Watch Now

Andrew Gan recalls panic attack during 21-day quarantine due to COVID-19 scare

by Rommel Gonzales
Oct 30, 2021
Andrew Gan, fearing exposure from a relative who tested positive with coronovirus, got himself swabbed and stayed in isolation for 21 days.

Hindi makakalimutan ng male actor na si Andrew Gan ang COVID-19 scare na dinanas niya early last year.

Pero nakuha pa rin niyang magbiro tungkol sa masamang karanasan niya noong April 2020, "Akala ko magkakaroon ako. Kasikatan ng COVID nun, nilo-launch pa lang siya sa industriya."

Patuloy na kuwento ni Andrew, "Sa family kasi... alam mo kung ilang days bago lumabas ang result?

"So ilang days akong naka-quarantine. Twenty-one days, twenty-one days na ang tagal lumabas ang result.

"Kasi may nakasalamuha ako na positive, e, siyempre nung time na yun, pag nakasalamuha mo positive, akala mo meron ka na rin, nahawahan ka na rin.

"Kasi ganun tayo natakot noon, which is good din para kasi maging mas maingat so may advantage."

Malaking pagsubok daw kay Andrew ang maraming araw na mag-isa lamang siya sa kuwarto niya at naka-quarantine.

Aniya, "Sobrang anxiety, anxiety attack talaga. Yung tipong paggising mo umaga na naman, 'tapos pag gabi na, matutulog ka na naman, yung paulit-ulit ang ginagawa mo, iyong kuwarto mo lang ang nakikita mo. Sobrang anxiety talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero thankful din ako kasi dun mo mas nabuo at mas lumaki yung faith ko."

Isa raw family member na positibo sa coronavirus ang nakasalamuha ni Andrew noon, "Frontliner kasi. Ganito ang nangyari—twelve kami lahat, pang-thirteen siya.

"So yung twelve na yun, nagpa-swab, yung eleven, lumabas yung result, sa akin yung naiwan, for twenty-one days!"

"Hindi na raw niya nalaman lung bakit natagalan ang resulta ng swab test niya.

At matapos ang twenty-one days na halos mabaliw si Andrew sa paghihintay ay natanggap niya ang resulta ng kanyang swab test: Negative!

Bulalas niya, "Negative kaming lahat! Wala namang nag-positive, sa awa ng Diyos!"

Naunawaan naman raw ni Andrew kung bakit natagalan ang paglabas ng resulta ng test niya.

March 2020 nagsimula ang pandemya sa Pilipinas. Ssumunod na buwan, April, na-expose si Andrew.

Hindi pa malawakan ang resources at kaalaman tungkol sa coronavirus ng panahong iyon.

Sabi ng aktor, "Nung time na yun, limited pa lang ang puwedeng i-swab, hindi lahat, di ba, na puwede kang magbayad para magpa-swab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung time na yun kapag may symptoms ka or may nakasalamuha, dun ka pa lang puwedeg i-swab.

"Iba, iba yung iyak ko nung nalaman kong negative ako."

May payo si Andrew sa mga tulad niyang millennials na dumaraan sa anxiety at panic attack bunga ng pandemya.

Aniya, "Number one, mag-ingat and siyempre... andito na tayo, e, so hindi naman puwede yung mundo ang mag-a-adjust sa atin.

"So tayo ang mag-a-adjust sa mundo. So siyempre ang part natin gawin natin, magpa-vaccine tayo."

Ipinayo rin ni Andrew ang regular na Vitamin C intake, ang pag-inom ng salabat o pinakulong luya, at regular exercise.

"Kasi wala tayong ibang dapat gawin kundi mag-ingat at palakasin ang immune system natin, iyon ang panlaban natin.

"So stay healthy and magpa-vaccine tayo, and siyempre face mask and face shield."

Fully vaccinated na ng Sinovac si Andrew, na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 14, 2021, sa Gulliver's restaurant sa 8th floor ng Great Eastern Hotel sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDREW GAN'S NEW MANAGER

Alaga ni Leo Dominguez si Andrew, isang buwan na siyang nasa bakuran ng LVD Management and Consultancy Services.

Pero bago iyon ay limang taon naging talent ni Rams David ng Triple A Management si Andrew.

Maayos raw ang naging paghihiwalay nila, "Sa kanya ako nagsimula, kundi dahil sa kanya hindi ako makakapasok ng GMA, so malaki ang utang na loob ko kay Nanay Rams."

Kahit hindi na siya talent ni Rams ay magkaibigan pa rin sila. "Oo, super okay kami," bulalas ni Andrew.

Ang aktor na si Ricardo Cepeda ang nagpakilala kay Andrew kay Leo, na alaga rin si Ricardo at ang mag-iinang sina Lotlot de Leon, Diego Gutierrez, at Janine Gutierrez.

Napapanood si Andrew sa BL (Boy Love) story na Limited Edition tuwing Sabado, 8 p.m., sa Bragais TV sa Youtube.

Ngayong Sabado, October 30, ay episode 4 na ng Limited Edition ang ipapalabas kung saan bida rin sina Jomari Angeles at Ron Angeles at sa direksyon ni Jill Singson Urdaneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Andrew, "Every third episode po kasi nagbi-break kami ng one week. Kasi nine episodes po kami, may layering kasi po yung kuwento and hand-to-mouth din po kami sa dubbing."

Malapit na ring mapanood si Andrew sa isang upcoming soap opera ng GMA ang End Of Us, na kasalukuyan nang naka-lock in taping.

Bukod sa pag-aartista ay nagmamay-ari rin ng wellness spa si Andrew, ang Releaf Massage and Nail Spa sa Karuhatan sa Valenzuela City.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew Gan, fearing exposure from a relative who tested positive with coronovirus, got himself swabbed and stayed in isolation for 21 days.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results