Lito Atienza defends Manny Pacquiao against Jayke Joson's allegations

by Gorgy Rula
Oct 21, 2021
Congressman Lito Atienza (left) on what Senator Manny Pacquiao (right) told him about former aide Jayke Joson: "Pinabayaan ko silang dumikit sa akin. Ngayon, sila ang sumisira sa akin. Nung katanyagan ko, para silang… kung puwede lang linisin nila ang sapatos ko araw-araw. Ngayon, meron silang karapatan para tawagin akong manloloko, estapador? Ako? E, siya ang estapador, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerome Ascano

Ipinagtanggol ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza si Senator Manny Pacquiao laban sa mga alegasyon ng dating aide ng Pambansang Kamao na si Jayke Joson.

Kakandidatong presidente si Pacquiao sa 2022 elections, at si Atienza ang kanyang running mate bilang bise presidente.

Isiniwalat ni Jayke na nagkalamat ang pagkakaibigan nila ni Manny dahil sa pera.

Inakusahan ng dating aide ang Pambansang Kamao na itinakbo umano ang P65 million na nalikom nila ng business manager ni Pacquiao na si Arnold Vegafria, at ang P100 million mula sa Paradigm Sports.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atienza nitong Miyerkules, October 20, ibinahagi niya ang mga pinag-usapan nila ni Manny.

Nilinaw ng dating alkalde ng Manila na hindi chief of staff ni Manny si Jayke kundi lagi lang daw itong sumasama sa mga lakad ng boxer-politician.

Pahayag ni Atienza, “Nasasaktan ako dahil ang bumabakbak sa kanya, masasamang tao yun, e.

“Si Jayke Joson was always ay hanger on. Yung pag may lakad si Manny, nandun na yun. Pag meron, may ganito, naroon na yun.

Continue reading below ↓

“Pag may imbitasyon kay Bob Arum [boxing promoter], nandun na agad.

“Sabi nga, hindi nga dapat siya nandun, nandun na siya.

“Sa ibabaw ng ruweda, ang mukha niya nandito, sa kabila naman ang mukha ni Chavit Singson.

“Tapos ang sabihin, may utang sa kanya si Manny, may utang?”

WHAT MANNY SAID ABOUT JAYKE

Ayon kay Atienza, nagkausap sila ni Manny noong Martes ng gabi, October 19, at mangiyak-ngiyak daw itong nagsumbong sa kanya.

“Kagabi, halos maiyak si Manny sa akin,” pakli ng congressman.

Sabi raw ni Pacquiao sa kanya: “Alam mo, ang hirap talaga makahanap ng tamang kaibigan.

"Pinabayaan ko silang dumikit sa akin. Ngayon, sila ang sumisira sa akin.

“Nung katanyagan ko, para silang… kung puwede lang linisin nila ang sapatos ko araw-araw.

“Ngayon, meron silang karapatan para tawagin akong manloloko, estapador? Ako? E, siya ang estapador, e.

“Bagamat na estapador siya, pinabayaan ko siyang lumapit sa akin, maganda ang aking pagtrato sa tao.”

Pinabulaanan ni Atienza ang sinasabi ni Jayke na tinangay raw ng senador ang P165M pesos.

“Hindi puwedeng si Jayke Joson ay kinunan ng 165M!” pagdidiin nito.

“Sabi lang ni Manny, ‘Alam mo Vice, si Jayke Joson, kukunin yung bahay niya. Hindi niya mabayaran, hulugan, e.

“That one point in time Jayke Joson was struggling, living a big house?

“Nung iniilit na yung bahay niya, umiiyak 'yan. ‘Wala na akong matatakbuhan, boss, tulungan mo naman ako.'

“Alam mo naman si Manny, malambot ang puso, mapagbigay.

“Tinawagan niya yung bangko, ‘Ako na ang magbabayad ng P35M. Initially, I’ll give you 10, huhulugan ko yung utang ni Jayke Joson.'

“Ngayon, tatawagin niyang estapador si Manny Pacquiao? Masakit yun.

“Talagang mahirap makahanap ng kaibigan, yung tunay na kaibigan.”

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Lito Atienza (left) on what Senator Manny Pacquiao (right) told him about former aide Jayke Joson: "Pinabayaan ko silang dumikit sa akin. Ngayon, sila ang sumisira sa akin. Nung katanyagan ko, para silang… kung puwede lang linisin nila ang sapatos ko araw-araw. Ngayon, meron silang karapatan para tawagin akong manloloko, estapador? Ako? E, siya ang estapador, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results