang oportunidad bilang konsehal kaya tutok siya sa trabaho.

Saad ni Jomari, “I didn’t want to miss out on anything. Nag-enroll tayo sa UP, University of the Philippines, Public Adminstration and Governance.

“And then, natutunan natin lahat. Habang natututo ako kung gaano kalalim ang responsibilidad ng isang pulitiko, malungkot man, minsan may mga role na maganda.”

May panghihinayang man sa kanyang tinig, mas nanaig daw sa kanya ang tiwalang ipinaramdam ng constituents niya sa loob ng halos anim na taon.

Sabi pa ni Jomari, “Tatawang si Ang Probinsyano, tatawag ang ABS-CBN, tatawag ang Regal Films.

“Minsan nakaka-meeting ko pa si Dondon [Monteverde] at Erik Matti, maganda yung role na binibigay.

“Kaya lang, hindi ko mabitawan yung trabaho kasi sacrifice talaga. Kasi yung mandate ng isang pulitiko, yung elected, kahit saang branch 'yan, e, executive, legislative, e, ano 'yan, walang oras talaga.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang selected press si Jomari sa isang Zoom conference kahapon, October 13, kaugnay sa kanyang pagtakbo para sa ikatlo at huling termino bilang konsehal sa Parañaque.

“ARTISTA LANG 'YAN”

Tila parami nang parami ang celebrities na pumapasok sa pulitika.

Marami sa kanila ay nasasabihang “artista lang 'yan,” na tila pahiwatig na wala silang alam sa public service.

Ano ang masasabi ni Jomari rito?

Tugon niya, “Kahit saan sigurong lugar, kahit hindi Parañaque, lagi tayong makakarinig ng ganyan. It’s been tagged na, ‘Artista, mga artista lang 'yan.’

“Bata pa ako, naririnig ko na 'yan, actually panahon ng Gwapings pa lang, naalala ko 'yan, e. Isa dun sa pinakaunang entablado na tinayuan namin ay kay Sonny Belmonte, as a group, ‘no, panahon ng Gwapings.

“And then, magsi-segue kami sa entablado ni Mayor Joey Marquez sa Parañaque naman. And then, we would endorse mga politicians, sa national level, sa senate.”

Continue reading below ↓

Palagi raw niyang naririnig ang ganitong batikos sa mga artistang nais pumasok sa pulitika. Pero balewala lang daw ito sa kanya.

Ani Jomari, “Now, dito naman sa Parañaque, since I started, sanay na sanay naman tayo.”

Marami nang artistang nahalal sa kanilang siyudad kagaya nina Joey Marquez, Alma Moreno, Roselle Nava, Jason Webb, Vandolph Quizon, at ang kapatid ni Jomari na si Anjo Yllana.

Sabi ni Jomari, “Kumpleto kami dito pagdating sa artista and the competition is very tough.

“Kumbaga, yung nilatag ng mga nauna sa aming actors-politicians dito, yung standards are very, very high.

“So kami, hindi kami puwedeng hindi mag-perform, kasi meron kaming three-termer na Joey Marquez, meron kaming Anjo Yllana.

“Kung meron kaming aanihin na tinanim nila, hindi mawawala yung comparison na i-compare kami dun sa mga nagawa nila.

“So, ang taas ng mandato, ang taas ng standards.”

LEGISLATION

Si Jomari ang pinuno ng tatlong committee sa city council ng Parañaque: information technology, tourism, and social services.

Continue reading below ↓

Marami-rami na raw siyang naiakda at naipasang resolusyon at ordinansa para sa siyudad.

Lahad niya, “Konting trivia lang, here in Parañaque nung huling election, yung buong tiket namin nanalo, e.

“So, if you’re going to look at all the resolutions or ordinances na naipasa dito sa Parañaque, we were part of it—from the executive department and then the legislative department.

"Although yung mga paborito ko na naipasa natin, siyempre ano tayo, road safety advocate tayo.

“Itong Sucat Road, meron tayong non-contact dito na mga cameras. Dun sa mga nagmamaneho sa inyo, medyo mahal yung non-contact ticketing system namin dito.

“Hindi ka na huhulihin ng pulis, hindi ka na ipa-flag. Although kung meron kang violation, pag nagparehistro ka ng kotse, dun mo na lang malalaman na meron kang violation na ginawa.

“Ang Sucat Road, nilagyan rin natin ng bike lane. Isa tayo dun sa pinakaunang nag-implement ng bike lane at motorcycle lane.

Continue reading below ↓

"Isa 'yan sa mga gustung-gusto kong na-implement at naipasa natin."

Dagda pa niya, “Yung isa rin ay yung lahat ng estudyante namin sa larangan ng education, K to 12, senior high at junior high.

"Kami dito sa City of Parañaque, nagbibigay kami ng allowance na P500. Walang ano yun, ha, rating o grade na requirement, nagbibigay kami ng P500, pang-allowance o pangdagdag.

“Para maengganyo namin lahat ng kabataan na pumasok at mag-aral nang mabuti.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana shunned showbiz work since getting elected as councilor in Parañaque's first district: “It was really a big sacrifice on my end kasi parang kung bibilangin mo, 25 years kang nagtatrabaho sa harap ng camera, tapos ito, ako, bigla, public service yung trabaho.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results