LJ Moreno loses valuables while moving to new house in the U.S.

by Bernie V. Franco
Nov 24, 2021
LJ Reyes robbery US
Actress LJ Moreno recounts sad experience on the day her family moved to their new house in the United States.
PHOTO/S: YouTube (The Wander Mamas)

Biktima ng pagnanakaw ang dating aktres na si LJ Moreno nang lumipat sa kanilang bagong bahay sa California, U.S.A.

Si LJ, ang mister niya at dating basketball player na si Jimmy Alapag, at tatlo nilang anak ay lumipad sa Amerika noong September 2020 para doon na manirahan.

Suspetsa ni LJ, may kinalaman ang apat na house movers na inupahan nila sa pagkawala ng kanyang engagement ring at wedding ring.

Itinago raw niya ang mga ito sa drawer sa dating tinitirhang bahay sa araw ng paglilipat nila.

“It’s really sad, kasi from the Philippines, di ba, ang dami din naming valuables and ang daming movers din, pero in the Philippines, wala naman nawala or anything,” himutok ni LJ sa YouTube video nila ni Rufa Mae Quinto na The Wander Mamas noong November 21, 2021.

Patuloy niya, “Pero dito kasi, there were, like, four movers.

“In the beginning, I wanted to give them the benefit of the doubt.

Continue reading below ↓

“Kaya lang kasi, ang nangyari, kasi magsa-shower ako nun, e, parang nagdi-disassemble sila ng furniture, and then my sister came up.”

Inabisuhan daw si LJ ng kanyang kapatid na dumating na ang truck na magdadala ng kanilang gamit sa bago nilang bahay.

Habang naliligo, ang iba namang movers ay nasa ibaba at inihahanda ang mga dadalhin nilang gamit.

Lahad ni LJ, “Nasa baba pa sila, nasa mga rooms pa, nagdi-disassemble. And then yung rings ko, I left it in the drawer with my watch.”

Tiniyak ni LJ na nakasara ang drawer, kung saan nakalagay ang kanyang Rolex watch, at dalawang singsing.

“Pag-akyat ko, wala na yung bench under that [drawer], kasi, apparently, pumasok yung movers, kinuha…

“Hindi ko naman din naisip na papasok sila…

“Sila lang yung nasa taas na, e, sila lang yung naglilipat.”

Pagbukas ng drawer, doon na napansin ni LJ na nawawala ang kanyang dalawang singsing.

Sabi niya, “Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga.

“Buti nga yung Rolex, hindi kinuha, e.

“Yung face ng Rolex, nakadikit sa drawer. Ang nasa gitna is yung dalawang singsing.”

LJ Reyes robbed

Inusisa ni Rufa Mae si LJ kung may plano itong magsampa ng reklamo laban sa movers.

Sagot ni LJ, “Well, pinag-pray ko na lang sila. Bahala na.

Continue reading below ↓

“Kasi I complained, I filed the complaint. Kaya lang, even on that day, I was calling the office kung ano yung procedure, ganyan-ganyan, walang sumasagot.”

Nang sa wakas ay may sumagot na, pinayuhan umano siyang mag-file ng kanyang claim ng nangyaring nakawan.

Ayon pa kay LJ, nag-background check muna siya ng movers. Pero hindi niya napansin ang bad reviews nito.

“Nung chineck ko talaga, okay naman yung reviews, although meron palang ilan na bad [reviews]. After [ng nakawan] ko na na-check.

“Kasi parang 4.5 stars naman sila. So, sabi ko, ‘Okay na.’”

Nang balikan daw niya ang page ng movers matapos ang nangyaring nakawan, saka lang nakita ni LJ na may mga insidente ring nawalan ng gamit ang ilang reviewers.

Sa kabila ng mapait na karanasang ito, nagbahagi rin ng magandang balita si LJ.

Una na rito ay ang pagiging assistant coach ni Jimmy ng G League ng Sacramento Kings basketball team, ang Stockton Kings.

Continue reading below ↓

Ang G League ang official minor league ng NBA.

Si Jimmy ang assistant coach ng head coach na si Bobby Jackson, professional basketball coach at former NBA player.

Bukod pa rito, may sarili na ngang bahay ngayon ang pamilya ni LJ.

Sabi ni LJ tungkol sa nabili nilang bahay, “It’s just right for us, for the kids. Kasi kailangan ng space ng mga kids, di ba? So, there’s a big backyard and then four bedrooms.

“For kids, it’s a good area. Maganda yung neighborhood, very quiet.”

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
LJ Moreno, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress LJ Moreno recounts sad experience on the day her family moved to their new house in the United States.
PHOTO/S: YouTube (The Wander Mamas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results