Joey de Leon denies endorsing other VP candidate: "Kailangan pa bang i-explain 'yan?"

by Arniel C. Serato
Oct 20, 2021
75-year-old TV host/comedian Joey de Leon on fake news about him supporting other candidate for VP: "Dun sa mga ‘friends’ ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!"
PHOTO/S: Courtesy: @angpoetnyo on Instagram

Idinaan sa biro ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon ang nakarating sa kanyang fake news ukol sa pag-eendorso raw niya ng ibang kandidato sa vice-presidential race sa 2022 elections.

Natural na ang susuportahan niyang vice presidential aspirant sa 2022 elections ay ang kasamahan niya sa noontime show at kasama sa grupong TVJ na si Senate President Tito Sotto.

Ang TVJ ang haligi ng Eat Bulaga! at acronym ng mga pangalan nila nina Tito (T), Vic Sotto (V), at Joey (J).

Sa kanyang Instagram ngayong araw, October 20, ibinahagi ni Joey ang larawan nilang tatlo nina Tito at Vic.

Malinaw rin sa larawan ang mga suot nilang itim na T-shirt na may nakasulat na TVJ.

Ayon kay Joey, malabong may suportahan siyang ibang kandidato dahil pitong presidente na ng bansa ang pinagdaanan nilang magkakaibigan at magkakatrabaho.

Ibig sabihin, ganun kasolido ang kanilang pinagsamahan.

Sabi ni Joey sa kanyang caption, “Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news!

Continue reading below ↓

"Kesyo ako daw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato! Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto.

"Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan?”

Paalala pa niya sa “friends” daw niya, sana sinuri nilang mabuti ang balita bago nila ito ipinost.

Wala raw siyang problema sa election kundi sa erection.

75 taong gulang na ang singer-comedian-TV host.

Pagtatapos pa niya, “Dun sa mga ‘friends’ ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh! @helenstito

View this post on Instagram

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

Tumatakbong bise presidente si Sotto ka-tandem ang presidential aspirant na si Senator Ping Lacson.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
75-year-old TV host/comedian Joey de Leon on fake news about him supporting other candidate for VP: "Dun sa mga ‘friends’ ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!"
PHOTO/S: Courtesy: @angpoetnyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results