Watch Now

(UPDATED) Former sexy actress Aya Medel answers open letter of priest amid political differences

by Arniel C. Serato
Oct 25, 2021
Former sexy actress Aya Medel, an avid supporter of presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., reacts to an open letter by a priest criticizing her for promoting son of former president and dictator Ferdinand Marcos.
PHOTO/S: Courtesy: Aya Rechie Medel on Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa pagpalag ng former sexy star-turned-chef at restaurant owner na si Aya Medel sa open letter ng isang pari para sa kanya.

Pakiramdam ni Aya, para siyang ipinako sa krus dahil sa kanyang hayagang pagsuporta sa presidential aspirant at dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa pagkapresidente sa 2022 elections.

Ang paring tinutukoy ay si Father James Gascon, isang University Lecturer sa Ateneo De Manila University—Loyola School Of Social Sciences, na masugid namang tagasuporta ng presidential aspirant ding si Vice President Leni Robredo.

Si Aya ay pumalaot sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng paglabas sa sexy films noong late '90s hanggang early 2000s. Nakilala siya sa bansag na "Papaya Queen" dahil sa kanyang malusog na dibdib.

Kabilang sa mga pinagbidahan niyang pelikula ang Totoy Mola (1997), Masarap Masakit Ang Magmahal (1997), Babae Sa Bubungang Lata (1998), Kaya Ko Pero Masakit (1998), Molata (1999), Sisa (1999), Tatlong Makasalanan (1999), Naked Nights (2001), at Gising Na Si Adan (2002).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE OPEN LETTER

Kahapon, October 24, inilabas ni Father Gascon ang kanyang open letter kay Aya.

Sumulat daw siya kay Aya upang payuhan ito na, bilang dating aktres, may boses itong maaring makaimpluwensiya sa iba.

Ipinaalala rin ni Father Gascon sa aktres ang mga kabuktutang ginawa ng ama ni Marcos Jr. na si Ferdinand Marcos Jr. noong nakaupo ito sa puwesto sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Narito ang kabuuan ng open letter ni Father Gascon, na nasa wikang Bicolano, para kay Aya (published as is):

“Dear Aya,

“Ining mga nakaaging semana (Itong mga nakaraang linggo), grabe ang kampanya mo para kay Bongbong Marcos.

“Pirmi mong pigsasabi na respeto ang gusto mo. (Lagi mong sinasabi na respeto ang gusto mo.)

“Tama ka. Respetuhon ta ang boto kan lambang saro. (I-espeto natin ang boto ng bawat isa.)

“Pero, responsilidad ta man sa kada saro na magpaliwanag asin tabangan ang kada saro na makaabot sa tamang desisyon. (Pero responsibilidad din natin sa bawat isa na magpaliwanag at tulungan ang bawat isa na magkaroon ng tamang desisyon.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aram kan gabos na ang mga Marcos lider na naglimas kan kaban kan Pilipinas. (Alam ng lahat na ang mga Marcos, lider na naglimas ng kaban ng yaman ng Pilipinas.)

“Bako lamang ining chismis sana nin huli ta may mga kasong nadesisyonan mismo kan korte, bako sana sa Pilipinas kundi sa bilog na mundo. (Hindi lang ito tsismis dahil may mga kasong nadesisyunan mismo ng korte hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.)

“Sa katunayan, ang Guinness World Record officially nag-declara na si Marcos ang world’s greatest thief.

“Totoo, may mga marahay na naginibo siya. (Totoo, meron naman siyang nagawang mabuti.)

“Pero, dakol na tawong ipinagadan, dahil sana sa rason na kontra sinda. (Pero marami siyang ipinapatay dahil sa kadahilanang kumontra sa kanila.)

“Pero ang pinaka-rason kun ngata ako nagsusurat saimo, enot: una: na ika sarong influence maker, dahil artista ka. (Pero ang dahilan kung bakit sumulat ako sa iyo: una, na ikaw ay isang influence maker dahil artista ka.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang saimong pwesto pwedeng maka impluensiya sa ibang tawo. (At ang puwesto mo ay puwedeng makaimpluwensiya ng ibang tao.)

“Ikaduwa, kung narumduman mo kan nakaaging taon, sinabi mo sa FB na makulogon ang boot mo sa mga empleado mo na pagkatapos mong tabangan, hinabasan ka pa. (Pangalawa: kung naaalala mo nung nakaraang tao, sinabi mo sa FB na masama ang loob mo sa mga empleyado mo dahil pagkatapos mong tulungan, ninakawan ka pa.)

