Watch Now

Xian Gaza asks BlackPink's Jennie out for dinner through a billboard in Seoul

by Nikko Tuazon
Oct 31, 2021
Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink
On Sunday, October 31, 2021, self-confessed scammer at social-media personality Christian Albert Gaza, also known as Xian Gaza, goes viral on social media after inviting BlackPink's Jennie to a dinner dare with a billboard in Seoul, South Korea.
PHOTO/S: Christian Albere Gaza on Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong publicity stunt ng self-confessed scammer at social-media personality na si Christian Albert Gaza o kilala rin bilang Xian Gaza.

Ngayong Linggo, October 31, 2021, kumalat sa social media ang litrato ng umano'y billboard ni Xian kung saan niyaya niya sa isang dinner ang K-pop superstar na si Jennie Kim mula sa grupong BlackPink.

Matatagpuan daw ang billboard sa Youngsan, ang geographic center ng Seoul kung saan matatagpuan rin ang N Seoul Tower at Itaewon.

Pinost din sa Facebook ni Xian ang kanyang billboad kalakip ang mensahe para kay Jennie.

Saad sa post, "Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. 'Can I take you out to dinner' and make me the happiest man alive?

"Billboard Location: 62, Noksapyeong-daero 11-gil, Yongsan-gu, Seoul, Republic of Korea

"I don't know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK's YG headquarters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I hope she will say YES."

Sa kasalukuyan, wala si Jennie sa Seoul. Lumipad ito patungong Los Angeles, California noong October 24, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BLINKS REACT

Samu't saring reaksiyon naman mula sa Pinoy fans ng BlackPink o Blinks ang paandar ni Xian. Ngunit karamihan sa mga ito ay tila hindi nagustuhan ang "creepy" publicity stunt ng social-media personality, na tinawag rin ng fans na "sasaeng fan."

Sa mundo ng K-Pop, ang mga "sasaeng fans" ay maituturing na "stalkers" dahil sa pagsunod ng mga ito sa kanilang idolo saan man ito magpunta.

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

Binanggit din ng ilang Blinks na "convicted scammer" si Xian.

Matatandaang hinatulan ng Malabon Metropolitan Trial Court ng "guilty beyond reasonable doubt" para sa violation nito ng Anti-Bouncing Check Law. Dahil sa hatol na guilty, makukulong si Xian ng hanggang limang taon at anim na buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit pinaboran ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 292 ang petisyon nitong huwag munang ipatupad ang kanyang limang-taong pagkakakulong na ipinag-utos ng Malabon Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 120.

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

Sa isang deleted Facebook post noong September 2018, sinabi ni Xian na nakalabas ito ng bansa patungong Hong Kong kahit na may tatlo umano itong warrants of arrest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

XIAN'S OPEN LETTER TO BLINKS

Naglabas naman ng open letter si Xian sa mga fans ng BlackPink at ipinagtanggol ang pagpapa-billboard nito upang maimbitahan sa isang dinner si Jennie.

Dagdag pa nito, wala raw siyang inagrabiyado at tinapakang tao sa pagpapagawa niya ng billboard para kay Jennie.

Ang buong post ni Xian: "OPEN LETTER TO ALL FILIPINO BLACKPINK FANS

"Bilang isang fanboy o fangirl, ang top 5 most safisfying thing in the fandom world are the following:

"1. Maka-date mo ang iyong idol

2. Meet & Greet with your idol plus photo op

3. Maka-video call o maka-chat mo ang iyong idol

4. Mapansin ka ng idol mo virtually

5. Marinig ng idol mo ang iyong pangalan

"The most effective way para mangyari ang limang ito ay sa pamamagitan ng isang billboard proposal malapit sa corporate headquarters ng talent agency kung saan under ang iyong idolo.

"Magiging mali lamang ito kung ang taong pina-billboard mo ay isang pribadong tao dahil inilagay mo sa spotlight ang kanyang buhay at pagkatao without his/her consent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Our idol Jennie Kim of Blackpink is a global artist known by more than 200 million people around the world.

"A billboard proposal is necessary kung gusto mong magpapansin sa isang tao na kagaya niya.

"By putting up this dinner date billboard in the very heart of South Korea, wala akong inagrabyado o inapakang tao.

"Magagalit o maiinis ka lamang sa 'kin kung isa kang fan ng Blackpink tapos hindi mo afford ang milyones na billboard sa Seoul kasi ayaw mo yung feeling na mas malaki ang chance ko sayo na mapansin ng ating idolo.

"Imbis maging masaya ka at suporta ang iyong ibigay sa kapwa mo 'Blink', ang pinairal mo ay negativity dahil wala kang capacity na gawin yung nagawa niya para sa idolo niyo. Have a great day."

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

XIAN GAZA'S CELEBRITY PROPOSALS

Hindi ito ang unang beses na may niyaya si Xian na celebrity para sa isang date.

Matatandaang nakilala siyang "Coffee-date CEO" at "Billboard suitor" matapos mag-viral sa social media ang billboard proposal nito kay Erich Gonzales.

Tinanggihan ni Erich ang imbitasyon na ito ni Xian.

Bukod dito, inalok din ni Xian si Nadine Lustre ng isang red na Mustang noong February 2020, na hindi rin tinanggap ng aktres. Kalauna'y inamin ni Xian na ginawa niya ang publicity stunt na ito "upang ma-promote ang aking real estate investment business."

Christian Albert Gaza, Xian Gaza, Jennie Kim, BlackPink

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong January 21, 2021, kotse rin ang inalok ni Xian sa TikTok star na si Yuki Takahashi. Pinost nito sa Facebook ang pulang Toyota Vios na binili umano nito para sa sikat na content creator.

Sa kanyang post, sinabi ni Xian na "walang hidden agenda" ang kanyang regalo at nais lang makipagkaibigan kay Yuki, kahit na ipinangako nito sa sarili na hindi na ito gagawa ng publicity stunt sa kahit sinong artista.

Aniya, "Dahil mayaman at milyonaryo na ako ngayon, I promised myself na hinding-hindi na ako gagawa ng publicity stunt sa kahit na sinong artista dahil ginawa ko lamang ang mga bagay na 'yon upang ako'y makabangon sa buhay.

"Hindi ko na kailangang makisakay ngayon sa kanilang kasikatan for the sake of my personal brand and business interests.

"Pangako ko sa sarili ko, kung gagawa nanaman ako nang panibagong eksena in the future para sa isang tao... I'll make sure na legit na ito at walang halong hidden agenda. Pure feelings na lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam naman ng PEP Live Extra! kay Yuki, sinabi nitong wala itong tinanggap na kotse mula kay Xian.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, October 31, 2021, self-confessed scammer at social-media personality Christian Albert Gaza, also known as Xian Gaza, goes viral on social media after inviting BlackPink's Jennie to a dinner dare with a billboard in Seoul, South Korea.
PHOTO/S: Christian Albere Gaza on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results