Miss World PH 2021 candidate Pauline Robles accuses swimwear designer of "bullying and power-tripping"

by Bernie V. Franco
Oct 14, 2021
Pauline Robles
Miss World Philippines 2021 candidate Pauline Robles steps forward and calls out swimwear designer Domz Ramos for calling her names that affected her "emotionally and mentally."
PHOTO/S: JM Ferrer and Charlie Mango via @roblespauline on Instagram

Isa pang kandidata ng Miss World Philippines 2021 ang lumantad at nagsabing biktima siya ng bullying ng pageant swimwear designer na nasangkot din sa isyu kamakailan.

Nag-post kamakailan si Pauline Robles, 23, taga-San Pablo, Laguna, upang ilahad ang pambu-bully sa kanya ni Domz Ramos, swimsuit designer ng kilalang national pageant sa bansa.

Si Domz din ang inakusahan ng pambu-bully ni Miss World Philippines (MWP) 2021 Second Princess Ganiel Krishnan.

Si Ganiel ay bumaba sa kanyang puwesto para paboran ang trabaho niya bilang Star Patrol reporter.

Noong October 5 ay nag-post sa Instagram si Ganiel at tinawag na "bully" si Domz.

May post kasi ang designer na tila kinukutya si Ganiel na hindi ito nanalo ng korona.

Pagkalipas ng ilang araw ay nag-post si Domz upang humingi ng sorry sa mga nasaktan dahil sa kanyang post.

Pero itinanggi nitong may malisya ang kanyang post tungkol sa Star Patroller.

PAULINE's post versus swimsuit designer

Fellow candidate ni Ganiel si Pauline sa MWP 2021.

Continue reading below ↓

Pero ilang araw bago ang pageant night, nag-withdraw si Pauline dahil pinili niyang mas pagtuunan ng pansin ang kanyang major examination bilang medical student.

Noon ding October 5, may post si Pauline tungkol kay Domz.

Kalakip ng Instagram post ng dalaga ay screenshots ng pakikipagpalitan niya ng mensahe sa designer.

Sa unang slide, mababasa na tinanong ni Domz si Pauline kung ano ang balak ng dalaga sa gown designer na inirekomenda ni Domz.

Mahihinuhang naging mediator si Domz sa pagitan ng kaibigan niyang designer at ni Pauline.

Nag-sorry si Pauline dahil natagalan umano siyang mag-reply.

Humingi siya ng sorry kay Domz dahil hindi na niya kukunin ang ni-refer nitong gown designer.

Mas “convenient” daw kung malapit sa area ni Pauline ang kukuning designer.

Humingi uli ng pasensiya si Pauline at nagpasalamat sa effort ni Domz.

Sa sumunod na slide, tinawag ni Domz si Pauline na “attitude” ito. Sinabihan din niya si Pauline na “wala kang mararating sa pageant world” at “impakta.”

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod na slides, mababasa ang social media posts ni Domz, na masama ang loob niya kay Pauline.

Inakusahan niya ang dalaga na “ingrata,” at inulit ang mga katagang “attitude” at “impakta.”

Hindi raw nagustuhan ni Domz na matapos siyang magpakahirap humanap ng designer para kay Pauline ay bigla na lang aatras ang dalaga.

Sa caption ni Pauline, sinabi nitong binabasag niya ang kanyang katahimikan.

Tinawag niya ang swimsuit designer na “BULLY” sa pageant industry.

“With his actions, I have suffered mentally and emotionally,” sabi ng aspiring beauty queen.

Bagamat nirerespeto niya umano ang kontribusyon ni Domz sa kinabibilangang industriya, “but what you’ve done to me, and the rest you have power tripped destroyed that respect.”

Dagdag pa ni Pauline: “The bullying and powertripping should be stopped.

“TAMA NA. LET’S NOT TOLERATE ANY FORM OF BULLYING. No candidate deserves to be bullied. NO ONE deserves to be bullied.”

Nabanggit ni Pauline na hindi niya personal na kakilala si Domz.

Continue reading below ↓

Minsan lang daw sila nagkita nang maging judge ang designer sa isang pageant sa San Pablo, na sinalihan ni Pauline noong Enero 2021.

HOT STORIES

PAULINE insists "hindi naman po kami nag-commit"

Sa pamamagitan ng tawag sa telepono, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauline noong Martes, October 12, 2021.

Inilahad niya na ilang buwan bago magsimula ang activities ng Miss World Philippines, nakiusap siya kay Rodgil Flores ng Kagandang Flores pageant camp na tulungan siyang maghanap ng evening-gown designer.

Continue reading below ↓

Si Pauline ay nag-train sa Kagandahang Flores.

Ayon sa dalaga, napakiusapan ni Rodgil si Domz na humanap ng kakilalang designer na tutulong sa kanya.

Sina Pauline, handler nito, Rodgil, Domz, at ang kakilala nitong designer ay nag-usap sa group chat. Pinag-usapan daw nila ang “details kung ano po yung gusto naming mangyari.”

Pero paglilinaw ni Pauline, “But then, ang nangyari is hindi naman po kami nag-commit. So, walang nag-commit po.”

Bukod sa pagtatanong kung ano ang ideas nila tungkol sa gown, “Wala po kaming sinabi na, ‘Sige po, puntahan po namin kayo sa lugar niyo.’”

