GMA Artist Center says Jace Flores is no longer affiliated with Kapuso network

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2021
GMA Artist Center: “GMA Artist Center informs the public that Reynaldo C. Flores aka Jace Flores is not a part of the talent arm of GMA Network. His contract ended on July 13, 2013. He is not, in any way, connected or affiliated with GMA Network.”
PHOTO/S: Instagram

Naglabas ang GMA Artist Center ng opisyal na pahayag tungkol kay Jace Flores ngayong Lunes ng gabi, October 18, 2021.

Si Jace ay aktor at TV host na dating contract artist ng talent management arm ng GMA Network.

Nakasaad sa statement: “GMA Artist Center informs the public that Reynaldo C. Flores aka Jace Flores is not a part of the talent arm of GMA Network.

“His contract ended on July 13, 2013. He is not, in any way, connected or affiliated with GMA Network.”

May kinalaman ang opisyal na pahayag ng GMAAC sa balitang ginagamit ni Jace ang kopya ng dating kontrata nito sa Kapuso Network para sa kanyang mga personal na interes.

Lumitaw ang maraming reklamo laban kay Jace nang magsalita ang talent manager at movie producer na si Len Carrillo tungkol sa sasakyan na isinangla sa kanya sa halagang kalahating milyon (P500,000) ng former Survivor Philippines Season 1 castaway noong September 5, 2021.

Continue reading below ↓

Nagpasya si Carrillo na lumantad nang malaman niyang carnapped ang sasakyang isinangla ni Jace dahil sa police authorities na nakipag-ugnayan sa kanya.

Napilitan si Carrillo na isuko ang nakaw na sasakyan pero hindi na rin niya mahagilap si Jace.

Desidido si Carrillo at ang ibang mga complainant na magsampa ng kaso para hindi na maulit ang nangyari at para wala nang maging biktima ang TV host-actor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Artist Center: “GMA Artist Center informs the public that Reynaldo C. Flores aka Jace Flores is not a part of the talent arm of GMA Network. His contract ended on July 13, 2013. He is not, in any way, connected or affiliated with GMA Network.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results