Watch Now

Nikko Natividad now married to longtime non-showbiz partner

by Bernie V. Franco
Nov 1, 2021
Hashtags member Nikko Natividad finally ties the knot with longtime non-showbiz girlfriend Cielo Mae Eusebio. The two have been together for seven years.
PHOTO/S: @vancelarena and @eventsbymissp on Instagram

Ikinasal na ang Hashtags member na si Nikko Natividad sa kanyang longtime non-showbiz girlfriend na si Cielo Mae Eusebio.

Nangyari ang garden wedding nina Nikko at Cielo sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas, nitong Linggo, October 31, 2021.

Bukod sa pagiging miyembro ng It’s Showtime all-male group na Hashtags, si Nikko ay nakilala bilang Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate noong 2016 at Gandang Lalaki grand winner sa It’s Showtime noong 2014.

Sina Nikko at Cielo ay pitong taon nang magkarelasyon. Mayroon silang isang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga dumalo sa kasal nina Nikko at Cielo ay ang Hashtags members na sina Kid Yambao, Tom Doromal, at Ronnie Alonte at girlfriend na si Loisa Andalio; Barbie Imperial; Vance Larena; at Ejay Falcon at girlfriend na si Janna Roxas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NIKKO ON FINALLY DECIDING TO MARRY CIELO

Noong September 23, 2021, ibinahagi ni Nikko sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na naghahanda na sila ni Cielo para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Bagamat matagal na silang nagsasama, ibinahagi noon ni Nikko kung bakit natagalan bago niya yayaing magpakasal si Cielo.

“One time, bigla na lang nagti-treadmill ako, tapos biglang kinausap ko siya. Wala na akong mga surprise. Wala.”

Lubos daw itong ikinatuwa ni Cielo dahil matagal na niyang hinihintay na pakasalan siya ni Nikko.

Sabi pa ni Nikko: “Totoo palang antayin mong maging ready yung tao. Hindi mo puwedeng ipilit,” sabi ng Hashtags member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad pa ni Nikko na maraming pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang pagsasama ni Cielo.

Inamin ni Nikko na napagbuhatan niya noon ng kamay si Cielo ng higit sa isang beses dahil nakainom ang aktor. Napagsalitaan din niya ng masasakit noon si Cielo.

Kuwento ni Nikko, “Nabarangay na nga ako. Sabi nung tatay niya, makukulong daw ako."

Pero sa kanya pa rin kumampi si Cielo sa kabila ng ginawa ni Nikko sa kanya.

Subalit sa paglipas ng panahon, nagbago si Nikko at bumawi sa kanyang mag-ina.

Ngayon ay buong pagmamalaki ni Nikko na patuloy siya sa pagtahak sa magandang landas kasama ang kanyang pamilya.

“Nasa right track ako ngayon. Wala akong bisyo na sinasayang ang bawat oras,” sabi ng Kapamilya actor-host.

Papuri naman ni Nikko kay Cielo: “Sobrang understanding ng partner ko. Hindi basta sumusuko.

"Ilang beses na akong gustong umayaw. Ili-lift niya ako talaga."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member Nikko Natividad finally ties the knot with longtime non-showbiz girlfriend Cielo Mae Eusebio. The two have been together for seven years.
PHOTO/S: @vancelarena and @eventsbymissp on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results