Watch Now

Kim Chiu jokes about being look-alike of Miss Universe Thailand 2021: “Nanalo pala ako?!”

by Bernie V. Franco
Oct 27, 2021
LOOK-ALIKES: Filipino actress-TV host Kim Chiu (left) and Miss Universe Thailand 2021 Ann "Anchilee" Scott-Kemmis. Panalo nga ba?
PHOTO/S: Instagram / YouTube (Miss Universe Thailand)

Ikinatuwa ni Kim Chiu ang pagkukumpara sa kanya kay Miss Universe Thailand 2021 Ann "Anchilee" Scott-Kemmis.

May mga nakapansin kasing may pagkakahawig si Kim sa Thai-Australian beauty queen, na kinoronahan sa Thai national pageant sa Pattaya, Thailand nito lamang October 24, 2021.

Nagkataon namang si Kim ay isang pageant fan, kaya ikinasiya nito ang pagkukumpara sa kanya sa Thai beauty queen ng netizens at maging ng kaibigan niyang si Kisses Delavin.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Kim ang screenshot ng message sa kanya ni Kisses.

Kalakip ng direct message ang crowning moment ni Anchilee na kayakap ang kanyang ina.

Sa photo, kapansin-pansing malaki ang pagkakahawig ng Thai beauty queen kay Kim.

Mensahe ni Kisses: “Ate Kimmy nangsusurprise ka naman nanalo ka na pala ng Miss Universe Thailand!!! Bwahaha [smiling face with heart eyes emojis]”

Nagulat na sagot ni Kim kay Kisses: “Hala!!!! Hahahhahahah [laughing faces with tears emojis]”

Sa caption ay sinabi ni Kim na natuwa siya sa comparison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Got this message from @kissesdelavin [laughing face with sweat emojis] hahahha nanalo pa ako?! [lauhing face with sweat emoji] hehehhehe cute mo kisses! As always!!!!”

Sabi naman ni Kim kay Kisses, “waiting for you to get that MU crown!!!! [crown, praying hands emojis]”

Si Kisses ay nakapasok sa Top 10 ng Miss Universe Philippines 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinahayag nitong sasali siya sa national pageant sa pag-asang masungkit ang pinapangarap na korona.

Maging sa Twitter ay may netizen na nakapansin sa pagkakahawig ni Kim kay Anchilee.

Komento ng isang netizen, kahawig ni Kim si Anchilee habang hawig naman ni Kisses ang Miss Universe Thailand 2021 first runner-up na si Tharina Botes.

Kasama sa tweet ng netizen ang photo collage nina Kim at Kisses, at nina Anchilee at Tharina.”

Dalawang laughing face with sweat emojis ang tugon dito ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ibang netizens ding sumang-ayon na may pagkakahawig nga sina Kim at Kisses sa dalawang Thai beauty queens.

MISS UNIVERSE 2021 IN ISRAEL

Sa kabilang banda, kumpirmadong sa Eilat, Israel gaganapin ang 70th edition ng Miss Universe pageant sa December 2021.

Naglabas ng official statement ang Isaeli Ministry of Tourism tungkol dito ngayong Miyerkules.

“Despite the challenges the COVID-19 pandemic placed in our path, we knew how to maintain the balance between health and the economy, to bring tourism back to Israel,” pahayag ni Israeli Tourism Minister Yoel Razvozov, sa ulat ng variety.com.

Ayon pa sa statement, “We needed to create tourism anchors that will promote and present Israel to the world as a vaccination nation that invites tourists to visit.

“The Miss Universe pageant is, without doubt, an important and significant anchor of this plan.”

Inaasahan naman ang pagbabalik ni Steve Harvey bilang main host ng international pageant.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LOOK-ALIKES: Filipino actress-TV host Kim Chiu (left) and Miss Universe Thailand 2021 Ann "Anchilee" Scott-Kemmis. Panalo nga ba?
PHOTO/S: Instagram / YouTube (Miss Universe Thailand)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results