AJ Raval says sorry to Kylie Padilla for reposting Aljur Abrenica's cheating allegation

by Rachelle Siazon
Oct 20, 2021
AJ Raval's (left) message for Aljur Abrenica's (center) estranged wife Kylie Padilla (right): "Kylie, I'm really sorry kung shinare ko yung statement na yun. It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself. Kaya lang mali yung way ko."
PHOTO/S: Instagram

Humingi ng paumanhin si AJ Raval kay Kylie Padilla kaugnay ng pag-repost ng sexy actress ng cheating allegation ni Aljur Abrenica laban sa estranged wife.

Bagamat walang dinagdag na caption si AJ, umani siya ng batikos mula sa netizens na inakusahan siya ng pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawang naghiwalay limang buwan pa lamang ang nakararaan.

Habang isinusulat ang artikulong ito, tila binura na ni AJ ang reposted statement ni Aljur sa kanyang Facebook account na nakakuha ng libu-libong comments at reshares.

Ayon kay AJ, hindi niya intensiyong panghimasukan ang alitan nina AJ at Kylie.

Pahayag niya: "I'm really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I'm really sorry kung shinare ko yung statement na yun.

"It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.

"Kaya lang, mali yung way ko.

"Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I'm too immature and I need to grow.

Continue reading below ↓

"I'm really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit.

"Sana mapatawad niyo ako."

Inilibas ni AJ ang lampas two-minute video message niya via TikTok nitong Miyerkules, October 20.

Si AJ ay 21 years old, si Aljur ay 31, at si Kylie ay may edad na 28.

ON BEING CALLED "KABIT, HOMEWRECKER"

Hindi na raw kinaya ni AJ ang paninisi sa kanya sa pagkasira ng marriage nina Aljur at Kylie para patunayang wala siyang kinalaman dito.

Tinawag ni AJ si Aljur sa palayaw ng aktor na AJ.

Pahayag ng sexy actress: "Tungkol ito sa statement ni AJ na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare.

"Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue. Shinare ko yun kasi I'm trying to protect myself and my family because people are accusing me.

"Tinatawag nila akong kabit. Tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo.

"Wala akong sinirang pamilya. At never ako maninira ng pamilya."

Continue reading below ↓

Lubha raw naapektuhan si AJ dahil nadadawit pati ang kanyang pamilya sa panghuhusga ng ibang tao.

Lahad pa niya: "Nung una, tinatanggap ko pa yung sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay yung family ko, sobrang affected ako.

"Nanay ko nakikita ko umiiyak. Naapektuhan ako dun."

Una nang nagsalita ang ina ni AJ na si Alyssa Alvarez kagabi, October 19.

Nagpasalamat si Alyssa kay Aljur dahil sa paglilinaw nitong hindi si AJ ang dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie.

Sa pagpapatuloy ng mensahe ni AJ, idiniin niyang hindi siya nakikialam sa sitwasyon nina Kylie at Aljur

"To be honest, wala talaga akong pakialam sa issue nila before.

"Narinig ko na 'yan, pero never akong naglabas ng kahit anong statement or what tungkol dun kasi wala talaga akong right na magsalita tungkol sa isyu na yun.

"Silang dalawa lang ang puwede magsalita dun. Shinare ko lang yun dala ng emotion because I'm hurting."

Continue reading below ↓

DETOX FROM SOCIAL MEDIA

Sa huli, sinabi ni AJ na plano niyang magpaalam muna sa social media para protektahan ang sarili mula sa matatalim na salita ng bashers.

"Maraming-maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta.

"Nababasa ko message niyo. Na-appreciate ko kayo lahat. Thank you.

"Ayoko na. Gusto ko na lang ng peace sana matapos na ito kasi bugbog na talaga yung mental health ko.

"Di ko na kaya, so mag-social media detox na muna ako. Next year na lang ako babalik ng social media.

"Maraming salamat sa nagmamahal pa rin sa akin."

THE CONTROVERSY

October 5 nang unang inamin ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa namumuong pagtitinginan nila ni Aljur.

Mula noon ay sunud-sunod na lumabas ang viral sightings sa kanilang dalawa.

Pero as early as October 1, nagsalita si Kylie na hindi isyu sa kanya kung may ibang ka-date si Aljur.

Continue reading below ↓

Kasabay iyon ng unang bugso ng espekulasyong may ugnayan sina AJ at Aljur.

Naiulat namang may kinausap si Kylie na fans na sinabihan niyang hindi si AJ ang third party sa hiwalayan nila ni Aljur.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval's (left) message for Aljur Abrenica's (center) estranged wife Kylie Padilla (right): "Kylie, I'm really sorry kung shinare ko yung statement na yun. It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself. Kaya lang mali yung way ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results