Albie Casiño claims ex-girlfriend Andi Eigenmann never apologized to him: "I'm tired of covering up for her."

by Rachelle Siazon
Oct 28, 2021
Albie Casiño on ex-girlfriend Andi Eigenmann: "She sent me this long-ass non-apology. You know what I mean? For people who have been in toxic relationships, you know what I mean. The non-apologies. They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text."
PHOTO/S: Instagram

Dire-diretso ang tirada ni Albie Casiño sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann nang usisain siya ng netizens tungkol sa kontrobersiyal na nakaraan nila.

Hindi kaila sa publiko na si Albie ang itinuro ni Andi na ama ng kanyang panganay na anak nang siya ay nagdalantao noong 2011.

Lumikha ng malaking isyu ang paghingi ng pamilya ni Albie ng DNA test bago akuin ang bata.

Dahil sa isyu, natanggal si Albie sa pelikulang Way Back Home at sa weekly youth-oriented series na Growing Up. Follow-up projects sana ang mga iyon sa tambalan nina Albie at Kathryn Bernardo matapos ang prime-time series nilang Mara Clara.

Dagdag pa rito ang insidenteng pambubugbog kay Albie ng apat o limang lalaking kasama umano ni Andi nang magkrus ang landas ng dalawa sa isang bar sa Makati City noong 2012.

Lumalabas na malalim ang bubog na iniwan kay Albie mula sa yugto ng buhay niyang iyon.

Continue reading below ↓

Sa Kumu livestream noong October 26, Martes, inihayag ni Albie na hindi totoong nag-sorry sa kanya si Andi.

"I don't care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on.

"So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask.

"I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore," saad ni Albie.

Naganap ang livestream ilang araw bago pumasok si Albie bilang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate.

HOT STORIES

albie ON ANDI'S "LONG-ASS NON-APOLOGY" IN 2020

Ayon kay Albie, wala siyang natanggap na sincere apology mula kay Andi sa pagdiin sa kanya bilang ama ng dinadala nito, na kinalaunan ay lumabas na hindi talaga kanya.

Noong October 2016, kinumpirma ni Jake Ejercito na siya ang ama ng panganay na anak ni Andi.

Continue reading below ↓

Ngayong 2021, binalikan ni Albie ang naungkat na isyu nila ni Andi noong August 2020, o siyam na taon makalipas ang kinasangkutan nilang eskandalo sa mundo ng showbiz.

Kalalabas lang noon ng balitang buntis si Andi sa ikalawang anak nito at ng current partner na si Philmar Alipayo.

Sabay may isang maintrigang netizen na nag-tweet kay Andi kung nag-sorry na ba ang aktres kay Albie sa isyu nila noon.

Sumagot si Albie na hindi pa nag-sorry sa kanya si Andi.

Kasunod niyon ay naglabas ng pahayag si Andi na nag-reach out siya kay Albie upang humingi ng paumanhin dito.

Pero kinokontra ito ngayon ni Albie.

Sabi ni Albie sa Kumu livestream nitong October 26, 2021: "I remember I read a post about that on IG. My best friend in the States, she sent me like a Twitter post of someone.

"I don’t know how Twitter works but I guess someone was replying to Andi, 'Pero nag-sorry ka na ba kay Albie?'

Continue reading below ↓

"So I guess when you reply, you can see the original tweet.

"So I only posted the reply and then I put some laughing, crying emojis, and then I said, 'Hindi pa. Lol."

Nakarating daw iyon kay Andi, at nag-send ito sa kanya ng "long-ass non-apology" via text message.

Salaysay ni Albie: "And then, dude, she sent me this long-ass non-apology. You know what I mean?

"For people who have been in toxic relationships, you know what I mean—the non-apologies.

"They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text.

"And then she was saying how I saw her one time in a club, and then she referenced that as an apology.

"And then I just replied to her, I said, 'Lol.'"

May kalakip na laughing with tears emoji raw ang reply niya kay Andi.

Patuloy na kuwento ni Albie sa reply niya kay Andi: "'If you’re referring to the time I saw you in the Pool Club, that wasn’t an apology, Bro.' Ginanun ko lang siya.

Continue reading below ↓

"Tapos sabi ko, 'I don’t give an F. Imma do me. You do you. But where I’m from, that’s not an apology and you know it.' Ginanun ko lang siya."

Sana raw ay patuloy na usigin ng konsensiya si Andi.

Ani Albie, "I wanted to say some other stuff like ‘if you bash me publicly, the least you could do is apologize publicly right?'

"But nah, I guess it ain’t in her, I guess. She ain’t like that.

"But yeah, I hope she thinks about that at night before she goes to sleep. I’m not even joking."

ALBIE TAKES A SWIPE AT ANDI

Malinaw na mabigat pa rin ang loob ni Albie kay Andi dahil sa ibang salitang binitiwan niya patungkol sa dating nobya.

"My friends just saw her in Siargao and they said she's super fat, so that makes me super happy.

"I don't know if that's bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. Yeah, I don't care. That's the truth!" natawang saad ni Albie.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Di tayo nagpaplastikan dito. That's the way we do it, man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito. That's the last thing we're going to do.

"It's funny because after I get out, I want to go to Siargao after but she's there. It ain't a thing. I don't mind.

"I'm probably going to hit up the beach. I'm definitely going to hit up the beach when I get out."

Ang tinutukoy ni Albie ay ang pagnanais niyang magbakasyon pagkatapos ng stint niya sa PBB. Sa Siargao nakabase si Andi kasama ang partner at mga anak nito.

Sakaling makita raw ni Albie sa personal si Andi ay dedeadmahin lang daw niya ang ex-girlfriend.

"Wala, e, di dead Madela, deadma. Like, I got nothing to say to you, bro.

"And my parents are always telling me, 'If you got nothing good to say, don't say anything at all.' So even if I was next to her in a 24-hour flight, I won't say a word.

Continue reading below ↓

"Because I got nothing good to say to her. So I'd rather not talk to her."

Patuloy ni Albie, "If she tries to talk, I'm just going to look at her like she has poop on her shirt. That's all I'm going to do.

"Because I don't know, man. I was open to giving her a chance to apologize but she never did apologize."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño on ex-girlfriend Andi Eigenmann: "She sent me this long-ass non-apology. You know what I mean? For people who have been in toxic relationships, you know what I mean. The non-apologies. They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results