Gladys Reyes reveals late father Sonyer Reyes was in coma in his last moments

by Gorgy Rula
Oct 28, 2021
Gladys Reyes on passing of her father Sonyer Reyes: "Tapos, binulungan na namin, 'Okay na, Pa, pagod ka na. Kami na bahala kay Mama at PJ.' Ang pinaka winu-worry niya kasi si PJ kasi special child siya, autistic. Sabi ko, 'Kami na bahala sa kanila. Magkikita tayo uli sa Bayang banal.'"
PHOTO/S: Courtesy of Gladys Reyes via Gorgy Rula

"The show must go on."

Ito ang text message ni Gladys Reyes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, October 28, habang nagbibiyahe siya papuntang Bulacan para sa taping ng Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento.

Kinumusta ng writer na ito ang aktres pagkatapos pumanaw ang kanyang amang si Sonyer Reyes dahil sa multiple organ failure.

Nakaburol pa ang kanyang ama kaya buong akala namin ay hindi muna siya magti-taping. Pero mahirap na raw mag-revise ng script kaya tumuloy pa rin siya sa taping.

Nakiusap lang daw siyang i-pack up siya nang maaga dahil ngayon ang last night ng burol ng kanyang ama.

Nakatakda ang libing sa Garden of Gethsemane sa Antipolo City, sa Biyernes, October 29.

GLADY'S FATHER COMPLAINED OF "SHORTNESS OF BREATH"; but it's not covid-19

Mahaba ang palitan namin ng text message ni Gladys kunsaan isinalaysay niya nang ma-confine sa Marikina Valley Medical Center ang kanyang ama dahil sa kinapos ito sa paghinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alamang may pneumonia ang kanyang ama.

Lahad ni Gladys (published as is): "October 20, pinasok siya sa hospital, kasi shortness of breath.

"Tapos October 21, 22 okay siya, ka-video call namin. Pinsan ko yung nagbabantay sa kanya.

"Ang sigla ni Papa, ang daldal, hindi na kinakapos ng hininga.

"October 23, tinawagan ako ng doctor nung gabi, humina daw si Papa. Ang baba ng oxygen, 50 na lang. Need niya ma-intubate.

"Gulat na gulat ako. Akala ko nga lalabas na kasi ang sigla nung kausap lang namin nung October 22, tapos 23 intubate na?

"Tumakbo na ako ng hospital. Wala na ako pakialam kung ma-COVID ako. Awa ng Diyos, negative siya sa COVID," magkakasunod na text sa amin ni Gladys.

Nagduda raw silang baka may COVID ang kanyang ama, pero nakumpirma nilang wala pagkatapos ng RT-PCR test kung saan negative ang resulta.

Noong Linggo, October 24, nag-decide ang pamilya ni Gladys na ilipat ang kanyang ama sa New Era General Hospital dahil walang available na ICU sa Marikina Valley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi si Gladys ng tulong kay Antipolo Mayor Andrea Ynares kung mayroong mahihiraman na ambulansya. Pero kailangan ng ambulansya na merong apparatus para sa ini-intubate.

Sa tulong ng mga kasamahan bu Gladys sa Iglesia ni Cristo at New Era, nasundo ng ambulansya ang ama ng aktres sa Marikina Valley.

Maaaring naramdaman na raw ng kanyang amang hindi na ito magtatagal, at baka gusto nitong sa New Era ma-confine dahil mga kasamahan nila sa Iglesia Ni Cristo ang mag-aasikaso sa kanya.

Sabi ni Gladys (published as is): "Nasa ICU siya ng New Era, naka-intubate siya. Okay naman ang mga vital signs niya.

"Bago ko siya iniwan dun ng 11pm, sabi ko uwi lang ako. Ayusin ko ang iba pa niyang gamit. Kasama ko si Janice."

Ang tinukoy ni Gladys na Janice ay kapatid niya.

family wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLADYS'S FATHER SUFFERED COMATOSE

Pero kinabukasan, October 25, nagulat si Gladys nang makatanggap ng tawag na hindi na raw maganda ang lagay ng kanyang ama.

