Ivana Alawi clarifies rumored relationship with Marco Gumabao; denies “hinipuan” issue

by Bernie V. Franco
Oct 26, 2021
Actress Ivana Alawi (far right) reacts to the viral video where she was seen bonding with Marco Gumabao (left). Many netizens assumed that the two have a brewing romance after seeing Marco's touchy gestures on Ivana (center).
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram/Kumu

Hindi nahirapan si Ivana Alawi, 24, na sagutin ang tanong tungkol kay Marco Gumabao, 27.

Inakala kasi ng marami na may namamagitan kina Ivana at Marco matapos kumalat sa social media ang bonding nila habang nagbi-videoke ilang linggo na ang nakararaan.

Sa isang punto ng video, hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng netizens ang paghawak ni Marco sa binti at tuhod ni Ivana.

Pero paglilinaw ni Ivana, walang anumang espesyal na namamagitan sa kanila ni Marco.

Sa Kumu livestream ni Ivana kasama ang talent manager niyang si Perry Lansigan nitong October 23, 2021, maraming netizens ang nagtanong sa actress-vlogger.

Si Perry ang pumipili at nagbabasa ng mga itatanong kay Ivana.

Una munang tinanong ang aktres kung may karelasyon ito ngayon.

“Wala,” mabilis na sagot ni Ivana.

Sabi pa niya, “Uy, totoo talaga, ah. Pag may dyowa ako, sasabihan ko kayo.”

Nang-usisa ang isa pang netizen kung kumusta ba sila ni Marco.

Continue reading below ↓

Sagot ni Ivana, “Okay lang. Okay naman. Okay lang. Wala na masabi.”

Diniretsa rin si Ivana kung may relasyon sila ni Marco.

Diin ni Ivana, “No, no, and no. Never kami nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic… no, wala.”

At saka ito sinundot ng tanong tungkol sa kuha sa kanilang nagbi-videoke.

Paninindigan ni Ivana, “friends” lang talaga sila ni Marco.

“Hindi lang naman date iyon na kaming dalawa,” paglilinaw ng aktres.

“We’re friends. I was also with other friends. E, nasa bahay kami ng friend ko.

“Wala, as friends lang talaga. There is nothing. Hindi kami [couple]. Hindi… wala,” diin ng aktres.

Muling tinanong kung sila na ba ni Marco.

“No,” sagot ni Ivana.

May Ivana-Marco couple na ba?

“No. I’m single,” consistent na sabi ni Ivana.

“I’ve been also getting a lot of questions and gusto ko siya linawin na wala.

“Sa mga nalulungkot, pasensiya, pero gusto kong maging totoo sa inyo. There is nothing… as a friend [si Marco].

Continue reading below ↓

“Para lang klaro sa lahat, wala.”

IVANA ADDRESSES MARCO'S TOUCHY GESTURES

Sa isa pang punto ng Kumu livestream, si Ivana pa mismo ang nagbasa ng isang komento ng netizen.

Pagbasa ng aktres, “Bakit hinipuan si Ivana?”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang pagdantay ni Marco ng kanyang braso sa hita ng dalaga, habang kumakanta ito.

Kitang-kita ito sa video.

Natawa muna si Ivana bago simulang sagutin ito.

“Alam niyo, guys, wala akong malisya, e. Kasi kahit sa mga friends ko, lahat sila yumayakap sa akin.

"Wala. Yun na iyon. Walang hipo-hipo, dito lang iyon, grabe,” sabi ni Ivana, at tinapik ang parte ng hita kung saan siya hinaplos ni Marco.

Sinang-ayunan ni Ivana ang pagtatanggol ni Perry na wala lang sa kanya iyon.

Pero nagdagdag ng pahayag si Ivana.

"Basta hindi niya mahawakan, you know, those parts...” pagtukoy sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

“That’s… no, baka masampal ko siya on the spot,” sabay ngiti ni Ivana.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “And also right after that, nag-change ako ng chairs. So, yeah, that’s all.”

Samantala, tugma naman ito sa pahayag ni Marco nang matanong ang aktor tungkol kay Ivana.

Sumagot si Marco sa presscon ng kanyang latest movie na My Husband, My Lover nitong Lunes, October 25.

Sabi ni Marco, “Magbarkada po talaga kami, and at the same time, we really are close.

Continue reading below ↓

“But we’re just friends. I know maraming naintriga sa video, but magkakaibigan lang po talaga kami.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ivana Alawi (far right) reacts to the viral video where she was seen bonding with Marco Gumabao (left). Many netizens assumed that the two have a brewing romance after seeing Marco's touchy gestures on Ivana (center).
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram/Kumu
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results