Alwyn Uytingco hints at reconciliation with wife Jennica Garcia

by Arniel C. Serato
Oct 17, 2021
Alwyn Uytingco Jennica Garcia reconciliation
Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia: "Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all.”
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky on Instagram

Desidido ang aktor na si Alwyn Uytingco na ayusin ang kanyang pamilya.

Nitong nakaraang October 14, sinabi ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng 24 Oras na pursigido ang nakahiwalayang asawang si Alwyn na mabuo muli ang kanilang pamilya.

Ani Jennica, "I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave me what I was hoping for—for Alwyn to come back [to] us. He expressed his desire for family restoration."

Sa kanya namang Facebook post ngayong araw, October 17, ibinalita ni Alwyn sa kanyang followers ang tila pagkakaayos na nila ni Jennica.

Sinimulan niya ang kanyang post ng salitang Arabic na “habibi,” na ang ibig sabihin ay “my love.”

Mensahe ni Alwyn: "’Habibi’

“When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace.

“I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.

“Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life.

Continue reading below ↓

“And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it's impossible to achieve if I rely on my strength alone.”

Umaasa ang aktor na sa pamamagitan ng paggiya ng Diyos, tuluy-tuloy na ang pagkakaayos nila ni Jennica.

Nagpasalamat din si Alwyn sa asawa na hindi bumitaw sa kanya at sa pagbibigay nito ng pangalawang pagkakataon upang maghilom ang mga sugat sa kanilang puso.

Saad ni Alwyn, “Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose. And without my wife’s boundless patience and love... I will be lifeless. Thank you, mahal, for not quitting on me.

“Thank you for letting me continue this life we started together.

“Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all.”

Ibinahagi rin niya ang isang quote na nangangahulugang hindi dahil sa may hinagpis ang nakaraan ay ganun din ang hinaharap.

Continue reading below ↓

“Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.”

Pangako pa niya kay Jennica, “I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you.”

Kalakip ng post ni Alwyn ang black-and-white silhouette photo nila ni Jennica.

Ibinahagi rin ng aktor ang kaperehong larawan sa kanyang Instagram Stories.

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Noong July 2021, nagpahiwatig si Alwyn na nais niyang buuing muli ang nasirang samahan nila ng asawang si Jennica.

Naging usap-usapan ang balitang naghiwalay ang dalawa sa hindi pa nila sinasabing dahilan.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com na lumabas noong May 20, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Deklarasyon ni Jennica tungkol sa sitwasyon nila noon: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."

Pero pinabulaanan niyang pinansiyal ang dahilan kaya sila naghiwalay ng landas.

Sabi pa ni Jennica sa kanyang Instagram post, “The good things that I said about how I honor Alwyn up to this day because he was never materialistic, hardworking and a good provider was not included in the reposted articles.

“FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason.

"Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life.

“Our savings was never an issue. If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe.

“I will NEVER say anything bad about the father of my children.”

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 2014.

Continue reading below ↓

March 2021, napapabalitang on the rocks na ang pagsasama nila.

Mayroon silang dalawang anak, sina Mori at Alessi.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia: "Thank you for letting me continue this life we started together. Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all.”
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results