Johnny Manahan wishes Bea Alonzo a “very successful career here at GMA”

by Bernie V. Franco
Oct 15, 2021
Bea Alonzo on mentor Mr. Johnny Manahan: “Inaakay niya pa rin ako. Andun pa rin siya to show his support."
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)

Naiyak si Bea Alonzo, 33, sa birthday message sa kanya ng mentor niyang si Johnny Manahan, 74.

Si Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, ang co-founder at chairman emeritus ng Star Magic na siyang nag-manage sa career ni Bea sa loob ng dalawang dekada.

Ang Star Magic ang talent management arm ng Kapamilya network.

Pareho na ngayong nasa bakuran ng GMA-7 sina Mr. M at Bea.

Pumirma ng kontrata si Bea bilang exclusive Kapuso star noong July 1, 2021.

Si Mr. M naman ay consultant na ngayon ng GMA Artist Center, ang Kapuso talent management division.

Naging guest si Bea sa GMA-7 morning talk show na Mars Pa More noong Huwebes, October 14, 2021.

Bakas ang excitement nang magkita-kita si Bea at ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania, na dati ring ABS-CBN artists.

Sa programa ay binigyan ng birthday celebration si Bea, na magdiriwang ng kanyang 34th birthday sa October 17.

Continue reading below ↓

Kabilang sa nagbigay sa kanya ng video greeting ay si Mr. M.

Mensahe ng star builder kay Bea: “I want to wish you a very happy birthday.

“Alam mo naman, hindi ako gumagawa nito, yung mga ganito… But then for you, special ka, you’re special to me.

“And I hope you have a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you.”

Naiyak si Bea sa mensahe ni Mr. M dahil ito raw ang unang naniwala sa abilidad ng aktres.

Continue reading below ↓

“Mr. M, I love you so much, alam na alam mo iyan, super... Na-emotional ako,” sabi ni Bea habang naiiyak pero natawa rin siya sa huli.

Naluha rin ang dating Star Magic talent na si Camille dahil, aniya, “I haven’t seen Mr. M in a very long time.”

“Same! That’s why…” sundot ni Bea sa dahilan kung bakit siya naluha.

“And he doesn’t do those things, hindi siya maano,” patungkol sa pagbibigay ng birthday greeting ni Mr. M.

“Yes, sobra, ano?” pagsang-ayon ni Camille.

Paliwanag ni Bea, malaking parte sa buhay niya si Mr. M na siyang nag-buildup sa aktres para sumikat.

“For me, kasi siyempre, twenty years ago nung kinuha niya ako as his talent, nung wala pang nagtitiwala sa akin.

“At siya pa lang ang unang-unang nagtitiwala sa akin.

“Parang inaakay niya ako nung mga panahon na iyon, e,” sabi ng naluluha pa ring si Bea.

Hanggang sa magdesisyon daw ni Bea na lumipat sa ibang TV network ay nakaalalay pa rin si Mr. M sa kanya.

Continue reading below ↓

“And, eto, parang this is one of the biggest shifts in my life,” pagtukoy ni Bea sa paglipat sa GMA-7.

“Inaakay niya pa rin ako. Andun pa rin siya to show his support.

“So, it was… for me, ha, malaking-malaking bagay. I really appreciate it.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on mentor Mr. Johnny Manahan: “Inaakay niya pa rin ako. Andun pa rin siya to show his support."
PHOTO/S: YouTube (GMANetwork)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results