Janine Gutierrez, Rayver Cruz have not been a couple for a month now — PEP source

by Rommel Gonzales
Nov 15, 2021
Janine Gutierrez Rayver Cruz breakup
According to a reliable source of PEP.ph, longtime couple Janine Gutierrez and Rayver Cruz have called it quits due to lack of time for each other.
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram

Kumpirmadong hiwalay na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang very reliable source na isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver, na parehong 32 years old.

"No time for each other" ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ayon pa sa source, walang third party na involved sa breakup ng dalawa.

May mga naghihinala kasing nagkakamabutihan na sina Rayver at Julie Anne San Jose, na magkatrabaho sa GMA-7 shows tulad ng The Clash at All-Out Sundays.

Kinakikiligan ng fans nina Julie Anne at Rayver (JulieVer) ang tambalan nila simula nang una silang magkasama sa Studio 7, na umere mula October 14, 2018-December 7, 2019.

Hindi rin maiwasang maugnay sina Janine at Paulo Avelino, na magkatambal sa ongoing Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You na na-extend sa Book 2.

PAULO'S DATING HISTORY WITH JANINE

Sa presscon ng serye noong November 10, inamin ni Paulo na may panahong dalawang beses silang nag-date ni Janine sa totoong buhay.

Continue reading below ↓

Naudlot lang daw ang pagkakamabutihan nila noon.

Pero ang date na iyon ay noon pang hindi nagkakaroon ng relasyon sina Janine at Rayver.

Sabi ni Paulo: "Kasi, parang… kumbaga… alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine.

"Lumabas na kami dati, hindi lang…"

Naputol ang sasabihin ni Paulo, pero iginiit niya na kung mabigyan siya ng pagkakataon at pareho silang single ni Janine ay hindi siya magdadalawang-isip na ligawan ang aktres.

Aniya, "Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK."

JANINE AND RAYVER'S RELATIONSHIP

June 2017 nang unang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panliligaw ni Rayver kay Janine.

Sa mga sumunod na taon ay nasubaybayan ng PEP.ph ang sightings sa dalawa, pero naging low-key ang mga ito pagdating sa kanilang pagtatangi sa isa't isa.

Noong January 2019 ay mailap pa si Janine pagdating sa mga tanong tungkol sa unawaan nila ni Rayver.

Continue reading below ↓

Si Rayver naman ay inilarawang "intense dating stage" ang relasyon nila ni Janine noong July 2019.

Pero kinalaunan ay unti-unti ring naging bukas ang couple sa relasyon nila, at sa suporta nila sa isa't isa kahit na magkaiba sila ng kinabibilangang istasyon.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong April 2021, ikinuwento pa ni Janine ang ilang masasayang alaala nila ni Rayver kapag bumabiyahe sila sa ibang bansa.

Habang isinusulat ang artikulong ito, tila burado na sa Instagram account ni Rayver ang ilang couple pictures nila ni Janine.

May natira lang na greeting ni Rayver kay Janine nang manalo ito bilang Gawad Urian Best Actress noong November 2020 at couple picture nila nang magdiwang ng kaarawan si Rayver noong July 2019.

Sa Instagram account ni Janine ay makikita pa ang couple pictures nila ni Rayver.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a reliable source of PEP.ph, longtime couple Janine Gutierrez and Rayver Cruz have called it quits due to lack of time for each other.
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results