“Narumduman mo iyan na na post po? Naherak ako saimo, pero may mga tawong take-advantage talaga sa kabootan kan iba. (Naaalala mo 'yang post mo? Naaawa ako sa 'yo, pero may mga tao talagang nag-take advantage sa kabaitan ng iba.)

“Ang nakaka-libong sako na huna ko importante para saimo ang pagtiwala (trustworthy). (Ang ipinagtataka ko at akala ko importante sa 'yo ang tiwala)

“Na habo ka sa mga tawong nag-habas saimo? (Na ayaw mo sa mga taong nagnanakaw sa 'yo?)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngonyan, tano ta gustuhon mo si Bongbong? Numero unong màbas na pamilya. Asin pinaka utikon! (Now, bakit gusto mo si Bongbong? Number 1 na pamilyang magnanakaw at pinakasinungaling.)

“Ako, bilang psychologist minasabing saro siyang pathological liar. (Ako bilang psychologist, sinasabi kong isa siyang pathological liar.)

“Dae niya nahihiling na nag uutik na siya. (Hindi niya nakikitang nagsisinungaling na siya.)

“Sabi pa ngani kan mga gurang, ang otikon tugang kang para-hàbon. Diyan ako nalilibong saimo. (Sabi nga ng mga nakatatanda, ang sinungaling ay kapatid ng mga magnanakaw.)

“Kaya nagsurat ako saimo, bako na dae taka pigrespeto kundi bilang sarong padi, gusto kong maghurop-hurop ka, asin saindong nakakaba kaini. (Kaya sumulat ako sa 'yo, hindi dahil hindi kita nirerespeto kundi bilang isang pari.)

“Ang eleksiyon na ini importantehon, bako sana para satuya kundi para sa mga maabot. (Ang eleksyon na ito ay importante, hindi para sa atin kundi sa mga darating pa.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Buksan niato ang mata asin hilngon kung ano nangyari satuya kaining nakaaging 6 na taon. (Buksan natin ang ating mga mata at tingnan kung anong nangyari sa atin sa loob ng 6 na taon.)

“Ako mismo, willing to let Digong lead, sa pagpuon niya, pero kan huminaloy, nahiling ta su tunay na kolor. (Ako mismo, willing to let Digong [President Rodrigo Duterte] lead sa simula pero nang tumagal, lumabas ang totoong kulay niya.)

“Imbis enoton ang mga kasaradayan, su mga alipores niya ang pig protektahan. (Imbes na unahin ang mga maliliit, yung mga alipores niya ang kanyang prinotektahan.)

“Kaya, màwot ko na maka-abot ini saimo, asin sa gabos na kahimanwa ko. (Kaya ipinapanalangin kong makarating ito saiyo at sa lahat ng mga kababayan ko.)

“Bakong kawat ang election, na madaog ang madaog, manggana ang manggana, maski sisay sana. (Hindi biro ang eleksyon, na matalo ang matatalo, manalo ang dapat manalo, kahit na sino.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ta kung dae dapat ang manggana, gabos kita DAOG.(Na kung walang mananalo, lahat tayo ay talo.)

“Minagalang, (Nagmamahal) Padre James Gascon, sarong Heswita sa Ateneo. Oct 24, 2021

“(Apologies that this letter is written in Bikol. I primarily intended to reach out to my kababayan in Tabaco and other Bikol speaking citizens.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“OO, SEXY STAR AKO DATI.”

Sa unang Facebook post ni Aya kahapon din, October 24, sinabi nitong ipinagtataka niya kung bakit inaatake siya ng netizens dahil sa paghahayag ng suporta sa anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Aya, malaya ang ibang maghayag ng suporta sa sinumang presidential aspirants sa kanilang social media at wala siyang masamang sinasabi sa mga ito.

Ang anim na nagsumite ng ceritificate of candidacy (COC) bilang presidente sa 2022 elections ay sina Vice President Leni, former Senator Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Bato dela Rosa, Senator Ping Lacson, at Senator Manny Pacquiao.

Himutok ng dating aktres (published as is), “Why am I being crucified by others? And boycott my resto na source of income ng 50 staff ko para sa pamilya nila? they can freely talk in front of me who they choose for president.

"We don’t choose who we want to serve maka BBM, LENI, MANNY, LACSON & ISKO. We serve from our heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Is it a sin to choose your own President?

“Is it a sin to post on your own wall?

“Is it a sin to voice out your own opinion on your own Fb?

“Is it a sin to post the achievements of the person u want?

“Is it really???”

May mga kaibigan daw siyang may ibang manok sa pagkapresidente, pero hindi naman niya sila iniinsulto o inaaway.