June 14, 2021, nag-message si Domz kay Pauline upang tanungin kung ano na ang balak ng dalaga sa ni-refer ni Domz na designer.

Ilang oras ang lumipas bago raw nakasagot si Pauline dahil may shoot siya noong araw na iyon.

At nang sumagot na nga siya kay Domz, sinabi ng dalaga na napagdesisyunan niyang mas makabubuting humanap siya ng designer na malapit sa kanilang lugar sa San Pablo, Laguna.

Continue reading below ↓

Ang inirekomenda kasing designer ni Domz ay taga-Taytay, Rizal.

Sabi ni Pauline sa PEP.ph, “Yun pala, hindi pala alam ni Domz that time na nag-uusap na po pala yung handler ko and the designer na friend po niya, na parang hindi na po matutuloy…

“Hindi na nga po kami magko-commit ganito, ganyan.”

Dugtong ni Pauline, hindi siya aware kung alam ni Domz na may nakausap nang ibang designer ang kanyang handler para sa kanyang gown.

Lumalabas na isyu ng miscommunication ang nangyari sa kampo ni Pauline at ni Domz.

PAULINE BLOCKS DOMZ ON SOCIAL MEDIA

Inamin ni Pauline na binlock niya sa social media si Domz “to protect my peace.”

Dagdag niya, “Ayoko na ng anything stressful. I was already stressed that time.”

Pero patuloy raw sa pagpo-post si Domz laban kay Pauline, at tina-tag pa ang mga kakilala ng huli.

Samantala, may Pangasinan-based designer namang nakausap ang kampo ni Pauline para sa kanyang national costume.

Continue reading below ↓

Bagamat nasukat na raw ni Pauline ang national costume, umatras din ang Pangasinan-based designer.

“Domz contacted the designer. Yun pala, friend din niya iyon na nasa Pangasinan,” ani Pauline.

Umurong umano ang designer ng national costume at nagdahilan na ang Binibining Pilipinas designers “are not allowed to lend costumes sa candidates ng ibang pageants."

Sabi pa ni Pauline, “I don’t know if it’s true.”

WHY IT TOOK long for PAULINE TO CALL OUT DOMZ

Inamin ni Pauline ang pag-backout niya sa Miss World Philippines 2021 grand coronation night noong October 3, 2021.

Mas binigyan daw kasi niya ng prayoridad ang kanyang pag-aaral.

Sa kabilang banda, bagamat June pa nangyari ang umano'y pambu-bully sa kanya ni Domz, bakit natagalan si Pauline na magsalita at ilantad ito sa publiko?

Sagot niya, “I don’t know rin po. For me kasi, gusto ko na lang kalimutan siguro.

“If papatulan ko pa po, baka humaba at humaba pa ang kuwento. So, huwag na lang pansinin. Parang be the bigger person.”

Continue reading below ↓

Ngunit nang mabalitaan umano niya ang isyu sa pagitan nina Ganiel at Domz, tinawagan ni Pauline ang Star Patroller at inaming biktima rin siya ng pambu-bully.

Dugtong ni Pauline,“Parang doon ako nagkalakas ng loob, kasi before hindi ako nagkalakas ng loob.”

Ano ang hangad ni Pauline sa ginawa niyang pagpo-post laban sa swimsuit designer?

Sagot ni Pauline: “For me po kasi, I’m not chasing for clout or fame. But I’m raising for awareness na sana the cycle of bullying and hate should end.

“Hindi po kasi tama yung nangyayari. It shouldn’t be normalized.

“I think social media is a powerful tool and we should use it wisely. We should all be responsible when using social media.

“Dapat mag-ingat tayo sa mga binibitawan nating salita.

“Iba yung pakiramdam kasi na masabihan nang ganoon.”

Ano ang reaksiyon niya sa akusasyon sa kanya ni Domz na may “attitude” siya?

“Wala naman po akong masasabi kung meron po siyang sinabi sa akin na negative, attitude man ako, ingrata man po ako,” sabi ni Pauline.

Continue reading below ↓

Para raw kay Pauline, walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ng degisner.

Tinanong namin si Pauline kung may pagkakamali siya sa nangyaring isyu.

“I wasn’t able to reply agad,” aniya tungkol sa mensahe ni Domz nang humingi ito ng update kung itutuloy ang pagkuha sa designer.

“Doon kasi ako nagkamali. Kung meron man ako mali, siguro nga, di ako naka-reply agad.

“At the end of the day, I said sorry.”

Paliwanag ni Pauline, kung mas malapit lang sa kanila ang makukuhang designer, mas convenient sa travel at mas makakatipid sila dahil magastos din ang pagsali sa pageant.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpadala ang PPE.ph ng direct message kay Domz Ramos noong Lunes, October 11, 2021 at humingi ng reaksiyon hinggil sa pahayag ni Pauline sa Instagram. Pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.

Mananatiling bukas ang PEP.ph para sa panig ng swimsuit designer hinggil sa isyung ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss World Philippines 2021 candidate Pauline Robles steps forward and calls out swimwear designer Domz Ramos for calling her names that affected her "emotionally and mentally."
PHOTO/S: JM Ferrer and Charlie Mango via @roblespauline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results