Vic del Rosario reveals conversation with Nadine Lustre about her legal dispute with Viva

by Arniel C. Serato
Nov 19, 2021
Vic del Rosario on reconciliation with Nadine Lustre
Viva big boss Vic del Rosario on settling legal dispute with Nadine Lustre: “I’m happy and hopefully we can do more movies and even other projects.”
PHOTO/S: Courtesy: Viva Entertainment on Facebook / @nadine on Instagram

Hindi nawawalan ng pag-asa si Vic del Rosario na bumalik sa dati ang nalamatang relasyon ng kanyang pagmamay-aring kumpanya na Viva Entertainment Inc. sa aktres na si Nadine Lustre.

January 2020 nang kumalas si Nadine bilang exclusive contract artist ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva, mula noong 2002.

Bunsod nito ay nagsampa ng kaso ang Viva laban kay Nadine dahil sa pag-violate umano ng aktres sa kontrata nito.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team kay Boss Vic noong November 8, ibinahagi niyang kahit may kaso na sa korte ay patuloy pa rin silang nag-uusap ni Nadine.

Aniya, “So, I was really hoping. I always kept, ano, direct contact with her.

“And then, eventually, kaming dalawa nag-uusap.”

Kinausap daw nang masinsinan ni Boss Vic si Nadine dahil malaking abala ang mga usaping may kinalaman ang korte.

Lahad niya, “Sabi ko, ‘Huwag na nating ibigay sa lawyers yung desisyon, we tell the lawyers what we want. Then they just write the contract.

Continue reading below ↓

"'Don’t let the lawyer decide what’s good for you or what’s good for us, di ba? Alam mo naman ang negosyo, matagal ka na dito, bata ka pa.’

“So, maganda, very positive sa ngayon.”

Noong November 3, kinumpirma ng mga abugado ni Nadine na sina Atty. Gideon Peña at Atty. Eirene Jhone E. Aguila na kasalukuyang nakikipag-usap ang kanilang kampo sa management company ng aktres upang tapusin na ang sigalot sa pagitan ng magkabilang kampo.

Dahil sa out of court na pag-uusap ng magkabilang kampo, naging mas malinaw sa ngayon na maaring manumbalik ang magandang relasyon ng Viva at ni Nadine.

Ikinatuwa naman ito ni Boss Vic.

“I’m happy and hopefully we can do more movies and even other projects,” pakli niya.

“WE HIT THE JACKPOT”

Nagsimula si Nadine sa Viva bilang bahagi ng girl group na Pop Girls noong 15 taong gulang pa lamang siya.

Twenty-eight years old na ngayon si Nadine.

Continue reading below ↓

Masasabi ba ni Boss Vic na isa sa pinaka-talented star nila ang aktres?

Diretsong tugon ng Viva big boss, “I think, yeah, oo.

“Because dun sa Pop Girls, when I started handling mga limang singers namin, I was eyeing her to be our ano, e, in the movies.

“In fact, when Diary ng Panget [2014] was being planned, namimili kami ng artista.

“Everybody, iba yung choice nila, ako lang siguro talagang gustung-gusto ko siya.

“The result of the box office proved I was right. So, we hit the jackpot, and JaDine became one of the hottest ano [love team].”

Ang JaDine ay ang tambalan ni Nadine at dating off-on-screen partner na si James Reid.

Ngayon, balik sa Viva si Nadine para sa isang pelikula na pinagtatambalan nila ni Diego Loyzaga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viva big boss Vic del Rosario on settling legal dispute with Nadine Lustre: “I’m happy and hopefully we can do more movies and even other projects.”
PHOTO/S: Courtesy: Viva Entertainment on Facebook / @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results