Angel Locsin reacts to "imbento" rumor of basher: “Hindi ko ikamamatay yang chismis mo.”

by Arniel C. Serato
Nov 22, 2021
Angel Locsin answers basher about old chismis
Angel Locsin answers basher of her comment about Apollo Quiboloy: "Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram

Sinagot ni Angel Locsin ang isang basher na nagkomento nang hindi kaaya-aya tungkol sa kanya.

Nagsimula ito nang magkomento si Angel sa Instagram post ng ABS-CBN News tungkol sa balitang sinampahan ng U.S. prosecutors ng kasong sex trafficking si Apollo Quiboloy.

Si Quiboloy ang founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name. Siya ay kilala rin bilang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod sa pastor, sinampahan din ng kaso ang iba pang administrador ng kanyang religious organization dahil sa diumano’y pang-aabuso sa mga kababaihang may edad 12 hanggang 25.

Komento ni Angel tungkol sa balitang sangkot si Quiboloy noong Biyernes, November 19: “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita.”

Angel Locsin comment on Pastor Apollo Quiboloy indictment

Continue reading below ↓

Sa comments thread ng komento ni Angel, isang basher ang nag-akusa sa aktres na hindi rin daw malinis ang pagkatao nito.

Alegasyon pa ng basher, noong nasa GMA pa si Angel ay "tumatakas sa taping" para makipagkita sa kanyang boyfriend at makipagtalik.

Alam din daw ito ng dating kasamahan ni Angel na si Valerie Concepcion.

Buong komento ng basher: “@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? E diba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo at makipagdyugyugan? Tanong pa natin si Valerie Concepcion.”

Basher alleging Angel Locsin of an old chismis

Continue reading below ↓

Hindi ito pinalampas ni Angel.

Sinabihan nito ang basher na huwag mag-imbento ng isyu para pagtakpan lamang ang ibang tao.

Hindi rin daw niya ikamamatay ang imbentong isyu ng basher.

Tugon ni Angel: “huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o :) hindi ko ikamamatay yang chismis mo [smiling face with smiling eyes emoji] mag dasal ka”

Angel Locsin answers basher

Continue reading below ↓

Nakarating din kay Valerie ang sinabi ng basher.

Payo niya kay Angel, huwag na nitong pansinin ang basher dahil halata naman daw na troll lang ito.

Ani Valerie, “Naku mare @therealangellocsin. Obvious na troll lang yang ____ na yan. Wag mo na lang pansinin. Ang layo sa issue ng comment eh.. Mema lang.”

Valerie Concepcion comment on Angel Locsin post

Continue reading below ↓

Bukod kay Angel, nag-react din si Daniel Padilla sa kasong kinasasangkutan ni Quiboloy.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin answers basher of her comment about Apollo Quiboloy: "Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan."
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results