Rocco Nacino reveals he used to be a womanizer: “Naging coping mechanism ko na dapat manloko ako.”

by Bernie V. Franco
Oct 23, 2021
Actor Rocco Nacino explains why he became a womanizer in the past. “Kauna-unahang relationship ko, niloko ako."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram

Inamin ni Rocco Nacino, 34, na naging babaero siya noon.

Naging defense mechanism daw niya ito sa ginawang panloloko sa kanya noon ng kanyang ex-girlfriend.

Pero ipinaunawa sa kanya noon ng mga nagmamahal sa kanya na mali ang kanyang ginagawa, kaya itinigil niya ito.

Nausisa si Rocco sa guest appearance niya sa GMA-7 morning talk show na Mars Pa More sa October 19, 2021 episode nito.

Tanong kay Rocco, ano ang pinakamatinding maling nagawa niya sa kanyang buhay?

“Naging babaero,” sagot ng aktor.

Nagpaliwanag siya kung bakit tinahak niya ang ganoong landas.

“Kauna-unahang relationship ko, niloko ako,” pagbubunyag niya. “So, naging coping mechanism ko na dapat manloko ako.”

Hindi tinukoy ni Rocco kung showbiz o non-showbiz ang kanyang unang nakarelasyon.

Natagalan daw bago niya napagtantong mali ang ginagawa niya.

“’Tapos, after so many years, mali pala yung ginagawa ko,” dagdag ng aktor.

Sinang-ayunan ni Rocco ang paliwanag ng host na si Camille Prats na sa halip na siya ang masaktan muli, siya na lang ang mananakit ng damdamin.

Continue reading below ↓

“Yes, ako yung mananakit. Kailangan palitan kita,” ani Rocco.

“So, nung napagalitan ako, inupo ako ng mga taong nagmamahal sa akin sa buhay, ‘Ay, mali pala,’” lahad ni Rocco.

November 2020 noong mag-propose si Rocco sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing, isang professional volleyball player.

Ikinasal naman sila noon lamang January 21, 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Rocco Nacino explains why he became a womanizer in the past. “Kauna-unahang relationship ko, niloko ako."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results