Life story of Mark Paul Medina: Pangarap na nagulungan ng truck

by KC Cordero
Nov 25, 2021
Mark Paul Medina now at left, at the hospital at right
Hindi nakuha ni Mark Paul Medina ang college basketball scholarship matapos maputulan ng dalawang daliri sa kanang paa nang magulungan ng trak noong gabing naganap ang kanilang high-school graduation.

Matapos ang walong taon, isang lalaki ang nabigyan ng hustisya.

Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Angeles City Regional Trial Court Branch 60 noong 2018 na bayaran ng mahigit PHP1 milyon “in damages” si Mark Paul Medina.

Nagulungan si Medina ng isang 10-wheeler truck habang patawid sa kalsada sa Angeles City, Pampanga, walong taon na ang nakalilipas.

Sa walong pahinang desisyon ng CA na may petsang November 15, 2021, nakasaad na ang truck driver na si Severino Pestanio Jr. at ang kanyang employer na si Sharon Co ay pawang responsable sa mga pinsalang natamo ni Mark.

Nawalan ng dalawang daliri si Mark sa kanang paa, at tuluyang nagbago ang kanyang buhay.

KATATAPOS LANG NG HIGH SCHOOL GRADUATION NANG MAAKSIDENTE

Nakapanayam si Mark ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 23 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, naganap ang aksidente noong March 15, 2013.

“Gabi po nangyari. Katatapos lang ng aming high-school graduation noon.

Continue reading below ↓

“Seventeen years old pa lang po ako nang maaksidente.”

Kabababa lang umano niya sa jeep at tumatawid sa Magalang Road corner Epza Main Road sa Barangay Pulung Cacutud nang mahagip ang kanyang kanang paa ng kaliwang gulong sa unahan ng 10-wheeler truck na may plate number PDP 128 at walang headlights .

Mark Paul Medina at the hospital

Isinugod siya sa Angeles University Foundation Medical Center kung saan sumailalim siya sa ilang operasyon.

Tinanggal ang kanyang hinlalaki at ang long toe sa kanang paa para maiwasan na magkaroon siya ng infection at mga kumplikasyon.

Ayon pa kay Mark, “Almost two months po ako sa ospital.”

APEKTADO ANG PAG-AARAL AT MGA PANGARAP

Dahil sa aksidente, naapektuhan ang kanyang pagpasok sa kolehiyo.

“Na-late po akong mag-enroll nang halos one month. Pero nakapasok pa rin naman po ako, two-year vocational course.”

Ang masaklap pa, hindi na niya nakuha ang dapat na college basketball scholarship dahil hindi na siya makapaglaro.

Ayon kay Mark, mahilig talaga siya sa basketball, “Point guard po ang position ko.

"Noon po nasa 5’ 7” ang heght ko. Sakto lang naman po yung husay ko sa paglalaro.”

Aminado siyang malaki ang naging epekto sa kanya ng aksidente.

“Kasi dati po mahilig talaga ako sa sports, hindi lang basketball.”

Continue reading below ↓

At malungkot pa niyang sambit, “Kung di po ako naputulan ng mga daliri, magpupulis sana ako noon.”

NABAON SA UTANG DAHIL SA OPERASYON

Nakailang opera sa paa niya bago gumaling.

“Bale anim po na operasyon kasi nagka-infection. May pampito pa sana pero di na namin ipinagawa dahil nabaon na kami sa utang, saka medyo nakakalakad na naman ako.”

Mark Paul Medina's damaged right foot

Continue reading below ↓

Nang tanungin kung tumulong sa kanyang pagpapaospital ang drayber at ang may-ari ng trak, aniya, “Ang alam ko po, two times lang silang nag-deposit para sa operasyon 'tapos tumigil na.

“Bale parang wala man sa one-fourth ang naibigay nila sa total ng nagastos.”

Umabot sa PHP757,641 ang kanilang nagastos sa pagpapaospital.

Ang Angeles City Public Attorney’s Office ang naging abogado ni Mark nang magsampa sila ng kaso sa korte.

DANYOS NA MATATANGGAP, PARA SA KANYANG MGA ANAK

Inatasan ng CA sina Pestanio at Co na bayaran si Mark ng PHP757,641 para sa actual damages, PHP150,000 para sa moral damages, PHP75,000 sa exemplary damages, at PHP50,000 para sa attorney’s fees with interest.

Ang naging depensa nina Pestanio at Co sa korte ay nasa maayos na kondisyon ang truck at walang depekto.

Si Mark anila ang basta na lang tumawid sa kalsada.

Ngunit sa pagpabor sa biktima, sinabi ng korte na “a prudent driver would have immediately slowed down and stopped the vehicle to give way to the pedestrian crossing the road.

Continue reading below ↓

“An experienced and competent driver would be able to properly react upon seeing that there were people at the centerline who were attempting to cross the street. This care, caution and diligence, appellant Pestanio Jr. failed to observe, thus causing injury to Medina.”

Mark Paul Medina now

Nagtatrabaho ngayon si Mark bilang service crew.

Continue reading below ↓

Aniya, sakaling matanggap na niya ang bayad, “Babayaran ko po yung ibang utang na nagastos sa akin nang operahan ako.

“’Tapos yung iba, pang-business. Saka para po sa mga anak ko.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nakuha ni Mark Paul Medina ang college basketball scholarship matapos maputulan ng dalawang daliri sa kanang paa nang magulungan ng trak noong gabing naganap ang kanilang high-school graduation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results