Jaclyn Jose slams Albie Casiño for his tirades against her daughter Andi Eigenmann

by Rachelle Siazon
Oct 30, 2021
Veteran actress Jaclyn Jose to Albie Casiño: "YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko."
PHOTO/S: @jaclynjose / @vynimalism via @thestallion09 / @andieigengirl

Umalma si Jaclyn Jose sa pag-ungkat ni Albie Casiño sa kontrobersiya sangkot ang anak ng aktres na si Andi Eigenmann noong 2011.

Si Albie ay ex-boyfriend ni Andi.

Noong 2011, malaking eskandalo nang ituro ni Andi si Albie na ama ng ipinagbubuntis niya noon.

Isang dekada na ang lumipas pero matindi pa rin ang hinanakit ni Albie sa pagdidiin at paninira raw sa kanya noon ni Andi.

Ngayong Sabado, October 30, kumalat ang screenshot ng Instagram post ni Jaclyn na naglalaman ng mensahe niya para kay Albie.

Ayon sa beteranang aktres, ang lakas ng loob ni Albie na tirahin ng batikos si Andi sa kabila raw ng atraso ng Kapamilya actor sa kanyang anak.

"YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko," buwelta ni Jaclyn kay Albie.

Kasabay nito ay may mahabang mensahe si Jaclyn para sa ABS-CBN production head at Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

Continue reading below ↓

Nakiusap si Jaclyn na huwag nang idamay si Andi sa "circus" o hype para sa "rating" ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, kung saan isa sa celebrity housemates si Albie.

Pati raw kasi ang apo ni Jaclyn ay nadadamay sa isyu.

Sabi ni Jaclyn (published as is): "Pls nakikiusap ako wag nio galawin apo ko.. 1 decada Lauren, pls stop this.

"wala pupuntahan to kaibigan kita for so long, Wenn pa kapatid na kita..

"wag mo hayaan mag ma terialized ang pbb ng Albie lang.."

Posibleng ang "Wenn" na tinutukoy ni Jaclyn ay ang yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Umapela si Jacylyn na sana ay hindi dumating sa puntong magsalita siya dahil "mapapahiya" raw ang "batang ignorante" na si Albie.

Ayon pa rin kay Jaclyn, "sagutin ko sia.. maari rating. pero magkapatid tayo.. nakikiusap ako nananahimik na si Andi...

"pero may sagot ako over board din i just want to keep quiet...

Continue reading below ↓

"as a friend sa media ko na sinasabi pigilan mo yang batang ignorante...

"kaysa mag salita ako.. Lauren you can stop him or go on (rating) sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na."

Nagpasintabi pa si Jaclyn kung bakit nagpasya siyang magsalita sa social media.

Sabi pa niya kay Dyogi (published as is): "I so adore you wag mo sirain ang pangalan mo jan sa mamang yan..

"i dont want to put this into media. but i am running out of time. since you put it on media i have to protect la kami outlet so sorry if i bring it to media.. but?! There is no way?

"You want me to be quiet? You know me better than that?! Yung member nio ? Yung Albi Casinio?

"He has to keep hes mouth shut? Dont use my daughter in your sircus.. di nia alam ang pinagsasabi nia."

Burado na ang post na ito ni Jaclyn sa kanyang social media accounts.

Continue reading below ↓

PATERNITY ISSUE INVOLVING ANDI, ANDI'S BABY, AND ALBIE

Nang mabuntis si Andi noong 2011, kinuwestiyon ni Albie ang paternity ng bata dahil sa isyung panloloko umano sa kanya ni Andi, at pagkakaroon nito ng ibang karelasyon.

Humingi si Albie ng DNA bago akuing kanya ang bata—bagay na ikinagalit lalo ni Andi pati mga magulang ng aktres.

Si Andi ay 20 taong gulang lamang noon at isang taon pa lang ang lumipas mula nang malunsad na lead star sa Kapamilya primetime series na Agua Bendita.

Si Albie ay 18 taong gulang, at katatapos lang ng matagumpay na tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN primetime series na Mara Clara.

Nagresulta ang kontrobersiya sa pag-alis kay Albie sa dalawang proyektong pagtatambalan sana nila muli ni Kathryn.

Makalipas ang limang taon, noong 2016, lumabas ang katotohanang si Jake Ejercito ang ama ng panganay na anak ni Andi.

ALBIE ADMITS NO GOOD WORDS TO SAY ABOUT ANDI

Sa isang Kumu livestream noong October 26, prangkang inamin ni Albie na wala siyang magandang masasabi sa usaping may kinalaman sa isyu nila noon ni Andi.

Continue reading below ↓

Tinawag niyang "long-ass non-apology" ang text message na ipinadala sa kanya ni Andi noong 2020.

Malinaw raw kay Albie na hindi sinsero si Andi kaya hindi pa rin absuwelto ang aktres sa atraso nitong paninira sa kanya noong 2011.

Malalim pa rin ang bubog na dulot noon kay Albie, na nagbitiw pa ng mapanuyang mga salita sa aktres.

Sabi niya: "My friends just saw her in Siargao and they said she's super fat, so that makes me super happy.

"I don't know if that's bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. Yeah, I don't care. That's the truth!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Jaclyn Jose to Albie Casiño: "YOU want the truth? Gusto mo sabihin ko in public pano mo bugbugin anak ko? Kahit buntis? Try moko."
PHOTO/S: @jaclynjose / @vynimalism via @thestallion09 / @andieigengirl
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results