Is Barbie Imperial alluding to Xian Gaza in her “scammer” post?

by Arniel C. Serato
Nov 18, 2021
Barbie Imperial scammer post
Barbie Imperial reposts promotional material of her movie with boyfriend Diego Loyzaga on Facebook with caption alluding to a "scammer."
PHOTO/S: Courtesy: @msbarbieimperial ? @diegoloyzaga on Instagram

May pinatatamaan ba si Barbie Imperial sa kanyang “scammer” post ngayong araw, November 18?

Sa kanyang official Facebook page, na mayroong 14 million followers, ni-reshare ni Barbie ang promotional material ng pelikula nila ng nobyo na si Diego Loyzaga na Dulo.

Nakalagay sa tagline ng promo ng pelikula: “Kailan mo na-realize na kahit anong pilit ang gawin niyo, hindi niyo na mababalik ang dati?"

Pabirong sagot ni Barbie sa caption niya: “Na realize ko nung may scammer na naninira sa relasyon namin. Charot asa ka kami pa din hanggang DULO [face savoring food emoji]”

Barbie Imperial scammer post

Continue reading below ↓

WHO IS BARBIE REFERRING TO?

Sino ang tinutukoy ni Barbie na “scammer” na naninira ng relasyon nila ni Diego?

Si Xian Gaza kaya ito na nagpakawala ng kung anu-anong blind items sa kanyang Facebook page?

Si Xian ay kontrobersiyal na social media personality at isa ring self-confessed scammer, na nakulong noong 2018 dahil sa usapin tungkol sa pera.

Self-confessed lalaking “Marites” o tsismoso rin siya.

Noong November 16, trending topic sa Twitter ang blind item na pinakawalan ni Xian tungkol sa third party umano sa hiwalayan ng sikat na social na influencer at ng nobya nito.

Pinahulaan ni Xian sa kanyang lagpas kalahating milyong Facebook followers kung sino ang "Star Magic artist" na nahuling kayakap umano ng nobya ng "sikat na influencer" sa isang hotel room.

Kaagad namang nagkomento ang netizens na diumano’y ang tinutukoy niyang sikat na influencers na naghiwalay ay sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Inamin ni Alodia na wala na sila ni Wil matapos ang apat na taong relasyon.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng ibang netizens, si "Barbie" daw ang Star Magic artist na tinutukoy ni Xian sa kanyang blind item.

Deadma naman si Barbie sa nasabing tsismis, pero pinayuhan ni Diego ang nobya na huwag magpadala sa “noise” ng social media.

Nadamay rin ang social media influencer at game streamer na si Christine Samson a.k.a. Genie-Nga.

Ayon sa kanya, “lies” lamang ang lahat. Hindi rin siya talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial reposts promotional material of her movie with boyfriend Diego Loyzaga on Facebook with caption alluding to a "scammer."
PHOTO/S: Courtesy: @msbarbieimperial ? @diegoloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results