Darren Espanto visits Cassy Legaspi at her house during Halloween

by Rachelle Siazon
Nov 3, 2021
Robi Domingo (not in photo) teases Darren Espanto for rushing to meet Cassy Legaspi during Halloween: "Aha! Kaya pala nagmamadaling umuwi." Darren was dashing in his Squid Game cosume while Cassy looked extra radiant in her red dress.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram

Pinakilig nang husto nina Darren Espanto at Cassy Legaspi ang kanilang fans nang makita silang magkasama nitong Halloween.

Hindi nito inilihim ng dalawa dahil ipinost pa ni Darren sa Instagram ang video nila ni Cassy na bigay-todo sa pagsayaw ng "She Knows."

Suot ni Darren ang Halloween costume niya bilang Officer Hwang Jun-Ho ng sikat na Korean survivor thriller series na Squid Game.

Ipinost ito ni Darren noong November 1, na tila kuha noong October 31.

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Cassy na nasa bahay niya si Darren.

Biniro pa niya si Darren na bigyan siya ng "bayad" dahil ginawa raw siyang instant photographer nito.

Pero quits lang daw sila, ayon kay Darren.

"Yung naging videographer at art dep pa ako pero wala namang binabayad [rolling eyes emoji] Ang hirap pa kunan nung subject kasi sayaw ng sayaw ng 'Lalisa'" hirit ni Darren.

Continue reading below ↓

CASSREN TEASED BY ROBI, SIBLINGS

Isa sa mga nanukso sa dalawa ay ang malapit na katrabaho at kaibigan ni Darren na si Robi Domingo.

Hirit ni Robi, "Aha! Kaya pala nagmamadaling umuwi."

Galing din kasi si Darren sa bahay ni Robi para sa kanilang kuwelang Squid Game dance video shoot.

Hindi kaila na si Robi ang numero unong malakas mang-asar kay Darren sa hinihinalang espesyal na pagtitinginan nina Darren at Cassy.

Pati ang nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle Espanto ay may panunukso kina Darren at Cassy.

"You all know what I'm gonna say," saad ni Lynelle na todo ang green and yellow hearts bilang suporta sa signature color ng dalawa.

Ang twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi, may simpleng hirit din.

"WOW! BEST FRIENDS!" naka-all caps na hirit ni Mavy.

CASSREN FANs REACTION

Tuwang-tuwa ang fans ng CassRen, ang uniname nina Cassy at Darren, na makitang magkasama ang dalawa.

Continue reading below ↓

Madalas kasi ay virtual meetups o palitan lang ng comments sa social media nasisilayan ang kulitan ng mga ito.

Kaya excited ang fans na mismong si Darren pa ang nag-post na magkasama sila ni Cassy.

Continue reading below ↓

CASSY AND DARREN "VERY SPECIAL" TO EACH OTHER

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto, inamin ni Cassy na "very special" ang turing nila ni Darren sa isa't isa.

Sa hiwalay na TV interview kay Darren, sinabi niyng hindi sila nagmamadali ni Cassy na pumasok sa isang relasyon.

Continue reading below ↓

Parehong alam nina Cassy at Darren na malayo pa ang tatakbuhin ng kanilang karera at iyon ang prayoridad nilang pareho.

Pero hindi maitatanggi ang magandang samahan ng dalawa.

Huli silang nakitang magkasama noong maka-"double date" nila sina Mavy at Kyline Alcantara noong Hulyo.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robi Domingo (not in photo) teases Darren Espanto for rushing to meet Cassy Legaspi during Halloween: "Aha! Kaya pala nagmamadaling umuwi." Darren was dashing in his Squid Game cosume while Cassy looked extra radiant in her red dress.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results