Kris Aquino dismayed by Herbert Bautista's tweet; Mel Sarmiento calls it "ungentlemanlike"

by Rachelle Siazon
Nov 21, 2021
Kris Aquino and Mel Sarmiento on Herbert Bautista
Kris Aquino on conversation with ex-boyfriend Herbert Bautista last July 2021: "BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun. It's common knowledge that you're now in a new relationship with a beautiful girlfriend... so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram / PEP File

Umalma ang engaged couple na sina Kris Aquino at Mel Sarmiento sa naging pasaring ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa naudlot niyang relasyon kay Kris.

Si Mel ay dating secretary ng Department of Interior and Local Government, noong huling dalawang taon ng panunungkulan ni dating President Benigno Aquino III.

Nitong November 18, 2021, nag-tweet si Herbert na naiinggit siya sa isang supporter ni Senator Ping Lacson na nag-propose sa nobya nito sa gitna ng kampanya ni Ping noong 2004.

Ani Herbert, "Mr. President Ping, na-inspire din tuloy ako mag-propose. Kaso, sayang...may napili na sya."

Walang binanggit na pangalan si Herbert, pero hindi ito nagustuhan ni Mel.

Hindi kasi kaila sa publiko ang on-and-off relationship nina Herbert at Kris, pati na ang dalawang beses na marriage proposal ni Herbert kay Kris noong 2014 at 2017.

"Ungentlemanlike" raw na gamitin ang dating history nina Herbert at Kris para sa kampanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Herbert ay kumakandito bilang senador, habang si Senator Lacson ay tumatakbo bilang presidente sa 2022 elections

Pahayag ni Mel: “As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.

"Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.

"Hindi po showbiz ang Senado.

"People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.

"Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon.”

Pinost ni Kris ang pahayag ni Mel sa kanyang Instagram feed ngayong Sabado, November 20.

Dito ay nagpaabot din ng mensahe si Kris kay Herbert.

Sana raw ay irespeto ni Herbert ang relasyon nila ni Mel since nagkaroon naman sila nang maayos na closure sa kanilang relasyon noong May 12, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkausap rin daw sina Kris at Herbert tungkol kay Mel noong July 21, 2021.

Lahad ni Kris: "July 21, bilang respeto- sana naman natatandaan mo yung sinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sa yo nung May 12, 2021-nasabi ko dun 'we both deserve our versions of ME AFTER YOU' kaya nung alam na ng puso ko that it was Mel, i messaged you to ask if we could talk.

"Right away ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun.

"It's common knowledge that you're now in a new relationship with a beautiful girlfriend... so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past."

Umapela rin si Kris kay Herbert na huwag nang gamitin ang nakaraan nila sa kampanya nito.

Patuloy ni Kris: "After 7 years of trying but not succeeding, siguro naman kilala mo na ang ugali ko. Kaya kong dumedma kung ako ang ginagamit o naaapakan BUT foul when it's someone i love & value (in this instance my very soon to be husband na hindi ka naman ginulo o inagrabyado) then papalag ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"i totally agree with what he said especially sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12- so there's no need to use our past to gain attention.

"Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters."

KRIS THANKS MEL FOR DEFENDING HER

Sa kabilang banda, ipinagpasalamat ni Kris na natagpuan niya sa fiance ang "#betterman."

Naging magkasintahan sila ni Mel noong July 24, 2021, at isinapubliko nila ang kanilang engagement noong October 24, 2021.

Post ni Kris sa Instagram kahapon, November 20, (published as is): "when I woke up beside him this morning, i really thanked God and thanked my kuya up in heaven for reconnecting me with the "#betterman

"Thank you babe... Nobody has stood up & fought for me the way you have consistently been doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You have never blamed me for my past, instead you have just loved me for me."

Malaking bagay rin kay Kris na aprubado ng anak niyang si Bimby ang relasyon nila ni Mel.

"Every time I remember last week when we mistakenly though ready for occupancy na Bimb's unit, (we are leasing 2, unfortunately 1 floor apart) before we left he hugged you tight and said, 'I love you Tito Mel please take special care of mama because I love her so much.'

"I really thank God because my beloved bunso both loves & trusts you. #family."

Kalakip nito ang lyrics ng kanta ni Taylor Swift na "Better Man," na tungkol sa nabigong relasyon ng isang couple dahil hindi naging "better man" ang lalaki rito.

HERBERT'S APOLOGY

Burado na ang tweet ni Herbert.

Pero sa mga sumunod na tweets ni Herbert, humingi siya ng paumanhin at inaming si Kris nga ang tinutukoy nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang sinusulat ang artikulong ito, hindi na makikita sa timeline ng Twitter ang mga tweets ni Herbert.

Pero heto ang nakuhang screenshots ng iba't ibang publications: "I've already taken down the post on Twitter of which my loose remark unjustifiably hurt feelings.

"It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris."

May screenshot din ng tweet ni Herbert kung saan inamin niyang ang kanyang pasaring ay tungkol sa bigong relasyon nila ni Kris.

Ani Herbert kay Kris: "I'm so sorry.

"I failed to see it coming, until it was too late.

"Alam kong maaalagaan ka nya, and I can see that you're happier now.

"Aminado ako, I know I have not been good enough.

"Still regretting the chance I didn't take. You deserve better."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on conversation with ex-boyfriend Herbert Bautista last July 2021: "BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun. It's common knowledge that you're now in a new relationship with a beautiful girlfriend... so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results