Watch Now

PBB Otso housemate Franki Russell tries her luck in Miss Universe UAE 2021

by Bernie V. Franco
Oct 15, 2021
PBB Otso housemate Franki Russell on joining Miss Universe UAE: “It may not be the flag that you prefer, but I am so excited..."
PHOTO/S: @missfranki on Instagram / Facebook

Susubukan ng Pinoy Big Brother Otso housemate na si Franki Russell ang suwerte niya sa Miss Universe UAE 2022 pageant.

Kasalukuyang namamalagi ang Filipino-Kiwi model-turned-actress sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito rin ang kauna-unahang beses na ilulunsad ang Miss Universe UAE.

Ang kandidatang mananalo ay magiging kinatawan ng UAE sa Miss Universe 2021 pageant sa darating na December.

Nakapasok si Franki sa casting process ng pageant para sa Top 300.

Tampok ang kanyang larawan sa mga nakapasok sa casting call.

Mula sa Top 300, magkakaroon ng shortlist ng mga aabanteng kandidata.

Pipiliin ang Top 30 at iaanunsiyo ito sa October 20, 2021.

Sila ang maglalaban-laban para sa pre-pageant activities hanggang sa grand coronation night sa November 7, 2021.

FRANKI ON JOINING MISS UNIVERSE UAE

Sa kanyang Twitter, nag-post si Franki kaugnay ng kanyang pagsali sa Miss Universe United Arab Emirates (UAE).

Mahihinuhang alam niyang may ibang hindi pabor na ibang bansa ang sinalihan niya para sa isang national pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It may not be the flag that you prefer, but I am so excited because this particular pageant represents a lot more than that,” bahagi ng statement ng modelo.

Aniya, magandang platform ito na ipinagdiriwang ang mga babaeng may interracial backgrounds.

“Diversity, celebrating girls for all cultural backgrounds, breaking stereotypes and empowerment.

“I always want to try something new and challenge myself every day, while having fun and staying true to who I am.

“Let’s grow and step out of our comfort zones together.”

Pinasalamatan niya ang mga sumusuporta sa kanya.

Aniya, “To those who have shown their support, I see you and I feel so blessed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa isang interview noong September 16, 2021, sinabi ni Franki na hinihintay lang niyang maayos ang kanyang mga papeles para makabalik ng Pilipinas.

Nabanggit din niyang pumirma siya ng kontrata sa isang management sa Pilipinas para tutukan ang kanyang career.

“I recently signed with a new management in the Philippines, it’s like a sort of a dream management that I wanted to sign with and make a lot of movies.”

Si Franki ay lumaki sa New Zealand. New Zealander ang kanyang ama at Pinaykanyang naman ang ina.

Sumali siya sa PBB Otso noong 2018, at isa sa na-evict na housemates.

Gayunpaman, nakapasok sa showbiz si Franki.

Nang tumama ang pandemic, umuwi muna sa New Zealand si Franki, at pagkatapos ay sa Australia, bago nagtungo sa Dubai.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PBB Otso housemate Franki Russell on joining Miss Universe UAE: “It may not be the flag that you prefer, but I am so excited..."
PHOTO/S: @missfranki on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results