BB Gandanghari to Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "Try to keep your dirty linen in the washroom."

by Rachelle Siazon
Oct 26, 2021
BB Gandanghari's message to niece Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "Pero eto lang ang sa akin. Kasi ang paghihiwalay is not a joke. It's not a career move... or something to be yung para mapag-usapan ka... Try to keep things as much as possible."
PHOTO/S: Arniel Serato / @gandangharibb Instagram

Nasorpresa si BB Gandanghari nang makarating sa kanya ang kontrobersiyal na alitan ng estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Pamangkin ni BB si Kylie, pero sa Los Angeles nakabase ang 54-year-old actress-vlogger. Si Kylie ay anak ng kapatid ni BB na si Robin Padilla.

Noong October 21, nag-livestream si BB sa Instagram habang kumakain mag-isa sa isang restaurant.

Dito ay inusisa siya ng kanyang followers kung ano ang reaksiyon niya sa isyu sangkot sina Aljur at Kylie.

"What's your take on Aljur and Kylie?" tanong ng isang netizen.

Sagot ni BB: "Ano ba issue kay Kylie and Aljur?

"Siyempe alam ko naman na nagkaproblema marriage nila, nagkahiwalay sila. That's all I know.

"Ayoko pag-usapan yung tsismis. Hindi ko alam. Matagal na yun. Matagal na silang hiwalay. That's what I know."

Hindi binanggit ni BB kung anong "tsismis" sa hiwalayan nina Kylie at Aljur ang tinutukoy niya.

May netizen ang nagsabi kay BB na may kinalaman sa "kaliwaan" ang bagong kinahaharap na kontrobersiya nina Aljur at Kylie.

Continue reading below ↓

Ani BB, "Kaliwaan? Parang di naman dapat ako yung..."

BB SURPRISED BY ALJUR'S CLAIM THAT KYLIE CHEATED ON HIM

Noong mga oras na iyon, kasagsagan ng maaanghang na salitang pinakawalan ni Aljur tungkol sa panloloko umano sa kanya ni Kylie.

Isang netizen ang nag-ungkat nito sa livestream ni BB.

"Sabi ni Aljur, Kylie cheated daw," saad ng komento ng netizen na binasa ni BB.

Sabay gulat na reaksiyon ni BB, "No way?! He did?!"

Bahagyang hininaan ni BB ang boses sa mga sumunod niyang salita dahil napalakas ang boses niya nang unang mabasa ang komento ng netizen.

"Sinabi niya?" nasorpresang ulit ni BB.

Wala raw alam si BB sa isyung iyon.

"I don't know that. That, di na ako puwede makialam. Hindi ko talaga alam. This is the first time na narinig ko 'yan.

"So, I don't know. Hindi naman ako nagtatanong."

THINK OF THE CHILDREN'S WELFARE FIRST

Pero sa huli, nagbigay ng payo si BB bilang nakakatanda kina Kylie at Aljur.

Continue reading below ↓

Sana raw ay huwag nang isapubliko ng mga ito kung anuman ang pinag-awayan ng mga ito.

"Pero eto lang ang sa akin. Kasi ang paghihiwalay is not a joke.

"It's not a career move... or something to be yung para mapag-usapan ka.

"What I can advise to these two, being younger that you are, e, try to keep your dirty linen in the washroom. I'm sure you know what I mean."

Ang kapakanan daw ng dalawang anak nina Kylie at Aljur ang isaalang-alang ng mga ito.

"I think...ayoko...mahirap makialam. Pero yun lang. Try to keep things as much as possibe kasi may mga anak kayo, unang-una.

"So, yun lang masasabi ko. That's a very touchy subject."

Pahabol pang payo ni BB sa estranged couple: "As of now, I think you're not the priority—the parents Kylie and Aljur.

"I think what you need to think about now are the children.

"Kung meron man ako maipapayo bilang auntie, yun lang din masasabi ko."

Continue reading below ↓

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, October 24, mariing pinabulaanan ni Kylie ang akusasyon ni Aljur na may iba siyang lalaki noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Sinabi rin ni Kylie na nambabae umano si Aljur, pero "last straw" daw iyon sa iba pang isyu na ayaw na lang niya sabihin dahil ikasisira lang daw ng ama ng mga anak niya.

Hindi na rin nagbigay ng reaksiyon si Aljur sa binitiwang pahayag ni Kylie.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari's message to niece Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "Pero eto lang ang sa akin. Kasi ang paghihiwalay is not a joke. It's not a career move... or something to be yung para mapag-usapan ka... Try to keep things as much as possible."
PHOTO/S: Arniel Serato / @gandangharibb Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results