Watch Now

Richard Yap's "illegitimate son" demands recognition from actor; Richard reacts

by Rachelle Siazon
Oct 30, 2021
Joshua Paolo Jensen (right) on actor Richard Yap (left) refusing to acknowledge him as his alleged biological son: "Ang sakit naman po. Alam nya na anak nya ako. Sinamahan pa nya mommy ko ilang beses sa ultrasounds. Alam nya ang bahay namin. Humarap cya sa pamilya ko, sa lola ko. Hindi po ako sinungaling."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Nahaharap ang Kapuso actor na si Richard Yap, 54, sa kontrobersiyang may anak umano siya sa labas.

Ito ay sa gitna ng pagtakbo niya bilang kongresista sa Cebu sa 2022 elections.

Si Joshua Paolo Jensen, 24, na tubong-Bacoor, Cavite ang nagpakilalang "illegitimate son" umano ni Richard.

Noong October 28, naghain si Jensen ng petition for "compulsory recognition of natural child" o "acknowledgment of paternity and affiliation" sa Regional Trial Court sa Cebu City dahil hindi raw siya boluntaryong kinikilala ni Richard.

Ayon sa panayam ng Cebu Daily News, sinabi ni Jensen na "high school" siya nang una niyang sinubukang hanapin si Richard.

Pero hindi raw siya pinapansin ng aktor.

"Nag-contact ako through Facebook, social accounts, sa wife niya, sa anak niya.

"Wala po. Blinock lang nila ako. Matagal ko na siyang hinahanap," saad ni Jensen.

Dagdag pa niya, "Nagpunta na rin ako ng ABS-CBN kasama ng mga lola ko at mommy ko, kaso lagi sinasabi out of town siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHEN JOSHUA JENSEN WAS TOLD RICHARD IS HIS "FATHER"

Ayon pa kay Jensen, siya ay "10 to 12 years old" nang una niyang nalaman na "ama" niya si Richard.

Noong panahong iyon ay hindi pa artista si Richard at nakikilala pa lang bilang model na umaktong chef sa TV commercial ng isang fast food restaurant.

Ang biological mother ni Jensen ay isang nagngangalang Cherymae Valdez na taga-Quezon City.

Itinuro raw ni Valdez kay Jensen na ama nito si Richard nang lumabas ang huli sa naturang TVC.

Sa pagkakaalam ni Jensen, nagkakilala umano ang kanyang ina at si Richard sa trabaho.

Huling kita raw nina Richard at Valdez ay nang magpa-ultrasound ang huli noong ipinagbubuntis nito si Jensen.

Mula noon ay hindi na raw ulit nagpakita si Richard.

Handa raw si Jensen na sumailalim sa DNA test para patunayang siya ay tunay na anak ni Richard.

RICHARD on ILLEGITIMATE SON CONTROVERSY

Umalma si Richard sa timing ng paglabas sa publiko ng nagpakilalang "illegitimate son" niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingin ng aktor ay pakana lang ito ng kalaban niya sa pulitika.

"I’ve been in show business for ten years and karon pa ko ana nga naa koy anak," buwelta ni Richard sa Bisaya nang makapanayam siya ng CDN Digital.

Dagdag niya: "As you can see that person is not from Cebu, kay di man kahibaw magbinisaya.

"Ngano sa Cebu man siya nagfile? Kinsa may nagpaluyo ana?"

("I’ve been in show business for ten years and I still have a child. As you can see that person is not from Cebu, He doesn't know how to speak Bisaya. Why is he filing in Cebu? Who is behind that?)

RICHARD yap VERSUS FORMER PARTYMATE?

Sinasabing nagpatutsada si Richard sa isang konsehalang tumatakbong kongresista sa Cebu.

Napag-alaman daw ni Richard na nag-Facebook Live ang di pinangalanang konsehala at sinabing nahanap nito ang long-lost child ng aktor.

"She went live and that’s what she said. So this has all been planned from the start," saad ni Richard, base pa rin sa ulat ng Cebu Daily News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patungkol kay Jensen, ani Richard: "I have never seen him, met him, talk to him ever since. Just wondering where he took me to be his father."

Bagamat walang direktang pangalang tinukoy si Richard, hininalang may kinalaman ito sa dating kapartido ng aktor na si Prisca Niña Mabati.

Si Mabati lamang ang tanging konsehalang tumatakbong kongresista na makakalaban ni Richard sa 2022 elections.

Dating magkapartido sina Mabati at Richard, pero si Mabati ang piniling representate sa Cebu North District ng PDP Laban.

Sa opisyal na pahayag ni Mabati, iginiit nitong wala siyang kinalaman sa paghain ng petisyon ng nagpakilalang "illegitimate son" ni Richard.

Pero hinamon niya si Richard na magpa-DNA test para mapatunayan kung anak nito o hindi si Jensen.

Sabi ni Mabatid noong October 28: "Do it before November 15, I challenge you.

"If the result is negative then I’ll step down as the official candidate for Congress of Barug PDP Laban, imoha na ng congress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But once proven nga anak nimo ang bata, wala na gyud koy respeto nimo. Wa kay bayag."

