Watch Now

Kris Aquino on how fiancé Mel Sarmiento courted her: "Out of the blue, he just kissed me."

by Rachelle Siazon
Oct 28, 2021
Kris Aquino to Mel Sarmiento: "And the fact na, you showed me talaga na with no hesitation that you’re ready to step in, and the fact that you try your best to make me happy, I really feel how much you love me. That’s why, parang ang tanga ko lang kung pakawalan pa kita… I love you with all my heart… Whatever’s left of my life, you have me."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram

Puno pa rin ng kasiyahan si Kris Aquino, 50, dahil nagsilbing "matchmaker in heaven" ang pumanaw niyang kuya na si former President Benigno Aquino III, o kilala bilang Noynoy.

Ang fiancé ni Kris na si Mel Sarmiento, 59, ay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary mula September 2015 hanggang June 2016, noong termino ni Noynoy bilang Pangulo.

Pero kahit ilang beses na ring nagkaengkuwentro sina Kris at Mel noong mga panahong iyon, noon lamang pumanaw si Noynoy nagkaroon ng pagkakataong magkakilanlan ang newly engaged couple.

Ngayong Huwebes, October 28, humarap sina Kris at Mel sa isang Q&A kunsaan ang anak ni Kris na si Bimby ang nagtanong ng ilang detalye tungkol sa kanilang love story.

Dito inamin ni Kris na opisyal niyang naging kasintahan si Mel noong July 24, 2021.

"It's really weird to admit this. Our monthsary is actually a month after Tito Noy died.

"That's why I said there's a matchmaker in heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because of pandemic and everything, because we're quarantined nonstop, we got to know each other so well so fast."

Tinanong ni Bimby kung anong moves ang ginawa ni Mel para mapasagot si Kris.

Sasagot pa lang sana si Mel nang biglang singit at babala ni Kris kay Mel, "Don't shock my son."

Natatawang reaksiyon ni Bimby, "Why did you say that?"

Sagot ni Kris, "Because out of the blue he just kissed me."

Usisa ni Bimby, "Like, deep kiss?"

Komento ni Kris, "Parang sabi ko, 'Ang lakas ng loob.'"

Humirit pa si Bimby na ilarawan ni Mel kung ang kiss ba ay mala-pelikulang The Notebook o Fifty Shades of Grey.

Paiwas na sagot ni Kris, "No, Bimb, please..."

Pero inamin ni Kris na nagulat siya sa romantic moves ni Mel.

Ani Kris, "And then I asked him, 'For someone so shy, paano mo nagawa yun?"

Prangkang komento ni Bimby, "He let it out, man!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapangiting sang-ayon ni Mel, "Di ko mapigilan, e. She didn't stop me, so..."

Sabay harang ni Kris, "Okay, yun lang."

Sabi naman ni Bimby, "I won't dive any deeper so I won't traumatize myself."

HOW KRIS AQUINO AND MEL SARMIenTO FIRST MET

May perfect timing sa love story nina Kris Aquino at Mel Sarmiento.

Ilang beses nang nagkrus ang landas nila noon, pero hindi makaporma si Mel dahil nanaig ang kanyang "takot" kay former President Noyoy at "starstruck" naman siya kay Kris.

"It's in Bahay Pangarap, the first time the former president introduced me to her," tukoy ni Mel sa residential building sa Malacañang na kilala ngayon bilang Bahay Pagbabago.

Patuloy ni Kris, "We would ride in the same helicopter. Kuwento ako nang kuwento sa kanya. [In my head], 'How come di niya ako pinapansin?'

"It was so weird. Most people pag kinukuwentuhan ko, natutuwa naman to talk to me. Siya talaga would ignore me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang maiksing tanong lang daw ang tinuran sa kanya ni Mel.

"So, I had to ask the staff, 'Shy ba siya talaga?' I said, 'I don't think naman he's gay. If he's gay, di natuwa na siya sa akin."

Inamin ni Mel na sobrang natotorpe lang talaga siya noon.

"Siyempre, admittedly, crush ko siya. Napapanood mo sa TV, ta's biglang asa harap mo.

"Tapos boss ko pa kuya niya. Nung nasa tabi na siya [Kris], di ako makapagsalita.

"Ta's nung nasa isang lugar kami, she would start talking to me, si Sir [Noy] nasa tabi, baka magalit."

Nagtataka pa rin si Kris kung bakit hindi naisip ni Mel na gumawa ng paraan.

Hirit ni Kris, "Sabi ko, 'Nag-ilang out of town tayo. Bakit di mo ako pinansin? You could have gotten my number.' Because at the time, I was single."

Pero sadyang nadidiyahe si Mel na dumiskarte kay Kris dahil hindi raw maalis ang hiya niya sa kuya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Mel kay Bimby, "Minsan, we're about to have lunch, your Tito Noy is seated two chairs away. Tumabi siya sa akin.

"Sa isip ko, 'Paano ako makakakain niyan?' Tapos andiyan pa tito mo, so nag-alangan ako."

couple talking to teenage boy

HOT STORIES

HOW KRIS AQUINO AND MEL SARMIENTO RECONNECTED

Hanggang sa muling nagkrus ang landas nila nang pumanaw si dating Pangulong Noynoy noong Hunyo 24, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Kris, matapos noon ay may pagkakataong bumisita si Mel sa bahay niya para sa isang "presentation" para sa kung anumang proyekto.

Naisip daw noon ni Kris na kaibiganin si Mel para alamin niya rito kung ano ang nangyari sa "kidnap threat" sa kanya noong April 2016.