Aniya, “I have lots of friends who will vote with for other candidates for President I don’t crucified them.

“Ginagalang ko Si pari naiintindahan ko sya but please understand me too.

"I am no longer in the showbiz world for a decade now, I am just a simple citizen who work hard and help the people around me. I am not a criminal, I am not sakit sa ulo sa Tabaco.

“I am Catholic, sa sobrang faith ko sa pagkakatoliko isa sa pinakamaling away namin Ng asawa ko PINABINYAGAN KO ANAK KO DITO kahit Ayaw Ng Japanese ex husband ko na ASAWA ko Pa din ngayon sa pilipinas dahil walang divorce dahil sakop AKO Ng batas ng pilipinas, dahil ako ang nakipag divorce Hindi ang Japanese husband ko. Kaya Hindi never na honor ang divorce ko here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakwento ko lng para maintindahan nyo ako kung pano ako tumayo sa paninindigan ko.”

Giit ni Aya, hindi naman siya nagpu-post sa kanyang account ng mga paninira kay Vice President Robredo.

Kahit daw tawagin siyang dating sexy star ay hindi niya ito ikinagagalit dahil nakatulong ang kanyang trabaho noon upang mapagtapos niya ang mga kapatid niya.

Okay lang daw i-boycott ng mga tao ang kanyang restaurant, pero sana raw ay maisip ng mga itong may mga taong nabubuhay dahil sa kanyang munting negosyo.

Sabi pa niya (published as is), “I don’t post against VP LENI sa wall ko mga post ko all about MARCOS.

“Husgahan nyo na ako lahat OO SEXY STAR AKO DATI AT SALAMAT SA PANGINOON NAPATAPOS KO MGA KAPATID AT IBANG TAO SA WORK KO.

“OK IBOYCOTT NYO ISHIAYA, HINDI NYO KASI ALAM NA ANG PERA NG ISHIAYA'S GARDEN BISTRO NAPUPUNTA SA PAG TULONG KO SA MGA KATABACO KO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"OO HINDI NYO YAN ALAM PERO MGA TAONG NATUTULUNGAN NG ISHIAYA MAKAKAPAGSABI PATI MGA STAFF KO NA SOBRANG IGINAGAPANG KO KAHIT BINAGSAK KAMI NG COVID ITINATAYO KO PA DIN DAHIL MAHAL NA MAHAL KO MGA STAFF KO.

“OO SI BONG BONG MARCOS ANG PRESIDENT KO.

“Kung IKALILIGAYA AT IKAKATAHIMIK NG MGA KALULUWA GO DO IT.

“SA MGA NAG SASABING PERA PERA LNG FYI NI PISONG DULING WALA AKONG BAYAD HINDI KO BINIBENTA VOTE KO. MAAYOS BUHAY HINDI AKO NANLILIMOS.

“KAYO NGA KUNG MAKAMURA NG TODO NG MGA KANDITATO MALALA AKO NAG POST LNG KUNG SINO GUSTO KO.

“Btw so tawong nagnakaw sa akin HINDI KO PA NAPAKULONG kasi nanghihinayang ako sa buhay nya Pati mga nag utang na Hindi na nagbayad.

“GOD BLESS YOU ALL”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng post ni Aya ang screenshot ng open letter para sa kanya ni Father Gascon.

AYA’S RESPONSE TO Father GASCON

Kinagabihan, sinagot na mismo ni Aya ang open letter ni Father Gascon sa kanya.

Humingi siya ng dispensa kung naging bold star man siya noon dahil sa kahirapan sa buhay. Pero hindi naman daw niya kasalanang maging mahirap.

Mensahe ni Aya kay Father Gascon (published as is): “Sorry padre nag drive po ako kanina Pa Manila kairiba aki ko bunso solo ako nag drive kaya dai ako nakareply saimo.

“Padre yes it shows your true color. Nakaabot na po sa akin ang open letter mo.

“I’m sorry if I became a boldstar during late 90’s. I have no other choice TIOSON NA KAMI KAITO WALANG TAMANG PAGKAIN 90’s At po childlabor ako noon kasi 14 lng ako. gumagapang ang ina ko teacher ang nanay ko napahiya ko dahil nag boldstar ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo isinumpa ako Ng nanay ko Di nya kinaya Ayaw nya mag work ako. Ako ang lumayas dahil Ayaw ko na sa buhay naming sobrang hampaslupa kami. KUNG Hindi lng kami pinalayas sa farm Hindi kami maghihirap kasi maraming pananim LOLO ko kaso namatay LOLO ko grade 3 nawala lahat.

