Kylie Padilla on the state of her heart: "Wala akong ibang iniisip, hindi ako nalulungkot."

by Bernie V. Franco
Oct 19, 2021
Actress Kylie Padilla: “I’m at peace na talaga and sobrang tagal kong hinintay na mangyari sa akin iyon."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla)

Nakamit na raw ni Kylie Padilla ang hinahangad na kapayapaan sa kanyang puso.

Ito ang naging sagot ng Kapuso actress nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso.

“Sobrang big deal sa akin yung nae-enjoy ko yung time kong mag-isa," simula ni Kylie.

“At peace lang ako. Wala akong ibang iniisip.

"Hindi ako nalulungkot, wala akong [inaalala], yung mga ganoon."

Giit ng 28-year-old actress, “I’m at peace na talaga and sobrang tagal kong hinintay na mangyari sa akin iyon.

“And ang ganda ng bahay ko na, parang, ‘Oh my god, naabot ko na yung dreams ko, na antagal-tagal ko nang gustong mangyari sa akin ito.'”

Nakatulong daw kay Kylie na ginawa lang niyang simple ang kanyang buhay.

“And happy na ako ngayon. And simple lang… back to basics, that’s all I do.

“Nanonood lang ako ng Netflix, kakain lang ako. Ang saya,” sambit ni Kylie, na sinundan niya ng tawa.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie, kasama si Andrea Torres, noong October 11, 2021, para i-promote ang BetCin, ang kanilang series sa streaming platform na WeTV.

Si Kylie ay tumutuloy ngayon sa isang bahay na pagmamay-ari ng kanyang amang si Robin Padilla.

Lumipat ng bahay si Kylie matapos nilang maghiwalay ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica noong July 2021.

Pero sa isang tweet, ibinunyag ni Kylie na April 2021 nang magkasundo sila ni Aljur na tapusin na ang kanilang relasyon.

Nasa poder ni Kylie ang dalawang anak niya kay Aljur—sina Alas, 3, at Axl, 1.

HOT STORIES

COMMUNICATION AND SELF-LOVE

Dahil ang recent project ni Kylie ay tungkol sa romantic relationship, inusisa namin kung ano ang napulot niyang aral pagdating sa relasyon.

“Napakahalaga ng communication sa lahat ng bagay, hindi lang sa taong karelasyon mo," tugon niya.

“Kailangan mong ilabas at i-express yung nararamdaman mo bago ka gumawa ng mga ibang bagay na makakasira pa.

Continue reading below ↓

"Kasi pag in-express mo at pinakinggan mo yung tao, mas maaayos niyo pa.”

Paano ilalarawan ni Kylie ang pagkakaroon ng self-love?

“Siguro huwag tayong masyadong maging hard sa sarili natin.

“For me, personally, masyado akong perfectionist. Gusto ko maayos lahat.

“Hindi ko nabibigyan ng time yung sarili ko para pagdaanan talaga yung mga bagay-bagay… yung mga failures to become better as a person every day.

“Be kind to yourself. Napakasimple... kasi yung nakikita natin na self-love, yung magpaganda ka, ganyan.

“But it’s really internal. Kailangan mong maging kinder to yourself inside, so that lalabas din iyon sa totoong buhay, I mean sa ibang bagay, sa ibang mga tao,” saad niya.

ON MOVING ON

Tinanong din namin si Kylie kung ano advice niya sa mga babaeng nagmu-move on mula sa isang broken relationship.

Sa sagot ni Kylie, idiniin niyang kailangan unahin muna ng babae ang sarili at hindi ang idinidikta sa kanya ng lipunan.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Ang hirap maging babae, e.

"Bata pa lang tayo, andami nang ini-enforce sa atin na, 'Ganito dapat pag babae. Ganito, dapat... maganda ka, dapat sexy ka.' Andami talagang traffic na sinasabi sa iyo.

“Gusto kong matutunan ng mga babae is to patahimikin nila yung ingay, tapos kilalanin mo lang ang sarili mo… kung sino ka talaga.

“Pakinggan mo kung sino ka talaga and just go with that.

“If you make mistakes, matututo ka, di ba? And then, sana, you’ll see yourself grow as the woman you’re supposed to be.

"Hindi yung sinasabi ng mga tao na ganito ka dapat.

“Pag sinusundan mo yung mga sinasabi ng mga tao na dapat maging ganito ka, when you make a mistake, mas masakit iyon sa iyo, kasi di mo naman talaga gusto iyon, e."

Kung sinunod daw ng babae kung ano ang nasa puso niya, "Matatanggap mo pa."

Dagdag ni Kylie, "I want women to know that hindi lang puro ganda, hindi lang katawan ang pagiging essence ng babae.

Continue reading below ↓

"It’s the strength to be yourself and who you are, and tatanggapin mo kung sino ka talaga, and you own that kung sino ka."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Kylie Padilla: “I’m at peace na talaga and sobrang tagal kong hinintay na mangyari sa akin iyon."
PHOTO/S: Facebook (Kylie Padilla)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results