Lito Atienza supports Kuya Kim's decision to leave ABS-CBN: "As a professional, tama yung desisyon ni Kim, to survive."

by Gorgy Rula
Oct 21, 2021
Lito Atienza on son Kuya Kim's decision to leave ABS-CBN: "Kung si Kim ay umalis nung kalagitnaan o sa umpisa ng giyera, ang tawag diyan deserter. Pero hindi. Lumaban si Kim."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @kuyakim_atienza on Instagram

Nagbigay ng pahayag si Buhay Party-list Representative Lito Atienza sa desisyon ng anak niyang si Kim Atienza na lumipat sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

Nag-usap daw sila nang masinsinan at naintindihan niya ang desisyon ng kanyang anak.

Lahad ni Atienza, “Pinag-usapan namin. Sabi niya, 'Dad, sana maintindihan mo.' Dahil alam niya siyempre papansinin ko yun."

Sabi raw ni Kuya Kim sa kanya: "Ang ABS, ibinigay ko ang lahat na aking suporta. Hindi naman siya kumalas nung sila ay nasa gitna ng digmaan.

“I gave it all my support. Pero wala akong pupuntahan ang career ko, e. Alam ko naman ang plano ng ABS management.

“Saan ako pupunta? I am a professional media man. Iyan ang pinag-aaralan ko sa UP, iyan ang aking ginagampanan ngayon.

"Meron namang pagkakataon sa the biggest network, ang GMA Network, kaya tinanggap ko na. Tama ba yung desisyon ko?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atienza nitong Miyerkules, October 20.

Continue reading below ↓

Pinayuhan daw ng dating Manila mayor si Kuya Kim na sundin kung ano ang nasa konsensiya nito.

“Sabi ko, ‘Alam mo, Kim, as your father and I also a firm believer in loyalty ay maipakita mo na it’s about time to think of yourself.

“Saan ka pupunta? Magbabago ka ba ng career o ipagpapatuloy mo ang media?

“Kung ipagpatuloy mo, inanyayahan ka ng GMA, at gusto mo namang sumapi na, sundin mo ang konsensiya mo.”

Sinagot din ni Atienza ang ilang pumupuna sa kanyang anak, at kinuwestiyon ang loyalty nito sa ABS-CBN.

Pahayag niya: “Kung si Kim ay umalis nung kalagitnaan o sa umpisa ng giyera, ang tawag diyan deserter.

"Pero hindi. Lumaban si Kim.

“Ako naman, nasaksihan niya ang aking pagtatanggol sa tama.

“Mali naman talaga yung ginawa sa ABS."

Ang tinutukoy ni Atienza ay ang pagbasura ng Kongreso, sa botong 70-11, ang franchise renewal ng dating giant network.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Atienza, "Pero wala kang magagawa sa administrasyon ngayon. Wala kang magagawa.

“Labintatlong [13] hearing na ginanap, walang napatunayan.

“Lahat ng ahensiya ng gobyerno tinawag nila para tumestigo laban sa ABS. Sabi nila, walang kasalanan ang ABS.

"After 13 sessions, the decision came up, guilty beyond doubt.

"Ang tawag ko dun, miscarriage of justice. 'Yan ang example ng kangaroo court, and I do not accept the decision.

“And that’s why I keep on fighting for the rest of millions of people who believe on ABS’s innocence.

"Dun napatunayan walang ginawang illegal na ginawa ang ABS. Mali ang decision.

“One day, it will be rectified."

Sabi pa ni Atienza, “As a professional, tama yung desisyon ni Kim, to survive.”

Si Atienza ay tatakbong vice president sa 2022 elections bilang running mate ng presidentiable na si Sentor Manny Pacquiao.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lito Atienza on son Kuya Kim's decision to leave ABS-CBN: "Kung si Kim ay umalis nung kalagitnaan o sa umpisa ng giyera, ang tawag diyan deserter. Pero hindi. Lumaban si Kim."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results