Julia Montes's latest Instagram post hints at real score with Coco Martin

by Arniel C. Serato
Nov 24, 2021
Julia Montes, Coco Martin photos by the beach together
Will Julia Montes and Coco Martin finally confirm their relationship soon?
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram

Kinilig ang maraming tagahanga ni Julia Montes dahil sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram ngayong Miyerkules, November 24.

Makikita rito ang solo nilang mga larawan ng rumored boyfriend na si Coco Martin na nasa tabing-dagat.

Coco Martin at the beach

Simpleng mensahe ni Julia sa caption: “Today is a great day to smile and be happy [face with smiling eyes and full-toothed grin, sun emojis]”

Continue reading below ↓

Hindi man magkatabi sa larawan, mahihinuhang pareho ang background na beach ang makikita sa kanilang likuran.

Julia Montes Coco Martin dating at the beach photo

Posibleng sa Ilocos Sur kinunan ang mga larawan dahil doon sila nagti-taping ng teleseryeng Ang Probinsyano.

Hudyat na kaya ito ng nalalapit na pag-amin ng dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

CELEBRITIES REACT

Bukod sa solid fans nina Julia at Coco, kinilig din ang maraming artista sa post ni Julia.

Kabilang na rito sina Miles Ocampo, Joseph Marco, Maxene Magalona, Isabelle Oli, Dawn Zulueta, at Kris Bernal.

Celebs comments on Julia Montes post

Nagkomento rin sa post ni Julia sina Neri Naig, Paulo Avelino, Ara Mina, Jessy Mendiola Jennica Garcia, Dimples Romana, Louise del Rosario, Teresa Loyzaga, Agot Isidro, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Celebs comments on Julia Montes post

Celebs comments on Julia Montes post

Continue reading below ↓

Celebs comments on Julia Montes post

THE JULIA-COCO 2022 SIGHTINGS

Matagal nang usap-usapan sa mundo ng showbiz na may lihim na relasyon sina Coco at Julia.

Pero hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig nila tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pagpasok nitong taong 2021, halos sunud-sunod ang public sigthings ng dalawa na magkasama.

Noong nakaraang Marso, magkasama silang nagbakasyon sa Boracay.

Continue reading below ↓

Nitong Hulyo ay namataan din sila sa isang shop sa Greenhills, San Juan City.

Sa parehong buwan ding iyon ay umamin si Julia tungkol sa relasyon niya sa isang hindi pinangalanang aktor.

Sinabi ni Julia sa panayam ng Mega Magazine na "personal choice" nila ng kanyang karelasyon na panatilihing pribado ang kanilang ugnayan para makaiwas sa intriga.

Bahagi ng pahayag ng aktres: "Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.

"So, might as well, 'O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.' Yun na lang."

Nitong nakaraang Setyembre ay magkasama naman silang nagparehistro sa isang mall para makaboto sa 2022 elections.

Abril ng taong 2019, kinumpirma ng ilang showbiz insiders na nanganak na si Julia at ang ama ay walang iba kundi si Coco.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Julia Montes and Coco Martin finally confirm their relationship soon?
PHOTO/S: Courtesy: @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results