Nagsampa ng reklamong cyber libel si Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista-Lim laban sa aktor na si Enchong Dee.
Si Claudine ay representative ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.
Kaugnay ito ng diumano'y mga mapanirang salita na binitiwan ni Enchong sa sinasabing magarbong wedding ni Claudine sa Balesin Island Club Resort sa Polilio, Quezon.
Si Claudine ay ikinasal sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim via civil wedding noong Febuary 20, 2021 at sa Balesin noong July 28, 2021.
Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng cyber libel complaint ni Claudine, na inihain niya sa Office of the Provincial Prosecutor sa Davao Occidental noong August 23, 2021.
Sa Davao Occidental nakatira si Claudine at ang kanyang mister na si Tracker.
Isinalaysay ni Claudine na August 16, 2021 nang magulantang siya sa sunud-sunod na text messages at private messages mula sa mga kapamilya, kaanak, at kaibigan.
Nalaman niya sa mga ito ang aniya'y mga mainit na tirada sa kanya sa Twitter ng ilang mga artista at netizens. Kabilang dito si Enchong pati na sina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz.
Reklamo ni Claudine: "True enough, when I checked their Twitter accounts, thru my husband's legal counsel, they each lambasted me for my wedding.
"This they did, even if I do not know them personally. I have no personal or professional dealings with them in the past or present.
"Yet, they had the audacity to post something against me based only on hearsay.
"None of them were present at my wedding day nor a privy to the expenses for my wedding.
"Yet, they attacked me as if they have personal knowledge of the expense for my wedding."
Ayon pa sa kongresista, parang sinabuyan siya sa mukha ng nagyeyelong tubig sa "nervewracking tweet" ni Enchong kalakip ng reposted tweet ng female netizen na dawit din sa reklamong cyber libel.
Aniya, sa buong buhay niya ay hindi siya ang tipo na nakikisali sa parties at gatherings na maaaring pagpistahan ng publiko.
Pati raw ang pagpapakasal niya sa kanyang best friend mula pagkabata na si Tracker ay hindi rin ipinangalandakan sa publiko.
Kaya hindi raw niya maisip kung ano ang nagawa niya para masabihan ng "libelous remarks" ng aktor.
Paliwanag pa ni Claudine: "There is not even a speck of a reason for them to attack me for celebrating a once-in-a-lifetime-and-a-childhood-dream-wedding of every little girl.
"Truth be told, it was even a private ceremony not meant for public consumption or feasting.
"No media outfits were even present to flaunt or publish the ceremony as the same was strictly private.
"It was only for my and my husband's loved ones, families and close friends to enjoy and remember."
CLAUDINE CALLS ENCHONG'S TWEET "DEFAMATORY, MALICIOUS"
Base pa rin sa complaint affidavit, umalma si Claudine sa "defamatory" at "malicious" na akusasyon ni Enchong at ng netizen laban sa kanya.
Pinalabas daw ng mga ito na siya ay "corrupt" at "insensitive" sa pangangailangan ng sektor na nirerepresenta niya.
"ENCHONG DEE even went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that 'The money for commuters and drivers went to her wedding', to the detriment and injury to my honor and name.
"I humbly submit that I am a representative of DUMPER PTDA Partylist, which gives voice, assistance and aid to public utility drivers and commuters, as well, in the House of Congress;
"The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official."
Naniniwala si Claudine na malinaw na siya ang pinapatamaan ni Enchong kahit hindi siya tuwirang pinangalanan ng aktor at netizens sa mga tweet ng mga ito.
Isinumite niya kasama ng kanyang sinumpaang salaysay ang screenshot ng tweet ni Enchong at ng female netizen.
Makikita sa pahayag ng netizen na niretweet ni Enchong na ang binatikos na personalidad ay "representative of drivers and commuters party list," bumoto ng "no" sa ABS-CBN franchise, at Michael Cinco wedding gown ang isinuot sa kasal.
Kasama rin sa niretweet ni Enchong ang dalawang litrato ni Claudine. Ang isa ay head shot niya na may nakasulat na text na siya ay "FIRST NOMINEE" o representative ng "DUMPER" partylist. Habang ang ikalawang litrato ay kuha noong araw ng kanyang kasal sa Balesin.
Nasa bahay niya sa Davao Occidental si Claudine nang iparating sa kanya ng kanyang "loved ones, family, friends, and supporters" ang anila'y mapanirang tweet ni Enchong pati na ng female netizen.
"All the readers of the post, especially those from Mindanao and those from the House of Congress would identify me as the subject of the malicious imputation," saad ni Claudine.
Nagsumite rin si Claudine ng testimonya ng tatlong katao na ilan lamang daw sa mga nakapagsabing malinaw na siya ang tinutukoy sa tweets ng aktor at ng female netizen.
Dagdag niya: "In this case, there is no doubt that the posts of ENCHONG DEE and [female netizen] were published as they were posted through their respective Twitter accounts;
"The posts were widely read by my loved ones, family, friends, relatives and the general public not just locally but worlwide."
CLAUDINE claims enchong was not truly sorry
Ayon pa kay Claudine, nakarating sa kanyang nag-sorry sa kanya si Enchong noong August 18 o dalawang araw makalipas ang insidente.
Pero hindi iyon katanggap-tanggap kay Claudine dahil tingin niya ay hindi sinsero ang aktor.
"He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him.
"This does not do any good for him. It only bolstered and magnified his admission of guilt beyond reasonable doubt for his un-provoked and baseless libelous remarks."
Sabi pa ni Claudine, "After damaging my name, dignity and honor, ENCHONG DEE realizing this forthcoming criminal charge, attempted to un-scramble a scrambled egg, so to speak, by removing his original post and tweeting the following [apology on Twitter]."
Ipinakita ni Claudine ang screenshot ng tweet ni Enchong kunsaan inamin ng aktor na pinagsisisihan niya ang kanyang "reckless tweet."
Inamin din doon ni Enchong na hindi niya naisip ang pinsala na maidudulot nito kay Claudine at sa pamilya ng kongresista.
CLAUDINE SEEKS PHP1 BILLION FROM ENCHONG FOR DAMAGES
Naniniwala si Claudine na niyurakan umano ni Enchong ang magandang pangalan niya, ng kanyang mga kaanak, pati na rin pamilya ng kanyang mister na si Tracker.
Si Claudine ay anak ni incumbent Davao Occidental Governor Claude Bautista.
Ang Derelicto clan ng kanyang inang si Genelyn Derelicto Bautista ay may pag-aari "farm land" at "numerous businesses" sa probinsiya at sa Davao City.
Ang pamilya ng mister niya ay nagmamay-ari naman ng chain ng kilalang brand ng car dealerships sa siyam na lugar sa Mindanao bukod sa real estate business.
Sa huli, humingi si Claudine ng "moral damages" na nagkakahalaga ng "PHP500,000,000" at "exemplary damages" na "PHP500,000,000" para maging "deterrent" ang nangyaring insidente.
Nakakagulantang ang kabuuang halagang PHP1 billion na danyos na hinihingi ng kongresista mula kay Enchong at hiwalay na PHP1 billion sa female netizen.
Paliwanag pa ni Claudine, PHP10 million ang tinatayang babayaran niyang "attorney's fee" at "PHP10,000" kada araw na "appearance fee" sa korte.
Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ni Enchong at ng iba pang personalidad na nabanggit sa artikulong ito.