Jomari Yllana considers girlfriend Abby Viduya his lucky charm

by Jerry Olea
Oct 18, 2021
Jomari Yllana on wedding plans with girlfriend Abby Viduya: “Hindi na kami bumabata. Kailangan na tinitingnan natin ngayon, e, yung future namin. Yung hinaharap namin, at saka kung paano namin suportahan yung isa’t isa. Wala pa naman konkretong wedding plans. Napapag-usapan din namin 'yan.”
PHOTO/S: Arniel Serato

All the way ang suporta ni Abby Viduya kay Jomari Yllana, lalo na sa hapag-kainan.

“Di ba, may kasabihan tayo, the way to a man’s heart is through his stomach?” nakangiting sambit ni Jomari sa virtual mediacon noong Oktubre 13, Miyerkules.

“Magaling magluto ito, e! Ha! Ha! Ha! Ang masarap diyan, yung authentic na recipe ng callos. May callos sila na passed on from generation to generation.

“Meron din siyang authentic na recipe ng patatim. Bulalo. Actually, kahit ano, niluluto nito, e. Masarap. Masarap magluto ‘to.

“Gusto ko nga dito, magtayo ng restaurant, e. Pagkakakitaan namin… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Pagkakakitaan namin yung niluluto niya.”

Napakaespesyal ni Abby para kay Jomari. Si Abby, na nakilala rin sa screen name na Priscilla Almeda, ang kanyang unang girlfriend.

“Si Abby is very supportive sa lahat ng ginagawa ko. Ahhm, ano ‘to, e, lucky charm. Lucky charm ko ‘to,” salaysay ni Jomari.

Continue reading below ↓

“Mula noong nagsama kami uli, e, maraming naituwid… naitama sa buhay ko.

“Isa siya sa mga tao na nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Yung malaking pasasalamat ko, yung support niya sa lahat ng ginagawa ko, lalung-lalo na sa public service.”

LOVE IN THE MIDDLE OF A PANDEMIC

Kumusta sila ni Abby ngayon? Mukhang lalong tumitibay ang pagmamahalan nila.

“Eto, pandemic pa rin. Ha! Ha! Ha! Pandemic pa rin,” sabi ng actor-turned-politician, na reelectionist bilang konsehal ng Parañaque City.

“Kumbaga, lahat tayo, apektado ng pandemic. Pero kami ni Abby, ahh… we try to embrace yung blessing, at saka yung grace na ibinibigay ng Diyos sa amin.

“Paggising namin sa umaga, nagpapasalamat kami na buhay pa kami. Nagpapasalamat kami na maayos kami.

“Yung mga mabababaw na kaligayahan. Nung panahon na wala pang pandemya, e, kami, mas naa-appreciate namin 'yan ngayon, e.

“Ito ngang si Abby, minsan, tawa ito nang tawa. Kasi ako, magpapa-car wash lang ng kotse, big event na ito sa akin.

Continue reading below ↓

“Ha! Ha! Ha! Ha! Makakalabas although nag-iingat. Yung ganyan ba. Yung… yung kami, oorder kami ng pagkain minsan. Malaking bagay na yun. Minsan, magluluto siya for us.

“You need to appreciate life now. Kahit gaano kahirap, kailangan pa rin nating magpasalamat na nasa maayos tayong kalagayan.

“So, pagdating sa relasyon naming dalawa ni Abby, ahh, wala kaming ibang option kundi to be happy and thankful for all the blessings that we have.”

Abby Viduya and Jomari Yllana

Continue reading below ↓

WEDDING and baby plans

May plano ba silang magpakasal?

“Kami ni Abby, sa tagal na naming magkakilala, e, wala na kaming itinatago sa isa’t isa, e,” matamang pahayag ni Jomari.

“Ahhh… napapag-usapan din namin 'yan paminsan-minsan. Hindi na kami bumabata, e. Di ba?

“Alam mo yung nakukumpara kayo sa kape, e. Di ba, may kape noong araw, ang tatak, e, Blend 45.

“Kumbaga, I turned 45 noong August. Abby’s turning 45. Magka-age kami, pareho kaming Year of the Dragon.

