Nadine Lustre reacts to Cristy Fermin telling her: "Bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo."

by Rachelle Siazon
Oct 30, 2021
Actress Nadine Lustre to veteran columnist-radio host Cristy Fermin: "2021 na toxic pa rin."
PHOTO/S: CTTO / Cristy Ferminute

Tingin ng veteran columnist-radio host na si Cristy Fermin, 65, may pagkakamali rin ang aktres na si Nadine Lustre, 27, kung bakit ito napulaang "tumataba."

Si Nadine daw kasi mismo ang nagbabalandra ng katawan nito sa Siargao, kaya mas napapansin ng netizens kung nadagdagan man ang timbang nito.

Sabi ni Cristy sa kanyang radio show na Cristy Ferminute noong October 28: "Si Nadine pumapa-show sa Siargao... Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two-piece.

"Ewan ko, 'no, kung bakit ayaw niya magdamit. Wala naman nagbabawal sa kanya.

"Tapos ngayon nagiging sentro siya ng body shaming. Sabi ng isang netizen, 'Napansin ko na tumataba ka na, ingat-ingat.' Anong masama dun?"

Payo pa ni Cristy, sana ay magbalabal man lang si Nadine kung lalabas ito sa public place sa Siargao.

"Ikaw na hitad ka, ayaw mo magdamit. Pa-show ka nang pa-show kahit saan.

"Bibili ka lang ng litson, ng sarsa, kitang-kita buong katawan mo.

Continue reading below ↓

"Para di ka naba-bash, magtapis ka. Andami-dami namang binebentang pandong dun, di ba. Itago mo yung katawan mo."

Sabi pa ni Cristy, binibigyan lang ni Nadine ng dahilan ang netizens na pag-usapan siya.

"E, ano inaasahan mo na ganyan pinapakita mo buong katawan mo?

"Kung ayaw niyo pasukin ng netizens at mga bashers at trolls ang inyong buhay, ipinid niyo, iikaw ang magsara."

NADINE CALLS CRISTY "TOXIC"

Nakarating kay Nadine ang tinuran ni Cristy sa radio show nito.

Patutsada ng singer-actress, pinairal ni Cristy ang pagiging "Marites" o tsismosa nito.

Tweet ni Nadine ngayong October 30: "2021 na toxic pa rin."

Sabay plug ni Nadine na pakinggan ang latest single niya na "Wait For Me" at inanyayahan din ang fans na makipagtsikahan sa kanya sa Twitter Space.

Sa huli, humirit pa si Nadine na "LECHON MANOK TONIGHT."

Na-gets kasi ni Nadine na ang tinutukoy ni Cristy na "rampa siya nang rampa" kahit bibili lang ng sarsa sa tindahan.

Continue reading below ↓

May kinalaman iyon sa viral photo ni Nadine noong August 2021 kunsaan may hawak siyang bote ng sarsa.

Iba-ibang reaksiyon ang natanggap ni Nadine dahil sa kumalat na candid photo niya na kuha sa Siargao.

Pero tweet lang noon ni Nadine, "Para di na kayo magisip… lechon manok yung ulam."

Continue reading below ↓

Ilang buwan nang sa Siargao nakabase si Nadine.

Madalas ay namamataan siyang kasama ang rumored boyfriend niyang si Cristophe Bariou.

Noong September 2021 ay nagparehistro pa si Nadine bilang voter sa regional COMELEC office sa Siargao.

October 2021 naman nang mamataan ang rumored couple sa mall sa Makati City.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Nadine Lustre to veteran columnist-radio host Cristy Fermin: "2021 na toxic pa rin."
PHOTO/S: CTTO / Cristy Ferminute
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results