Super Tekla forgives store clerk who accused of shoplifting in a convenience store

by Arniel C. Serato
Oct 17, 2021
Comedian/TV host Super Tekla accused of shoplifting: "LESSON LEARN WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO…"
PHOTO/S: Courtesy: @backyardproductions official on Instagram

Nabiktima ng mistaken identity ang Kapuso comedian na si Super Tekla.

Kahapon, October 16, ikinuwento ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) host, sa pamamagitan ng Facebook, ang kanyang naranasang kahihiyan sa isang convenient store sa Quezon City.

Pinagbintangan daw siya ng store clerk, na tinawag niyang "sales lady," na nag-shoplift ng ilang items sa loob ng convenient store.

Kuwento ng stand-up comedian/TV host (published as is), “Mistaken identity 711 E ROAD BRANCH I BUY SOMETHING HINARANG AKO NG SALE'S LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM…

“SABI KO, ‘ARE YOU SURE ATE?’ NAPAHIYA AKO DAMING TAO.

“SABI NYA KAPKAPAN DAW DAW AKO THEN SABI, ‘GO AHEAD.’

“WALANG NAKITA SA AKIN PINA CHECK KO ANG RESIBO KO KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO.”

Nung ibinaba na ni Tekla ang kanyang face mask, saka lang siya nakilala ng store clerk na sising-sisi raw sa pagbibintang sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa komedyante, masuwerte ang store clerk dahil mabait siya at kundi ay baka inireklamo na niya sa management ang tindera para matanggal ito sa kanyang trabaho.

“BINABA KO YUNG MASK KO NA RECOGNIZE NYA AKO SI TEKLAH ATE KINAPKAPAN AT BINAGBINTANGAN MO AKO ATE TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORY DAHIL NAGKAMALI KA…

“GANUN LNG KADALI YUN SABI KO SA KANYA ANG SWERTY MO ATE MABAIT AT MAUNAWAIN AKO KUNG SA IBA YUN MAY PAGLALAGYAN KA…

“CGE ATE PALALAGPASIN KO ITO SWERTY MO SAKIN KA NATAPAT KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KANA…”

Ang leksiyon lamang daw sa kanyang karanasan ay huwag manghusga base sa panlabas na anyo.

Saad ni Super Tekla “LESSON LEARN WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO…

“IMBES NA MAGALIT AKO AWA NANAIG SA PUSO KO DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK…

Continue reading below ↓

“INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE…

“SABI KO SA INYO IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE…

“INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON SHARE KO LNG SA INYO KAKATAWA PERO SAD REALITY.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Super Tekla, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian/TV host Super Tekla accused of shoplifting: "LESSON LEARN WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO…"
PHOTO/S: Courtesy: @backyardproductions official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results