Kinabukasan, October 29, hindi kumasa si Richard sa hamon ni Mabatid.

Buwelta ni Richard sa salitang Bisaya sa phone interview sa Cebu news reporters:

"Mangutana lang ko, siya bang inahan? Ngano siya man sigeg panghagit? Kay kung dili siya ang nagpluyo ani, unsa may reason nganong magsige siyag panghagit?"

(“I just want to ask, is she the mother? Why is she so provocative? For if she is not the one, what is the reason why she should continue to challenge me?")

HOT STORIES

JENSeN SAYS PETITION "NOT POLITICALLY MOTIVATED"

Nakarating kay Jensen ang pagtatwa sa kanya ni Richard at ang alegasyong may kinalaman ang pulitika sa kanyang paglantad sa publiko.

"Hindi po yan totoo," saad ni Jensen sa kanyang Facebook post noong October 28.

Una raw siyang nagpunta sa Cebu noong 2019 dahil sa pagnanais makaharap sana si Richard dahil hindi raw umubra ang efforts niya na makita ito noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag pa ni Jensen (published as is): "So Nung 2019, nalaman ko na tumakbo siya sa Cebu. Nag pa tulong ako sa sa isang congressman para maka punta ng Cebu.

"Pinakausap nya sakin yung lawyer kaya lang di ako pwede na mag file sa cebu dahil hindi ako taga Cebu."

Mula noon ay pumirmi umano si Jensen sa Cebu at "nakitira kung kani-kanino" hanggang sa ngayon nga ay kwalipikado raw siyang doon maghain ng petisyon para kilalanin siyang anak ni Richard.

Aniya, "Isa pa, wala na po ang congressman na tumulong sa akin noong election 2019 para lang maka punta ako ng Cebu.

"Sariling decision ko po lahat."

Sa isyung nauugnay siya sa kalaban ni Richard sa pulitika na si Mabatid, ito ang pagtanggi uli ni Jensen:

"Wala po. Mabait siya sa akin pero sabi nya na hindi niya ako pwedeng tulungan dahil ka partido daw niya si Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Binigyan lang nya ako ng payo at yun ay lapitan si Richard Yap at kausapin ng maayos."

JOSHUA JENSeN'S SCREENSHOT OF HIS MOM'S PICTURE?

Idiniin ni Jensen na hindi siya sinungaling at nasaktan siya sa pagtatwa sa kanya ng aktor.

Saad ni Jensen sa kanyang Facebook post: "Ang sakit naman po. Alam nya na anak nya ako. Sinamahan pa nya mommy ko ilang beses sa ultrasounds.

"Alam nya ang bahay namin. Humarap cya sa pamilya ko, sa lola ko. Hindi po ako sinungaling.

"Kaya nag sampa ako ng kaso para ma DNA test kaming dalawa."

Ipinakita rin niya sa Facebook ang screenshot ng litrato ng isang babae na tila ang kanyang ina na si Cherymae Valdez.

Makikitang ipinadala ni Jensen ang sinasabi nitong mensahe niya kay Richard via Facebook Messenger, pero walang nakasaad kung ano ang nais niyang tumbukin kung bakit niya ipinadala ang litrato ng babae sa aktor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD's lawyer says claim of jensEn is "unfounded"

Ngayong Sabado, October 30, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Richard hinggil sa isyu.

Ipinadala niya sa amin ang official statement ng kanyang abogado na si Joahna Paula Domingo ng Domingo Garcia Lumapas Law.

Base rito, kumpiyansa ang Kapuso actor na walang basehan ang alegasyon ni Jensen sa kanya.

Narito ang kabuuang bahayag ng abogado ni Richard:

"It has come to the attention of our client, Mr. Richard Yap that a particular person purports to be his son. We have yet to receive an official copy of his Petition.

Mr. Yap is certain that it would indubitably be unfounded.

"For now, Mr. Yap assures the public and his supporters that there is no truth to such claim and that, he places his confidence in our justice system in threshing out the TRUTH in the days to come."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RICHARD'S SHOWBIZ CAREER

Ang makatawag-pansin na TVC ni Richard ang nagbigay-daan sa pagpasok niya sa showbiz.

Taong 2011 nang maging bahagi siya ng My Binondo Girl ng ABS-CBN.

Sumikat siya nang husto bilang Ser Chief na kapareha ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart, ang sikat na ABS-CBN daytime series na umere mula 2012 hanggang 2014.

Lumipat siya sa GMA-7 noong December 2020.

At ngayong 2021, pinagbibidahan nila ni Heart Evangelista ang upcoming prime-time series na I Left My Heart In Sorsogon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Paolo Jensen (right) on actor Richard Yap (left) refusing to acknowledge him as his alleged biological son: "Ang sakit naman po. Alam nya na anak nya ako. Sinamahan pa nya mommy ko ilang beses sa ultrasounds. Alam nya ang bahay namin. Humarap cya sa pamilya ko, sa lola ko. Hindi po ako sinungaling."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results