“Hindi na kami bumabata. Kailangan na tinitingnan natin ngayon, e, yung future namin. Yung hinaharap namin, at saka kung paano namin suportahan yung isa’t isa.

“Wala pa naman konkretong wedding plans. Napapag-usapan din namin 'yan.”

Gusto ba nila ni Abby na magkaroon ng anak?

“Actually, yes. Gusto namin. Gusto namin ng kids. Gusto namin 'yan. Gusto namin na magka-baby pa,” pag-amin ni Jomari.

“Pero hindi namin alam kung kaya pa ng mga katawan namin. Ha! Ha! Ha! Ha! “Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, yes, gusto namin!”

Continue reading below ↓

Si Jomari ay may isang anak, si Andrei, sa dati niyang asawa na si Aiko Melendez; at may dalawa rin siyang anak na lalaki sa dating live-in partner na si Joy Reyes.

Si Abby ay may tatlo ring anak—isa sa unang naging karelasyon at dalawa sa huling partner niya bago naging sila ni Jomari.

HOT STORIES

BODY TALKS

Kapansin-pansin ang “paglusog” ni Jomari. Wala ba siyang balak ibalik ang kanyang katawang pangromansa noong panahon ng pelikulang Warat (1999)?

Jomari Yllana in Warat

Continue reading below ↓

Natawa muli si Jomari, “Grabe, ‘no? Itong si Direk Joel Lamangan, yung mga eksenang ibinigay sa amin sa Warat, e, talagang… pang-ano, e, ‘no, pangromansa.

“Ano naman tayo pagdating sa pag-aartista, versatile tayo talaga, e. Kapag pelikula ang kailangang i-shoot, kung ang pelikulang 'yan, Warat ba 'yan o Diliryo, tayo naman, naghahanda, e.

“Hihingi lang tayo ng mga six to eight weeks in preparation. Kayang-kaya nating gampanan 'yan.

“Kapag mga Bench na fashion show naman, Bench Body, bibigyan tayo ng eight to twelve weeks. E, kaya nating gampanan 'yan.

“E, ganyan naman tayo. Ahhh, bumibigat yung timbang, kaya din nating magpagaan. Pero part naman 'yan ng pagiging artista.

“Although medyo marami na rin naman ang nagsasabi sa akin na, ‘Oy, Jomari! Magpapayat ka, tumataba ka!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“I think it’s a really good sign na kailangan magkaroon tayo ng weight loss na program para healthy tayo.

“Importante naman, healthy tayong lahat.”

Continue reading below ↓

Ang kapwa niya Guwaping na si Mark Anthony Fernandez, ang ganda-ganda ng katawan ngayon! Bortang-borta! Puwede bang ibalik niya ang katawang pangromansa?

Komento ni Jomari, “Dahil ano tayo, lagi tayong nasa opisina. At lagi tayong nasa desk. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ang kasama nila ni Mark Anthony sa Guwapings na si Eric Fructuoso, magiging lolo na. If ever, handa na ba siyang magkaapo?

“Congratulations, Eric… kung magiging lolo na siya! Ako, hindi ko alam kung ano ang feeling, naririnig ko lang 'yan sa mga kaibigan kong lolo,” pagbuntong-hininga ni Jomari.

“Napakasarap daw ng feeling na maging lolo. Kaya lang, ako, hindi ko alam. Kung mabigyan ako ng pagkakataon, ahh, ang contender diyan, yung panganay ko, si Andrei.

“Pero sa naiintindihan ko, maraming gustong gawin si Andrei. Pero kung 'yang blessing na 'yan ay maibibigay sa amin, OK din sa akin.

“E, si Andrei naman, nakapagtapos. Meron na siyang sarili niyang career na pinangangalagaan. The future looks bright para doon sa panganay ko. I support him every step of the way.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on wedding plans with girlfriend Abby Viduya: “Hindi na kami bumabata. Kailangan na tinitingnan natin ngayon, e, yung future namin. Yung hinaharap namin, at saka kung paano namin suportahan yung isa’t isa. Wala pa naman konkretong wedding plans. Napapag-usapan din namin 'yan.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results