Did Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez break up with girlfriend?

by Arniel C. Serato
Nov 22, 2021
Beatrice Luigi Gomez, Kate Jagdon breakup?
Netizens fume after Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez did not mention her longtime-partner Kate Jagdon in a recent interview.
PHOTO/S: Courtesy: @beatriceluigigmz / @kate_jagdon on Instagram

Hiwalay na ba si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at ang girlfriend nitong si Kate Jagdon?

Ito ang katanungan ng ilang netizens na nakapanood ng TikTok video na in-upload ng isang netizen ngayong Lunes, November 22.

Ibinahagi ng netizen ang clip ng recent interview sa beauty queen.

Tila natanong si Beatrice kung bakit hindi nakarating ang kanyang ina sa grand coronation ng Miss Unvierse Philippines 2021 na ginanap sa Henann Resort Convention Center, Panglao, Bohol, noong September 30.

Sagot niya, “Dun sa Bohol, where the pageant was held, only my sister lang and my friend was able to go. Hindi nakapunta yung mom ko.”

Beatrice Gomez breakup Kate Jagdon

Continue reading below ↓

Kita naman sa edited videos at pictures sa nasabing TikTok post na nandun mismo si Kate sa coronation, pero hindi binanggit ni Beatrice ang pangalan nito.

Sabi sa caption ng post: "Bea said only her sister and a friend was able to go to Bohol to support her [heartbroken emoj] without mentioning someone #beatriceluigigomez #katejagdon"

Makikita pa ang isang short clip na niyakap ni Kate ni Beatrice at tinawag niyang “Hi baby.”

Beatrice Luigi Gomez embraces Kate Jagdon

Continue reading below ↓

Sa isa pang post ng may username na djkate_jagdon, may caption ito na tila galit na galit kay Beatrice.

Sabi nito, “Alam ng lahat n andoon si kate, but still tinanggi mo parin…namaos kakasigaw ng pangalan mo.wala kang kasing KAPAL…

“Hanggang saan mo kayang magsinungaling.”

Hinihinalang poser lamang ni Kate ang nasabing account.

Netizen's caption on Beatrice Luigi Gomez

Continue reading below ↓

Hindi rin nagustuhan ng mga nagkomentong netizens ang sinabing ito ni Beatrice.

Netizens comments on Beatrice Luigi Gomez

Netizens comments on Beatrice Luigi Gomez

Continue reading below ↓

Netizens comments on Beatrice Luigi Gomez

Ilang linggo na ang nakararaan ay lumutang ang balitang naghiwalay na umano sina Beatice at Kate, pero walang makapagkumpirma nito.

Umingay ang relasyon nina Beatrice at Kate dahil nang lumaban ang una sa Binibining Cebu 2020, kung saan inamin niyang meron siyang girlfriend.

Sa question-and-answer portion ng pageant na ginanap sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino noong January 13, 2020, sinabi ni Beatrice: “I guess what makes me beautiful is my bravery and being true to myself.

Continue reading below ↓

“To tell you guys honestly, I have a girlfriend, I have tattoos, and I’m very proud of my imperfection.

"And I guess that what makes me beautiful."

Suportado rin ni Kate ang kanyang Miss Universe Philippines journey.

Lagpas anim na taon na ang kanilang relasyon.

Nang bisitahin ng PEP.ph ang Instagram accounts nina Beatrice at Kate, hindi pa burado ang mga larawan nilang magkasama.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens fume after Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez did not mention her longtime-partner Kate Jagdon in a recent interview.
PHOTO/S: Courtesy: @beatriceluigigmz / @kate_jagdon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results