“Opo napahiya ko Tabaco Albay dahil nag bold star dahil Mutya ng Tabaco 1st runner up ako at natangalan ako ng crown dahil mali ginawa ko pero padre kasalanan ko bang gusto ko iahon ang pamilya ko?

“Kapatid ko naparewara sa kalsada naging basagulero pero dahil sa perang kinita ko nabago ko buhay nya.”

Nitong mga nakaraang kalamidad na tumama sa bansa, kahit papaano ay tumulong daw si Aya sa mga nabiktima.

“Dahil sa pag boldstar ko mula Pa ng typhoon Reming to Typhoon Rolly Ulysses Pati pandemic ultimong kapirangot na pera ipinamahagi ko Pa.

“Opo naging boldstar ako pero pinagpaguran din yan ako sa pag arte hinawakan ng mahuhusay na direktor nakasali sa mga bigating teleserye. Opo nag huband ako sa pilikuha pero never ako nag PORN MOVIE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“nang matapos ko pag aralin mga kapatid ko Opo bumalik ako sa school nag aral ako Habang grade 1 anak ko panganay

“HINDI KO IKINAHIHIYA PINANGALINGAN KO KASI YES IVE BEEN TO HELL YET GOD IS GOOD HE KEPT ME SAFE AND BLESSED ME SO MUCH.”

Pakiusap niya sa pari, huwag siya nitong husgahan dahil iba ang kulay na kinakampanya niya.

Ang tinutukoy ni Aya na "pink" ay ang kulay ng grupo ng kampanya at mga masugid na tagasuporta ni Vice President Robredo.

Sabi niya, “Wag mo ako po ako husgasan dahil Lang sa Hindi ako nakapink.

“Padre masakit po kasi mataas masyado respeto ko sa mga pari. Maraming mababait na pare akong nakilala at naka pink sila pero ni minsan Hindi nila ako nilatigo ng dahil sa nakaraan.

“You know what po GOD IS REALLY GOOD HE DID BLESS ME SO MUCH

“This is my last post about this kasi OPEN LETTER AND I MUST ANSWER YOU BACK PO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gumagalang AYA MEDEL”

Sinabi rin niya sa kanyang sagot na nabigyan siya noon ng parangal ng opisina ng bise presidente.

Dagdag pa niya, “PS: #BBMisMyPresident2022

“At Yung pinaghubaran ko malinis na nagtatrabaho mga staff ko 50 na umaaasa ng kanilang pag araw araw, pang gastos sa pag papaaral ng mga anak nila at kapatid btw May mga working students po ako na nag tatrabaho sa IshiAya mapaaral lng sarili nila.

“Nakalakip po award ni ma’am VP-Leni sa akin. PARANGAL SA PINAGHIRAPAN KO. Hindi ko yan hingi I am honoured who am I to refuse pangalawang pangulo yan ng akong mahal na bansa.

“(Again I’m sorry kung nasaktan ko kayo dahil sa choice ko)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FATHER GASCON'S POST ABOUT A CERTAIN "BOLD STAR"

Makailang-ulit idiniin ni Aya ang depensa sa kanyang pagiging "bold star" noong '90s dahil may naunang Facebook post ang alagad ng simbahan noong October 22.

Hindi man pinangalanan, malinaw na si Aya ang tinukoy ni Father Gascon na dating "bold star" na todo ang kampanya kay Marcos Jr.

Saad sa Facebook post ni Father Gascon (published as is): “Hindi ko talaga kinaya. I blocked her cause I cannot stomach her BBM campaign full of lies and stupidity.

"I don't want to judge people's past, like being bold star, but it all boils down to values. I stand by my principle that our choices are a reflection of who we are.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa diretsahan na ngang sinagot ng pari si Aya na hindi raw tugma ang pagkondena noon ni Aya sa mga dating empleyado niya na nagnakaw sa kanya, sa todo-suporta niya kay Marcos Jr. na walang pagtanggap sa nagawang kalupitan ng ama nito.

Ang ama ni Bongbong ay nanatili sa Malacañang sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.

Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.

Inilikas siya ng Estados Unidos papuntang Hawaii upang makaligtas sa poot ng mga taong dumagsa sa Malacañang.

Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marcos Jr. ay tumakbong vice president noong 2016 elections, ngunit natalo siya ni noo'y Camarines Sur Representative Leni Robredo.

Nagprotesta si Marcos Jr. ngunit pinagtibay ng Presidential Electorial Tribunal ang lehitimong pagwawagi ni Robredo.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe si Father Gascon, pero hindi pa niya sinasagot ang aming private message sa kanyang Facebook.

