Liezl Sicangco calls Cristy Fermin "wicked, toxic, poisonous" for badmouthing daughter Kylie Padilla

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2021
Liezl Sicangco on Cristy Fermin claiming that she was told by a source that Kylie Padilla had been communicating with an unnamed guy when the actress was still living with husband Aljur Abrenica. "You are wicked toxic poisonous woman. Now anak ko naman ang sinisiraan mo...Shut your mouth!!!!"
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @proudrad Instagram / Cristy Ferminute

Kumulo ang dugo ni Liezl Sicangco sa aniya'y paninira sa kanya at anak na si Kylie Padilla ng veteran entertainment columnist-radio host na si Cristy Fermin.

Kaugnay ito ng nakalap na impormasyon ni Cristy tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan ng mag-asawang Kylie at Aljur Abrenica.

Si Liezl ay ex-wife ni Robin Padilla at anak nila si Kylie.

Dawit si Liezl sa kontrobersiya nang pangalanan siya ni Cristy sa breakup nina Kylie at Aljur.

Sa radio show niya noong October 20, sinabi ni Cristy na isang source ang nagkuwento sa kanyang nahuli umano ni Aljur si Kylie na madalas may kausap na lalaki sa telepono kahit madaling-araw na.

Tugma raw ito sa pahayag ni Aljur na si Kylie umano ang unang nagtaksil sa kanya at siyang may kasalanan kung bakit nawasak ang kanilang marriage.

Ayon pa kay Cristy, napag-alaman din niya sa isang source na may insidente kung saan kararating ng bahay ni Aljur at inutusan umano ni Kylie ang kasambahay na huwag paglutuan ng pagkain ang aktor dahil wala naman daw itong ambag sa gastusin sa bahay.

Continue reading below ↓

Pinuna rin daw ng source ni Cristy na nag-iiba umano ng ugali si Kylie pag-uwi nito sa bahay nila ni Aljur pagkatapos bisitahin ang inang si Liezl.

"Madalas magpunta si Kylie sa Pampanga sa kanyang ina, nandun kasi noon si Liezl at saka mga tita niya.

"Na kapag bumabalik si Kylie, iba na yung naturalesa niya. Iba na yung kanyang ugali," saad noon ni Cristy.

LIEZEL CALLS CRISTY "WICKED, TOXIC, POISONOUS"

May buwelta si Liezl laban kay Cristy.

Sa pamamagitan ng Instagram posts, sabi ni Liezl (published as is): "Sobra kana Cristy Fermin!!!

"Gawin kaya sayo yang pinaggagawa m, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo?

"Walang kalaban-laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!

"D mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao.

"Magbago kana bago kapa bawian ng buhay."

Gigil na nag-post pa si Liezl na "manalamin" si Cristy at magdasal bago matulog para mapag-isipan daw nito ang aksyon nito.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Liezl (published as is), "You are wicked toxic poisonous woman. Now anak ko naman ang sinisiraan mo.

"Nasan ang puso mo? Wala kang remorse.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ng anak ko. Shut your mouth!!!!"

LIEZL WISHES ALJUR AND AJ WELL

May Instagram post din si Liezl kunsaan sinabi niyang walang kaso sa kanya ang pakikipag-date ni Aljur sa bago nitong sinisinta na si AJ Raval.

Sinasabing nag-post pa si Liezl ng edited picture na kunwa'y ikinasal sina Aljur at AJ.

Mensahe ni Liezl kina Aljur at AJ (published as is): "Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa.

"Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka moved on narin cya at happy din cya."

Sabay may patutsada si Liezl sa "source" ni Cristy, "Sana ganon din yung source ni cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on."

Hindi malinaw kung anong petsa ito pinost ni Liezl sa Instagram, pero burado na ito sa kanyang feed habang isinusulat ang artikulong ito. Naka-private din ang account ni Liezl.

Continue reading below ↓

Pero noong October 25 ay naiulat na ito sa online news sites at ibang blog sites.

KYLIE VERSUS CRISTY WORD WAR

Sa kanyang Facebook at Twitter noong October 22, una nang sinagot ni Kylie ang aniya'y paninira sa kanya ni Cristy.

Sinabi rin ni Kylie na kilala niya ang "source" ni Cristy at nagtitimpi lang siyang huwag magsalita ng bagay na ikasisira ng kung sinuman ang "source" na tinutukoy ng aktres.

Sa kabilang banda, nanindigan si Cristy sa impormasyong nakalap niya tungkol sa isyung hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Naniniwala rin si Cristy na ang nais tumbukin ni Kylie na tingin nitong source ng columnist-radio host ay ang "pamilya ni Aljur."

Noong October 24, muling nagsalita si Kylie na walang katotohanan ang alegasyong mayroon siyang extra-marital affairs noong nagsasama pa sila ni Aljur.

Sabi pa ni Kylie, "last straw" lamang ang "cheating" ni Aljur at ayaw na niyang idetalye pa ang ibang marital problema nila sa publiko.

Continue reading below ↓

Sinasabing ayaw nang magkomento ni Aljur sa mga binitiwang salita ni Kylie.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liezl Sicangco on Cristy Fermin claiming that she was told by a source that Kylie Padilla had been communicating with an unnamed guy when the actress was still living with husband Aljur Abrenica. "You are wicked toxic poisonous woman. Now anak ko naman ang sinisiraan mo...Shut your mouth!!!!"
PHOTO/S: @kylienicolepadilla / @proudrad Instagram / Cristy Ferminute
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results