Robi Domingo answers MayWard fan accusing him of pairing up Maymay Entrata and Donny Pangilinan

by Rachelle Siazon
Oct 18, 2021
Robi Domingo feels dismayed at MayWard fan accusing him of taking advantage of Maymay Entrata. Robi adds, "There's nothing between donny and maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that." Seen in photo are (from left) Robi, Maymay, Donny, and Edward.
PHOTO/S: Instagram

Hindi napigilan ni Robi Domingo na sagutin ang isang MayWard fan na inakusahan siyang "ginagamit" diumano si Maymay Entrata.

Ang MayWard ang uniname para sa onscreen love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Kagabi, October 17, ibinahagi ni Robi sa Twitter ang direct message ng MayWard fan na hindi nagustuhan na tila binubuyo raw ng Kapamilya host si Maymay kay Donny Pangilinan.

Nag-ugat ito sa pagbisita ni Donny sa online live stream show nina Robi at Maymay noong October 1.

Nagbagsak din ng gift si Donny para sa livestream nina Robi at Maymay

Continue reading below ↓

Tila nabigyan ng kahulugan ang facial expression ni Robi na napatikom ang bibig na waring nagpapahiwatig na nais nitong tuksuhin si Maymay kay Donny.

May impresyon din ang ilan na parang kinilig umano si Robi para kina Maymay at Donny.

Isang MayWard fan ang nagpaabot ng saloobin nito kay Robi.

Continue reading below ↓

Sabi ng fan: "Naasar na sayo sir iba mayward kasi ginagamit mo lang daw si mm tapos boto ka kay donny kaya nagdelulu mga iba fans ni mm at nagkaron ng maydon..dapat respect mo naman feeling ni edward..Salamat.."

Ang tinukoy ng fan na "maydon" ay ang shippers nina Maymay at Donny.

ROBI CLARIFES REAL SCORE BETWEEN MAYMAY AND DONNY

Inalmahan ni Robi ang akusasyong "ginagamit" niya si Maymay pati na rin ang isyu sangkot sina Donny at Edward.

Giit ni Robi, wala siyang intensiyong pagtambalin sina Maymay at Donny o kaya naman ay pagsabungin sina Donny at Edward.

Paglilinaw ni Robi: "There's nothing between donny and maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that.

"If you continue to act this way, I will stop producing the show.

"The very reason why I made this is I see potential in maymay and I value inclusivity.

Continue reading below ↓

"If you don't see these, then I am a failure and I shall stop."

Bukod sa screenshot ng palitan ng mensahe ni Robi at ng MayWard fan, nilapatan ito ni Robi ng written text na "I've had enough. This has to stop. I value my friends."

MAYMAY DEFENDS ROBI

Sa kabilang banda, dinepensahan ni Maymay si Robi sa mga bumabatikos dito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Maymay: "Pasensya ka na kuya robs [Disappointed face]

"Gustuhin ko man na matigil ang ganitong eksena pero gusto kong malaman mo kahit anong masamang sabihin ng ibang tao tungkol sayo, mangingibabaw ang katotohanan na busilak ang puso mo kuya at lagi kang may good intention sa mga mahal mo sa buhay.

"Aja kuya!"

Continue reading below ↓

Nag-comment ang ilan pang MayWard fans na itinatwa ang MayWard fan na nagpadala ng mensahe kay Robi.

Alam daw nilang mabuting kaibigan si Robi kina Maymay at Edward.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robi Domingo feels dismayed at MayWard fan accusing him of taking advantage of Maymay Entrata. Robi adds, "There's nothing between donny and maymay except friendship. Edward is a close friend of mine as well. Please respect that." Seen in photo are (from left) Robi, Maymay, Donny, and Edward.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results