FATHER GASCON STATEMENT

Ngayong araw ng Miyerkules, October 27, nagpadala ng isang email si Father Gascon sa PEP.ph.

Nilinaw nitong ang kanyang open letter para kay Aya ay hindi upang siraan ang dating aktres.

Ang nais lamang daw niya ay magising ito at ang mga tao sa mga kasalanang naidulot ni dating Pangulong Marcos na itinuturing na diktador.

Narito ang kabuuang mensahe ni Father Gascon:

"First, maraming salamat sa accurate na translation. I think it’s the best thing that your page contributed to my cause that is why I am writing this despite contrary opinions of friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Second, I have the impression that people, including Aya, did not understand my letter.

"I wanted them to read it carefully because, first, the words were well chosen, no verbal abuse, no name calling, just plain truth.

"Second, I did not impose my will on anyone as regards voting. I asked people to reflect (maghorop-horop), especially those media influencers like her, who can really sway people’s opinion.

"I tell people that enlightening others and helping them to make a good choice is a MORAL responsibility. Yes, I am a Church person, but politics are a MORAL issue.

"People seem to not have properly grasped the real meaning of the principle of 'separation of Church and State.'

"But the truth is we must be guided by the Gospel regarding moral issues in our lives at ALL TIMES and in ALL PLACES, if we call ourselves Christians who are for Christ.

"That is what I teach in the Ateneo; to be moral is to choose good and avoid evil, in all aspects of one’s life, not only a compartment, therefore including politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Third, the mention about Marcos is nothing but truth, as I said, both in local and international courts. Who does not know that Marcos plundered the country?

"Only those who refuse to see. Those who try to revise history in favor of their lies. Those who remain adamant in their blindness.

"Incidentally, the Gospel of last Sunday is about Bartimaeus, a blind man who wanted to see. Sayang ang pagiging Pari ko kung di ako magpapatotoo sa ebanghelyo.

"That is why I signed my name as a priest, and I never hid my identity. Let it be known that I am not ashamed of Christ, neither do I hide the Gospel values and use them only at my convenience.

"Truth can be inconvenient. It can hurt but also sets us free. Also, my being UP alumnus makes me constantly aware of social issues. I am not apathetic nor self-preserving.

"Also, I mentioned only what is true and obvious about Duterte. Hindi ko siya siniraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I conceded that at the start of his leadership I was willing to let him lead. But these past 6 years witness to what really happened.

"He favored a lot of his minions rather than those who are poor.

"Fourth, I tried to point out an inconsistency in Aya’s life, gaya ng nangyayari sa marami sa atin. Hindi tayo consistent. Galit siya sa nagnakaw sa kanya, eh paano yong nagnakaw sa bayan? Dahil hindi kanya okay lang?

"This is the worst disease of Filipinos now, not only apathy but inconsistency. If you know me, you would have read on my FB I posted one time that those who go to Church, those who read at mass, should better stop doing it, and I honestly mean it, if they are not willing to live the values of what they proclaim.

"Yan ang pari, we have to proclaim, and woe to me if I don’t proclaim the gospel of Christ (1 Cor 9, 16).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya yong accusations na nanlait, disrespectful, nang-abuso, wag diktador sa boto, etc., nakikiusap akong basahin nang mabuti kung ano ang nakasulat, hindi kung ano ang gusto niyong makita.

"Finally, I underscored the importance of this elections. We can never be neutral because the Gospel of Christ, which I promised to be a herald, which I try to my best ability despite my own weaknesses to proclaim, is NEVER NEUTRAL.

"And our choices reveal more of who we are! Kristiyano ka? Katoliko ka? Eh bakit ang pagpipili natin ay salungat sa ating pagiging alagad ni Kristo? Oo, nagkakamali.

"Pero sabi ni Jesus, go your sins are forgiven but sin no more. Thus, more than Aya Medel, this is about us. Tayo ito, mga kapwa ko Pilipino.

"Kaya 'open letter.' Kahit alam ko na walang epekto ito sa mga trolls, still I am glad that I set the world on fire and it is my fervent hope that if someone, just one soul, cared to listen and pause to reflect, quota na ako kay Kristo in whose name I am, Fr. James Gascon of the Society of Jesus, sinner yet called."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy actress Aya Medel, an avid supporter of presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., reacts to an open letter by a priest criticizing her for promoting son of former president and dictator Ferdinand Marcos.
PHOTO/S: Courtesy: Aya Rechie Medel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results