Double date? Piolo Pascual, Shaina Magdayao spotted with Jodi Sta. Maria, Raymart Santiago in Bohol

by Rachelle Siazon
Oct 18, 2021
Piolo Pascual and Shaina Magdayao PDA moments in Bohol keep netizens guessing whether or not they are in a relationship. They were seen with celebrity couple Jodi Sta. Maria and Raymart Santiago.
PHOTO/S: CTTO

May espesyal na ugnayan ba sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao?

Ito ang iniwang palaisipan ng mga litrato nina Piolo at Shaina na ilang beses namataang sweet sa isa't isa sa Bohol.

Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng mga litrato ng dalawa na tila kuha sa bakasyon ng dalawang Kapamilya stars kamakailan.

Una na rito ang litrato kunsaan makikitang mahigpit ang yakap ni Piolo kay Shaina habang nakaupo sa pool table sa isang recreational area na ang bubong ay may disenyong nipa hut.

Kasama nila sa litrato ang aktor na si Raymart Santiago at isang di kilalang lalaki.

Raymart Santiago spotted with Shaina Magdayao and Piolo Pascual

Continue reading below ↓

DOUBLE CELEBRITY COUPLE?

Sa hiwalay na litrato ay makikitang kasama rin ni Raymart ang nobyang si Jodi Sta. Maria. Matamis din ang pagkakangiti roon nina Piolo at Shaina.

Hindi malinaw kung sadyang magkakasama silang apat nang magpunta roon sa Bohol, pero malinaw na nagka-bonding sila sa resort.

Shaina Magdayao and Piolo Pascual with Jodi Sta Maria and Raymart Santiago

May isa pa kasing litrato si Shaina na kasama si Jodi at dalawang non-showbiz na babae.

Continue reading below ↓

Shaina Magdayao and Jodi Sta Maria

Hindi kaila na higit isang taon, o noong September 2020, unang kinumpirma ni Raymart ang relasyon nila ni Jodi sa PEP Troika.

Low-key ang dalawa at hindi gaanong nagpo-post sa social media.

PIOLO AND SHAINA'S COZY MOMENT

Ang nakatawag ng pansin ay ang isa pang hiwalay na litrato umano nina Piolo at Shaina na kuha sa isang motorboat.

Continue reading below ↓

Ayon sa masugid na tagasubaybay ng dalawa ay sina Piolo at Shaina ang mga ito at kuha rin daw iyon sa Bohol.

Nakahiga si Piolo sa kandungan ni Shaina, habang si Shaina ay nakahiga sa dibdib ng actor-singer.

Shaina Magdayao and Piolo Pascual on a motorboat in Bohol

Narito ang isa pang litrato ng dalawa na magka-holding hands sa resort.

Continue reading below ↓

Shaina Magdayao and Piolo Pascual holding hands

Walang nababanggit sina Piolo at Shaina tungkol sa kung anumang espesyal na ugnayan nila ngayon.

Pero matatandaang ilang beses nang na-link ang dalawa sa isa't isa.

PIOLO AND SHAINA "DATING" FOR MANY YEARS

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 2017, sinabi ni Piolo na "five years" na silang "exclusively dating" ni Shaina.

Continue reading below ↓

Pero pinakalma noon ni Shaina ang fans na kinilig sa rebelasyon ni Piolo tungkol sa pagiging malapit nila sa isa't isa.

Inamin ni Shaina na "very present" sa buhay niya si Piolo, at totoong madalas silang nagkikita.

Pero diin ni Shaina, noong panahong iyon ay wala silang commitment sa isa't isa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual and Shaina Magdayao PDA moments in Bohol keep netizens guessing whether or not they are in a relationship. They were seen with celebrity couple Jodi Sta. Maria and Raymart Santiago.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results