Krizza Neri still attracts suitors despite being in a lesbian relationship

by Jojo Gabinete
Oct 23, 2021
Krizza Neri with girlfriend Yam Dela Rosa
Protégé: The Battle for the Big Break grand winner Krizza Neri will soon celebrate her 8th anniversary of being in a relationship with partner Yam Dela Rosa.
PHOTO/S: Krizza Neri's Facebook

Ang sexual orientation ni Krizza Neri ang dahilan kaya tinalikuran nito ang entertainment industry, tatlong taon matapos na manalo sa season one ng Protégé: The Battle for the Big Break.

Si Krizza ang itinanghal na grand champion ng Protégé ang reality-based singing talent competition ng GMA-7 noong 2011.

Si Ice Seguerra ang mentor ng 16-year-old noon na si Krizza.

At dala ng kabataan, hindi niya kinaya ang mga paghuhusga ng mga tao sa kanyang sekswalidad.

“Nung time na kasi na yun, hindi pa tanggap sa industry. Naalaala ko dati na talagang pinayuhan ako na huwag masyadong open about my sexuality dahil makakaapekto sa career ko.

“Ang daming nagsasabi na maraming bata ang nanonood sa ’yo, hindi magandang example at yun ang tumatak sa isip ko—na hindi ako magandang example at pangit ang pagiging lesbian.

"Kaya noong 2014, nagpa-release ako sa GMA Artist Center dahil mas nangibabaw sa akin na gusto ko na lang ng peace. Hindi ko talaga kaya ang showbiz," pagtatapat ni Krizza.

Continue reading below ↓

A girly GIRL WHO LIKES GIRLS

Nung Huwebes, October 21, ekslusibong inamin ni Krizza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na miyembro siya ng LGBTQ+ Community.

Sa kabila ng kanyang pag-amin, may mga tagahanga at kakilala si Krizza na hindi makapaniwala sa rebelasyon nito dahil babaeng-babae ang itsura, kilos, at pananamit niya.

Pero si Krizza ang nagsabi na maraming klase ng tomboy at para sa kanya, hindi na ito mahalaga.

“Sa totoo lang, dati ang alam ko, merong butch, soft butch, andro…ang daming term pero para sa akin, it doesn’t matter na.

“Like ako, gusto ko babae so automatic na lesbian ako, hindi bisexual.

“Yung iba, sinasabi nila na puwede pa akong baguhin dahil babaeng-babae ang itsura ko pero hindi, e.

"Ganito lang talaga ako manamit, ganito ko i-present ang sarili ko pero babae talaga ang gusto ko.

“Hindi ko nakikita ang sarili ko na magkakagusto ako sa lalake,” ang may kasiguraduhang lahad ni Krizza na naranasan nang makipagrelasyon sa kapwa babae sa unang pagkakataon noong 16 years old siya.

CELEBRATING 8TH ANNIVERSARY SOON

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Krizza at ng kanyang unang karelasyon, pero makalipas ang dalawang taon, nakilala niya si Yam Dela Rosa.

Hanggang ngayon, matibay ang pagsasama at pagmamahalan ng dalawa kaya ipagdiriwang nila sa December 2021 ang kanilang ika-walong anibersaryo.

“Ang tagal na namin pero hindi namin napag-uusapan ang kasal. Kung napag-uusapan man, parang pa-joke lang.

“Napakamaalaga niya. Hindi siya masalita pero ipinapakita niya sa action ang kanyang pagmamahal. Yun ang love language niya.

“Hindi niya ako pinipigilan. Sinusuportahan niya ako sa kahit ano. Maski sa pagkanta ko, very supportive siya.

“Sa ibang interes ko naman sa buhay, nakakasabay ko rin siya, so hindi ako naka-miss out sa mga opportunity at sa mga puwede ko pa na ma-experience bilang singer.”

May mga nagtatangka pa bang manligaw sa kanya kahit alam na nilang may partner na siya?

“Yes, meron. May iba talaga na medyo mapilit pero mas matibay ang commitment ko kay Yam kaya no-no talaga,” sagot ni Krizza.

Continue reading below ↓

PUBLIC MORE OPEN NOW

Si Beatrice Luigi Gomez ang kauna-unahang openly gay na nanalo ng Miss Universe Philippines 2021 crown noong September 30, 2021.

Kabilang si Krizza sa mga natuwa para sa tagumpay ni Beatrice dahil kumbinsido siya na makatutulong ang nangyari para mag-iba ang tingin ng mga tao sa mga kagaya nila.

“Nanood talaga ako ng coronation night. Isa siya sa talagang gusto kong manalo because I think it’s about time para mas ma-educate pa ang mga tao and to get more people involved sa fight against inequality.

“It may sound ambitious pero naniniwala ako na kaya pa na ipaintindi sa mga tao na being gay doesn’t make one any less human.

“Yun talaga ang palagi kong sinasabi kasi parang ang daming tao pa rin ang naglu-look down sa aming LBTQ na parang may mali sa amin,” pahayag ni Krizza na kumbinsidong matatanggap ng publiko ang kanyang pag-amin na tomboy siya.

Continue reading below ↓

“Napansin ko kasi ngayon na yung mga tao, mas tanggap na nila compared dati na parang salot, malas…pero ngayon, parang wala nang takot kaya free na akong sabihin na hindi ako straight.”

KRIZZA FEELS GOD'S LOVE

May epekto ba ang pakikipagrelasyon niya sa kapwa babae sa kanyang pananampalataya sa Diyos?

“Hindi na nagma-matter sa akin ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin na kasalanan ang makipagrelasyon sa kapwa babae.

“Na hindi ako tanggap ng Diyos dahil alam ko sa sarili ko, I know my truth na mahal ako ng Diyos and yun lang talaga ang pinanghahawakan ko.

“Kung ano ako ngayon, tanggap ako ni Lord and mahal niya ako for who I am,” ang sabi ni Krizza na matindi ang conviction o pananalig sa mga salitang binitiwan niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Protégé: The Battle for the Big Break grand winner Krizza Neri will soon celebrate her 8th anniversary of being in a relationship with partner Yam Dela Rosa.
PHOTO/S: Krizza Neri's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results