John Lloyd Cruz on downside of being matinee idol: "Parang bawal ka magkamali."

by Rachelle Siazon
Nov 24, 2021
John Lloyd Cruz matinee idol
John Lloyd Cruz on why he left show business in 2017: "Sa karanasan ko kasi, di ko nabantayan yung kapit ko sa sarili ko, kung ano yung mga prinsipyong pinapaniwaalan ko. Parang siguro nga, tama ka, baka nauuntog ka na. Wala ka nang ibang masalungat kundi sarili mo na."
PHOTO/S: Screengrab from KMJS YouTube

Ngayong nagbabalik-telebisyon si John Lloyd Cruz sa GMA-7, baon nito ang mga aral na natutunan sa loob ng apat na taong iniwasan niya ito.

Si John Lloyd ay certified A-list star ng ABS-CBN nang siya ay biglang umalis sa kinabibilangan niyang sitcom noong October 2017.

Siya ay nag-"indefinite leave" sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, hanggang sa paglipas ng mga taon ay natapos na lang ang kontrata niya bilang Kapamilya star.

Lumayo man sa mundo ng showbiz, tahimik daw siyang gumawa ng piling independent film.

Hanggang sa unti-unti siyang nasilayan ng publiko sa script reading kasama si Bea Alonzo noong February 14, 2020, at experimental "unconfined cinema" project kasama uli si Bea noong April 2020.

Nakumpirma ang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd nang siya ay ilunsad na premium artist ng Crown Artist Management, ang pag-aaring talent management company ni Maja Salvador.

At nito ngang November 9, 2021, pumirma ng partnership agreement si John Lloyd para sa kanyang sitcom sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong November 21, maaliwalas ang dating ni John Lloyd habang kakuwentuhan si Jessica Soho sa tabing-dagat sa El Nido, Palawan.

Pinag-uusapan nila ang pagiging matinee idol niya.

Trademark ni John Lloyd ang nangungusap niyang mga mata, na kapag "tumitig ay nakakatunaw," lalo na sa 19 romantic-comedy o romantic-drama movies na pinagbidahan niya.

Napapangiting saad ni John Lloyd, "Ewan ko kung ano nakikita nila. Madalas nabibisto nga ako sa mata ko, e. Dun ako nayayari, e.

"Pero madalas ibang kahulugan ang nabibigay. Ang totoo lang naman, inaantok lang naman ako,"

Humirit si Jessica na "boyfriend ng bayan" ang dating ni John Lloyd dahil sa kanyang mga patok na romantic-comedy movies.

Simpleng saad ng aktor, "Iba talaga ang power ng pelikula. Magaling lang siguro yung mga direktor na bumuo ng mga characters ko."

Sabay matalinhagang diin niya, "It is flattering, yes?

"Pero may great danger na kalakip, e. Hahaha! Parang bawal ka magkamali, especially sa mata ng audience mo. I think yun ang kapalit nun."

WHY HE LEFT SHOWBIZ in 2017

Inamin ni John Lloyd na umabot sa puntong kailangan niyang hanapin ang sarili at palakasin ang kanyang core kaya siya biglang nag-indefinite leave sa showbiz noong 2017.

Paliwanag ng 38-year-old actor: "Parang it was the right time to be kind to myself, to start some healing. Parang it was the right time, the journey of unlearning.

"Prior to that, mga dalawang dekada akong kayod nang kayod.

"Siyempre, the thing with acquiring yung mga natutunan natin, may mga kaakibat siyang mga bagay na kakapit sa 'yo na mahihirapan kang ipagpag para huminga muna."

Inusisa si John Lloyd kung naramdaman ba niyang umabot siya sa puntong naabot na niya ang ceiling ng katanyagan, pero naghahanap siya ng something "more."

Pag-amin ng premyadong aktor, "Importante rin na may tama kang motivation habang sinusuong mo yung daan sa hinahanap mo.

"Sa karanasan ko kasi, di ko nabantayan yung kapit ko sa sarili ko, kung ano yung mga prinsipyong pinapaniwaalan ko.

Continue reading below ↓

"Parang siguro nga, tama ka, baka nauuntog ka na. Wala ka nang ibang masalungat kundi sarili mo na.

"Pero tingin ko, kung barado sa taas, puwede ka sa gilid. Mas interesting nga pagka dun sa maliliit na butas ka dadaan, e."

FINDING PEACE AND QUIET IN EL NIDO

Napadpad daw si John Lloyd sa El Nido, Palawan kunsaan malaya siyang nakakalabas at nakakahalubilo ng mga tao.

Kaya "second home" na ang turing ni John Lloyd sa lugar.

May mga ilang pagkakataong nababalita ngang namamataan si John Lloyd sa Palawan.

Kuwento ni John Lloyd: "Nung bagong salta ako dito, nakikibahay lang ako sa kinuhanan ko ng property.

"Yun lang paglalakad to get from point A to point B na sanay na sanay ka na kinokotse mo.

"They will not bother you here. Bilang dayo, ikaw yung nagmamasid. Ikaw yung natulala sa paligid mo.

"Para sa mga panahon na iyon para sa isang katulad ko na nagnanais lang na manahimik, di ka mawawalan ng dahilan para mag-extend nang mag-extend nang mag-extend."

Continue reading below ↓

Hindi rin kaila na noong panahong lie-low siya sa showbiz ay nakarelasyon niya si Ellen Adarna, at nabuo ang pagmamahalan nila nang ipanganak si Elias noong July 2018.

Pero pahapyaw na ipinaliwanag ni John Lloyd na hangga't maaari ay ayaw niyang pag-usapan ang ex-girlfriend.

"Nagsisimula at matatapos sa anak namin yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya," saad niya.

john lloyd's tv comeback

Ngayong handa na siya muling sumabak sa mainstream scene, inihayag ni John Lloyd na chill lang siya.

"Itong pagkakataong ito, mas hindi ako mangangahog o maghahabol sa content na gusto ko.

"Hayaan ko sila na dumating nang kusa.

"Yung mga naging pelikula na nagawa ko kay Lav Diaz, yung mga naidulot na experiences nun, di ko rin matatawaran, e."

Nag-premiere ang History Ni Ha, ang huling pelikula ni John Lloyd na idinirek ni Lav, sa BFI London Festival noong October 2021.

Ano ang mensahe niya sa kanyang younger self?

Continue reading below ↓

Sagot ni John Lloyd, "Siguro I'll tell him to be more patient. I'll tell him na huwag i-impose yung truth niya sa lahat."

Tanging ang sitcom niya sa GMA-7 na Happy To Get Her ang pormal na inanunsiyo ni John Lloyd na gagawin niya sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Isa sa mga aabangan ng kanyang fans ay kung posible bang magbalik din siya sa paggawa ng teleserye.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on why he left show business in 2017: "Sa karanasan ko kasi, di ko nabantayan yung kapit ko sa sarili ko, kung ano yung mga prinsipyong pinapaniwaalan ko. Parang siguro nga, tama ka, baka nauuntog ka na. Wala ka nang ibang masalungat kundi sarili mo na."
PHOTO/S: Screengrab from KMJS YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results