Tila dito na bumigay ang heart, lungs, at kidney ni Sonyer

Patuloy na salaysay ni Gladys (published as is): "October 25, 7am na-coma na raw. Tinawagan ako ng hospital, hindi na raw nagri-respond. Nag-drop na ang blood pressure niya, 20 over 20.

"Ang oxygen niya 16 na lang. Ang heart rate niya 30, kahit naka-intubate pa siya.

"Sabi ng doktor, pumunta na kami. Pinagsabihan ko na Mama ko, si Christopher, si Janice.

"Naabutan na namin buong family, may heartbeat pa siya pero coma.

"Kinausap namin siya. Nag-iiyakan na kami. Naririnig niya siguro nandun kami lahat, tumaas ang heart rate niya from 30 to 85. Parang lumalaban pa."

Nakita ni Gladys na nahihirapan na ang kanyang ama, kaya binulungan niya itong magpahinga na. Siniguro ni Gladys sa ama na alalagaan nila ang kapatid na si PJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, binulungan na namin, 'Okay na, Pa, pagod ka na. Kami na bahala kay Mama at PJ.'

"Ang pinaka winu-worry niya kasi si PJ, kasi special child siya, autistic.

"Sabi ko, 'Kami na bahala sa kanila. Magkikita tayo uli sa Bayang banal.'

"Tapos, pinag-pray na kami ng minister namin, si Ka Dindo. Pagka-pray, ilang minuto lang, yung ECG niya flat na.

"Pinapirma ako kung di na i-resuscitate, saka kung gusto pa raw ba bigyan ng gamot para tumibok ang puso.

"Sabi namin, ayaw niya ng ganun. Mahihirapan lang siya. Ibinigay na namin siya sa Ama.

family wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOURNING THE LOSS OF HER FATHER

Nahihirapan si Gladys dahil ngayon lang na-experience ng kanyang pamilya ang mawalan ng taong lubos na malapit sa kanila.

Ang kanyang ina ay lubos na nagdadalamhati sa pagkawala ng kabiyak.

Sabi ni Gladys, "Okay naman ang Mama ko pag may dumadalaw sa burol, kasi nakakakita ng ibang tao. Pero pag-uwi, humahagulgol na.

"Ang hirap pala. Ngayon lang nangyari sa amin ‘to, kaya hindi ko alam kung ano talaga ang pakiramdam."

Pero kailangan daw magpakatibay ni Gladys para sa pamilya lalo, na sa kanyang ina.

"Alam ko payapa na si Papa na umalis. Panatag na siya nung alam niyang ililipat siya sa New Era.

"Parang inaantay lang yata niya na gusto niya dun siya abutan. Mas payapa siya kasi mga kapatid sa church namin ang mga kasama niya.

"Noon pa sinasabi niya, hindi raw siya takot mamatay. Sinasabi niya kung mahihirapan lang siya, ayaw niya ng gulay na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya alam ko payapa siyang umalis."

Nagpapasalamat si Gladys sa lahat na mga kasamahan niya sa INC na tumulong sa kanila, mula sa hospital hanggang sa burol ng kanyang ama, pati ang pag-aasikaso sa libing.

Nagpasalamat din siya kay Mayor Andeng Ynares na nag-asikaso ng paglilibingan sa Garden of Gethsemane at iba pang tulong, para hindi na raw sila mahirapan hanggang sa mailibing ang kanyang ama sa Biyernes.

daughter in front of father casket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes on passing of her father Sonyer Reyes: "Tapos, binulungan na namin, 'Okay na, Pa, pagod ka na. Kami na bahala kay Mama at PJ.' Ang pinaka winu-worry niya kasi si PJ kasi special child siya, autistic. Sabi ko, 'Kami na bahala sa kanila. Magkikita tayo uli sa Bayang banal.'"
PHOTO/S: Courtesy of Gladys Reyes via Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results