Enchong Dee says he has no reason to leave ABS-CBN

by Rachelle Siazon
Nov 8, 2021
Enchong Dee
Enchong Dee on being a solid Kapamilya: "Ayoko nang magsimula ng panibagong relationship because I feel like I was able to establish a good relationship with people that I've worked with for the past 15 years."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube

Minsan nang may humikayat kay Enchong Dee, 33, na lumipat ng ibang TV network, pero tinanggihan daw niya ito noon.

Ayon kay Enchong, hindi niya kailanman naisip iwan ang ABS-CBN, ang home network niya sa loob ng 15 taon.

"Meron, even prior to the pandemic, prior to the shutdown.

"Pero ang lagi ko kasi sinasabi, nasa punto na ako ng buhay ko na kung anong na-establish kong relationship, mas importante kasi sa akin yun, e," saad ni Enchong.

Napangiti pa ang aktor dahil aminadong kilala siyang wais sa pera, pero hindi raw nakabase sa talent fee ang desisyon niyang manatili bilang Kapamilya.

Paliwanag niya: "Yung pera kikitain mo 'yan. Ako pa ito, ha? Budgetarian at kilala niyo ako kung paano sa pera.

"Pero hindi kasi iyon ang main goal ko sa trabahong ito.

"Number one, ayoko nang magsimula ng panibagong relationship because I feel like I was able to establish a good relationship with people that I've worked with for the past 15 years.

Continue reading below ↓

"And ang hirap uli magsimula."

Kung gusto niya kumita ng dagdag na pera, mas gugustuhin daw niyang mag-invest o magnegosyo.

Aniya, "Number two, ang plan B ko is to become a business tycoon, hindi mag-switch ng network."

Matimbang din kay Enchong ang loyalty niya sa ABS-CBN lalo na sa panahong gipt ngayon ang istasyon dahil sa kawalan ng prangkisa.

"Number three—again this is my opinion—kailangan kasi ako ng Kapamilya.

"Unti-unti nababawasan, paminsan may nababalitaan tayo nagde-decide [lumipat ng network].

"I respect their reasons. They have have valid reasons why the'yre doing that, pero ako, yun lang sa akin."

Giit niya, forever Kapamilya na siya.

Sinabi ito ni Enchong sa mediacon ng 30th anniversary ng Maalaala Mo Kaya, na ginanap noong November 3.

BREAK FROM doing a TELESERYE

Kasalukuyang napapanood si Enchong sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother at weekly musical-variety show na ASAP Natin 'To.

Pero hindi raw muna sasabak sa teleserye si Enchong dahil katatapos lang ng role niya sa Kapamilya prime-time series na Huwag Kang Mangamba.

Continue reading below ↓

Sabi niya, "Kailangan ko ng reset. I need to ground myself once in a while...

"May inaasahan ako na isang pelikula na gustung-gusto ko gawin. Supposedly mag-start siya end of November, tapos matatapos before Christmas.

"Pero na-move po. Baka next year yun ang aantayin ko.

"For the meantime, gusto ko muna magpahinga kasi natataranta yung utak ko sa mga lock-in taping. Ngayon pa lang ako nasasanay."

LOOKING FOR LOVE

Nang makausap ng PEP. (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa mediacon, sinabi nitong isa sa mga nais niyang pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ng love life.

"Kanina nasabi ko na I wanna take a break because that's the next chapter.

"I want to get into that feeling, I want to have that feeling, I miss that feeling.

"When I do, I want to make time for that."

Hindi raw kasi niya maisabay iyon sa trabaho.

Katuwiran ni Enchong: "Kapag dumadating yung trabaho at this point in my life, nase-set aside lahat.

Continue reading below ↓

"Kilala ko sarili ko. When I'm ready to fall in love again, I need to take a break from something I'm doing right now. Maybe showbiz, maybe some other businesses.

"But I will definitely make time for that. I really want to make time for that. If I'm ready for that, I want to do just that."

May napupusuan na ba siya?

Napangiting sagot ng aktor: "Siyempre meron. Pag ready na ako, ire-reveal ko sa inyo. Sa ngayon, chill ka lang diyan."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee on being a solid Kapamilya: "Ayoko nang magsimula ng panibagong relationship because I feel like I was able to establish a good relationship with people that I've worked with for the past 15 years."
PHOTO/S: Enchong Dee YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results