Alwyn Uytingco misses wife Jennica Garcia, daughters Mori and Alessi

by Arniel C. Serato
Oct 28, 2021
Alwyn Uytingco works tirelessly to win estranged wife Jennica Garcia's trust again after their separation.
PHOTO/S: Courtesy: Alwyn X Alaskador on Facebook

Patuloy pa rin ang panunuyo ni Alywn Uytingco sa kanyang nakahiwalayang asawa na si Jennica Garcia.

Ilang buwan na silang nagkakalabuan ni Jennica, pero nanaig marahil kay Alwyn ang pagiging ama sa dalawang anak nila sina Mori at Allesi. Kaya nais niyang mabuong muli ang kanilang pamilya.

Sa Facebook kahapon, October 27, nag-post si Alywn ng collage na larawan ni Jennica at ng dalawa nilang anak na babae.

Maiksi ngunit makahulugang caption niya: “Miss na miss ko na kayo. [crying emoji]”

Continue reading below ↓

Natuwa naman ang followers ni Alwyn dahil tila unti-unti na silang nagkakaayos ng asawa.

"I WILL ALWAYS BE YOUR HABIBI"

Noong October 17, ibinalita ni Alwyn sa kanyang followers ang tila pagkakaayos na nila ni Jennica.

Nag-post siya sa Facebook ng magandang balita tungkol sa progreso ng reconciliation efforts nila.

Continue reading below ↓

Sinimulan niya ang kanyang post ng salitang Arabic na “habibi,” na ang ibig sabihin ay “my love.”

Mensahe ni Alwyn: "’Habibi’

“When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace.

“I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.

“Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life.

“And I will fight the good fight to retake my family. Yet I realize that it's impossible to achieve if I rely on my strength alone.”

Umaasa ang aktor na sa pamamagitan ng paggiya ng Diyos, tuluy-tuloy na ang pagkakaayos nila ni Jennica.

Nagpasalamat din si Alwyn sa asawa na hindi bumitaw sa kanya at sa pagbibigay nito ng pangalawang pagkakataon upang maghilom ang mga sugat sa kanilang puso.

Saad ni Alwyn, “Without God and His guidance, His grace.. I am with no purpose. And without my wife’s boundless patience and love... I will be lifeless. Thank you, mahal, for not quitting on me.

Continue reading below ↓

“Thank you for letting me continue this life we started together.

“Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all.”

Ibinahagi rin niya ang isang quote na nangangahulugang hindi dahil sa may hinagpis ang nakaraan ay ganun din ang hinaharap.

“Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.”

Pangako pa niya kay Jennica, “I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you.”

Kalakip ng post ni Alwyn ang black-and-white silhouette photo nila ni Jennica.

Noong October 14 naman, nagpahiwatig si Jennica sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng 24 Oras na pursigido talaga ang nakahiwalayang asawang na mabuo muli ang kanilang pamilya.

Ani Jennica, "I am very thankful to Jesus because He heard my prayers. He gave me what I was hoping for—for Alwyn to come back [to] us. He expressed his desire for family restoration."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alwyn Uytingco works tirelessly to win estranged wife Jennica Garcia's trust again after their separation.
PHOTO/S: Courtesy: Alwyn X Alaskador on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results