Hindi na idinetalye ni Kris kung ano ang napag-usapan nila ni Mel tungkol doon, pero simula raw iyon ng tuluy-tuloy na pagbisita nito sa kanya.

Ani Kris, "He started coming here more often. It took the third dinner for me to finally get him to talk."

Nang makaramdam si Mel na nahuhulog ang loob niya kay Kris, bumisita raw siya sa puntod ni Noynoy.

Sabi ni Mel, "Nagkakasama na kayo, pagtakbo ng panahon iba na nararamdaman mo.

"Siyempre naisip ko baka magalit si Sir, multuhin ako. Nagparamdam pa naman yun after ng libing niya.

"So, I went to the cemetery. I was talking to him, telling him what's going on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I wanted to control myself, but wala talaga. Kasi naisip ko siya, baka magalit sa akin."

HOW KRIS AND MEL KNEW THAT THEy are right for each other

Tinanong ni Bimby si Mel kung paano nito napagtanto na si Kris ang "right one."

Sagot ni Mel, "Siyempre, yung nararamdaman ko, saloobin ko, I'm so happy.

"Lahat na-notice yun. People very close to me would say, 'Antagal na kita kakilala..." My nieces [would say], 'Iba ngiti mo ngayon.'

"Talagang ang hirap i-explain, pero sinasabi ko sa sarili ko, siya."

Naging madali raw kasi para kay Mel ang mag-slow down dahil kay Kris.

Saad ng dating DILG secretary, "I used to do a lot of things. I was kinda busy doing this and that. Ngayon, dahil sa nararamdaman ko sa kanya, I learned to balance my time.

"Nung araw, panay work. Ngayon, na-realize ko, 'Okay naman magtrabaho pero masarap pala pag happy ka dahil in love na in love ka.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay naman kay Kris na boto si Bimby kay Mel.

"It really mattered to me that you like him," ani Kris.

Sabi ni Bimby, "Yeah, of course! Tito Mel's cool!"

Ayon pa kay Kris, ang kaalamang may basbas din ng dalawang anak ni Mel ang kanilang relasyon ay nagpadadag sa kanyang kasiyahan.

Lahad ng TV host-actress, "We had dinner with his two sons. And I said sorry to them that they're not seeing their dad as often.

"I was really touched when they said thank you. They said they've never seen their dad as happy.

"I felt they must really super love their dad for them to say that.

"When they left, when I was in the bathroom, I was really crying.

"I couldn't imagine two boys near Kuya's [Josh Aquino] age saying that, thanking me for making their dad happy.

"Sabi ko, 'Ohhh... this is something. I just felt really, really touched by that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

man and woman hugging

A PROMISE OF A LIFETIME TOGETHER

Isinapubliko nina Kris at Mel ang kanilang engagement noong Linggo, October 24.

Ayaw nang ikuwento ni Kris kung paano nag-propose sa kanya si Mel dahil tila puno ng drama ang eksena nila noon.

Ani Kris, "I will spare him the embarassment of saying why, what happened."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagpahiwatig si Kris na tila nakahanap siya ng katapat bilang "Drama Queen" dahil tinawag niyang "Drama King" si Mel.

Sa huli, tinanong ni Bimby sina Mel at Kris kung ano ang nais nilang sabihin sa isa't isa.

Sabi ni Mel, "Alagaan kita. Kasama mo ako sa buong buhay natin."

Sagot ni Kris, "Thank you, Babe."

Sa puntong ito, masuyong hinalikan ni Mel si Kris sa labi.

Sabay pabirong tukoy ni Mel sa kanyang paghalik kay Kris, "That's how I did it."

Ganoon daw niya unang hinalikan si Kris.

Pero kinontra ni Kris na tila passionate ang unang paghalik sa kanya ni Mel.

Ani Kris, "No, kini-cleanse mo..."

Sumeryoso naman si Kris at sinabing sobrang at peace siya ngayong nasa buhay niya si Mel.

"All I want to say is that for the longest time—kasi si Kuya [Josh] has chosen to be independent in Tarlac.

"And you know, it really mattered to me na the man I would end up with will also really love Bimb. Because, wala, it’s really for so long just the two of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And the fact na, you showed me talaga na with no hesitation that you’re ready to step in, and the fact that you try your best to make me happy, I really feel how much you love me.

"That’s why, parang ang tanga ko lang kung pakawalan pa kita…

"I love you with all my heart… Whatever’s left of my life, you have me."

"NEXT VIDEO YUNG WEDDING NA NAMIN"

Ayon kay Kris, hindi sanay si Mel sa pagharap sa kamera at pinakiusapan lamang niya itong gawin ang Q&A para sa mga tagasuporta niyang nais malaman ang kanilang love story.

Saad ni Kris sa kanyang Instagram post, "So, we compromised—pumayag siya but said after this yung next video yung wedding na namin and, of course, I agreed.

"That’s how much he has changed me—I now know it’s not all about me, it’s definitely a give & take, and it really should always be about US."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Kris na isang simple at makapal na gold ring ang tinawag niyang "commitment ring" na bigay sa kanya ni Mel.

Ang nasa tabing singsing na may malaking bato ay bigay raw ng kanyang kapatid.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino to Mel Sarmiento: "And the fact na, you showed me talaga na with no hesitation that you’re ready to step in, and the fact that you try your best to make me happy, I really feel how much you love me. That’s why, parang ang tanga ko lang kung pakawalan pa kita… I love you with all my heart… Whatever’s left of my life, you have me."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results